Cherry Pie Picache, Janine Gutierrez, Agot Isidro, other stars pledge their support for Leni Robredo

by Rachelle Siazon
Feb 21, 2022
Leni Robredo, 2020 elections, celebs
These are the stars who are choosing Leni Robredo (with pink mask) as their presidential candidate in the 2022 elections. Seen in the right quadrant are (clockwise) Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Iza Calzado, and Janine Gutierrez. Below Leni are (L-R) Miles Ocampo, Lauren Young, Albie Casiño, and Elijah Canlas.
PHOTO/S: Leni

Marami sa mga artista ang naghayag na si Leni Robredo ang sinusuportahan nilang presidential candidate sa 2022 elections.

Read: Leni Robredo on running for president: "Lalaban ako. Lalaban tayo."

Isa rito si Cherry Pie Picache na todo-suporta kay Leni.

Sumama si Cherry Pie sa proclamation rally ni Leni sa Camarines Sur noong February 8, 2022.

Ipinakita ni Cherry Pie sa kanyang vlog ang dagsa ng taong nagpunta roon.

Umakyat din siya sa entablado para magbigay ng pahayag.

Saad niya: "Itong araw na ito ang simula natin para makamit natin ang deserve natin...

"Ito ang laban ng sambayanan para magkaroon tayo ng gobyerno na kumikilala sa bawat dignidad ng tao at mangyayari po ang lahat ng iyan kung pipili tayo ng Pangulo na alam nating noon pa subok nang mahusay, tapat, at nagpapayabong ng kultura na may malasakit para sa isa't isa.

"At sigurado, walang kaduda-duda na maasahan natin. At iyan po ay walang iba kung hindi ang susunod na karapat-dapat na presidente ng Pilipinas, si Leni Gerona Robredo."

Continue reading below ↓

Leni Robredo, Cherry Pie Picache, Agot Isidro

Kasama rin ni Cherry Pie si Agot Isidro sa proclamation rally.

Leni Robredo, Cherry Pie Picache, Agot Isidro

Continue reading below ↓

Noong February 8, ipinakita ni Agot ang video kunsaan nasa gawing likuran siya ng stage habang nagtatalumpati si Leni.

Sabi roon ni Leni: "Tara na. Ipanalo na natin ito."

Tweet ni Agot: "Right behind you, my President."

Agot Isidro, Leni Robredo

Pero bukod sa personal na pagdalo sa rallies, aktibo rin sila sa social media sa paghayag ng kanilang suporta kay Leni.

Continue reading below ↓

Sabi ni Cherry Pie: "Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa Gobyernong Tapat, may pag-asa ang kinabukasan nating lahat."

Ani Agot: "Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa subok na matapat at walang sawang paninilbihan nya sa bayan."

Leni Robredo, Cherry Pie Picache, Agot Isidro

Si Janine Gutierrez naman ay nagpunta sa campaign rally ni Leni sa Quezon City Memorial Circle noong February 13.

Continue reading below ↓

"Pink-y promise, work won't stop us from showing support on this #PinkSunday!! Kasi nga, kapag mahal mo ipaglalaban mo.

"Doon tayo sa ipaglalaban rin tayo," saad ni Janine sa kanyang Instagram post.

Janine Gutierrez, Leni Robredo

HOT STORIES

GARY VALENCIANO, IZA CALZADO, AND OGIE ALCASID

Bumuhos ang iba pang art cards ng mga artista gamit ang color motif ni Leni na kulay rosas.

Continue reading below ↓

Kalakip ng art cards ang kanilang mga litrato pati na ang paniniwala nila na tapat na lider si Leni.

Sabi ni Gary Valenciano: "Eto ang magiging first time ko to vote, ever. I know that I am going to make the right vote kasi naniniwala talaga ako na si VP Leni Robredo ang dapat maging susunod na presidente ng Pilpinas.

"Ang dahilan ay talagang napatunayan lalong lalo na nung dumapo ang COVID19 sa Pilipinas, she had plans, hindi lang intentions in order to help and make sure na makakatulong ang plano niya sa bawat Pilipino an nangangailangan."

Sabi naman ni Iza Calzado: "Nakikiisa ako sa laban ni Ma'am Leni Robredo. Isang mahusay at mabuting babae ang gagabay at tutulong sa atin para ayusin ang ating pagka-gutom, kawalan ng trabaho, takot at sakit."

Sabi ni Bituin Escalante: "Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa Gobyernong Tapat, respetado ang karapatang pantao ng lahat."

Continue reading below ↓

Halos ganoon din ang mensahe nina Angel Aquino at Ogie Alcasid, na naniniwalang uunahin ni Leni ang "kapakanan" ng mamamayang Pilipino.

Gumawa rin ng art cards sina Arlene Muhlach, Carmi Martin, at Gab Valenciano.

Leni Robredo, celebs, 2022 elections

MORE CELEBS ROOTING FOR LENI ROBREDO

Kaiisa rin sa supporters ni Leni sina Elijah Canlas, Ronnie Lazaro, Lauren Young, Nico Antonio, Adrian Lindayag, Pepe Herrera, Alex Medina, Rhap Salazar, at Alex Calleja.

Continue reading below ↓

Leni Robredo, 2022 elections

Ilan pa sa mga sumusuporta kay Leni ay sina Alyssa Gibbs, Dani Barretto, Kaila Estrada, Leon Barretto, Diego Gutierrez, Albie Casiño, JC de Vera, Adrian Alandy, at Chynna Ortoleza.

Leni Robredo, 2022 elections

Continue reading below ↓

"Gobyernong tapat" ang dahilan nina Celeste Legaspi, Alyssa Muhlach, Miles Ocampo, Shamaine Buencamino, at Leo Martinez para suportahan si Leni.

Leni Robredo, celebs, 2022 elections

Ang iba pang artistang sumusuporta kay Leni ay sina Nikki Valdez, Rica Peralejo, Ogie Diaz, Pinky Amador, Susan Africa, Jugs Jugueta, Macoy, Averilla, at Ana Roces.

Gayundin sina Noel Cabangon, Mitch Valdes, K Brosas, John "Sweet" Lapus, Jolina Magdangal, Jaime Fabregas, Jim Parades, at Marjorie Barretto.

Continue reading below ↓

Leni Robredo

Iboboto rin si Leni nina Robi Domingo, Jake Ejercito, Claudia Barretto, Kimpoy Feliciano, Phoebe Walker, Lisa Macuja, Romnick Sarmienta, Mahlou Crisologo, at Ryan Cayabyab.

Leni Robredo, 2022 elections

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
These are the stars who are choosing Leni Robredo (with pink mask) as their presidential candidate in the 2022 elections. Seen in the right quadrant are (clockwise) Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Iza Calzado, and Janine Gutierrez. Below Leni are (L-R) Miles Ocampo, Lauren Young, Albie Casiño, and Elijah Canlas.
PHOTO/S: Leni
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results