Maymay Entrata calls out fake YouTube video about her foreigner boyfriend: "Aabot tayo sa husgado."

by Arniel C. Serato
Feb 22, 2022
Maymay Entrata calls out fake YouTube post about her boyfriend
Maymay Entrata warns YouTube uploader of false information about her foreigner boyfriend: "Wag nyo na po sanang hintayin na aabot tayo sa husgado."
PHOTO/S: Courtesy: @maymay on Instagram

Pinalagan ni Maymay Entrata ang isang video upload sa YouTube kung saan tinawag na “peke” ang kanyang foreigner boyfriend.

Sa kanyang Twitter account ngayong Martes, February 22, 2022, tinuligsa ng Big Winner ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 ang mapanirang post.

Nakalagay sa caption ng YouTube video (published as is): “it’s confirm! Jowang nireveal ni Maymay Entrata it’s a FAKE pala?...”

Ayon sa Kapamilya star, false information ito na mapanira sa ibang tao.

Banta pa niya, kapag hindi binura ng uploader ang nasabing video ay baka umabot sila hanggang sa korte.

Buong post ni Maymay: “!!FAKE NEWS!! Kapag di nyo po buburahin at patuloy nyo pong pag s-spread ng false information para manira ng buhay ng ibang tao, wag nyo na po sanang hintayin na aabot tayo sa husgado. Maraming salamat po.”

Continue reading below ↓

Ipinost din ito ni Maymay sa kanyang Instagram Story.

Maymay Entrata calls out fake YouTube post

Makalipas ang ilang oras, burado na sa YouTube ang nasabing video.

Maymay Entrata calls out fake YouTube post

Continue reading below ↓

Noong nakaraang Valentine’s Day, February 14, ipinost ni Maymay ang larawan nila ng nobyo sa Instagram.

Kuha ang litrato sa Canada kunsaan nagbakasyon si Maymay.

"Happy Birthday my Valentino," simpleng caption niya sa hugging photo nila ng boyfriend.

View this post on Instagram

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

Magkayakap sila sa litrato kaya malinaw na espesyal ang relasyon ng dalawa.

Noong January 31, unang ipinahiwatig ni Maymay na "Aaron" ang pangalan ng kanyang nobyo.

Hanggang ngayon ay hindi pa ipinakikilala nang lubos ni Maymay ang katauhan ng boyfriend sa publiko.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maymay Entrata warns YouTube uploader of false information about her foreigner boyfriend: "Wag nyo na po sanang hintayin na aabot tayo sa husgado."
PHOTO/S: Courtesy: @maymay on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results