Watch Now

Yeng Constantino on cancel culture: "I know how it feels to be scared and to be bashed."

by Melba R. Llanera
Feb 22, 2022
yeng constantino
Yeng Constantino on speaking up on what you believe: "Siyempre, nandun yung fear. Pero kung ikaw as a mature person, you know what you are talking about, yung sinasabi mo di para sagasaan ang ibang tao, but you say what you believe in, do it. Kung di ka at peace and you have fear, step back ka muna, pag-isipan mo ito, hinga-hinga nang malalim. 'Tama ba ito?'"
PHOTO/S: @yeng on Instagram

Unang nagka-collaborate sina Yeng Constantino at Gloc-9 sa kantang "Bugtong" noong 2011.

Makalipas ang labing-isang taon, nag-collaborate sila muli sa kantang "Paliwanag." Ito rin ang pagbabalik ni Gloc-9 sa Universal Records pagkatapos ng dalawang taon nito as independent artist.

Para kay Yeng, dream come true na makasama sa isang proyekto ang mahusay na rapper-composer.

"Lahat kami pipila... Lodi siya, e. Pag nag-ano ang king, 'Yes, Sir, present.'

"Yung nagsu-shoot nga kami ng music video, siyempre yung mga kasama ko beki, yung nagga-glam sa akin.

"Sabi ko, 'Pumasok ka na sa dressing room. Aakyat si Sir Gloc. Bilisan na natin.' 'Bakit ka nagmamadali?' 'Malamang, si Sir Gloc yun, e.'

"Siyempre iba yung crowd na yun, e. Pero sa aming musikero at lumaki sa henerasyon niya, lodi talaga. Talagang karangalan," pahayag ni Yeng sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 16.

Natutuwa si Yeng dahil sa kabila ng galing ni Gloc-9 ay nananatili itong mapagkumbaba. Ito pa raw ang nagsabi sa kanya na kung anong gusto ni Yeng sa takbo ng collab nila ay susunod ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, "Kaya pag sinasabi niyang karangalan niya, 'Sir Gloc, di mo alam ang sinasabi mo.'

"Excited ako, nakaka-touch. Saka feeling ko kasi mas matured na ang voice ko now kaysa sa una naming collaboration. Feeling ko, hindi ko talaga nagawan talaga ng justice yung 'Bugtong.'

"Nung pinapakinggan ko itong 'Paliwanag,' I feel proud dito sa project namin ni Kuya kasi mas matured na ako at mas may ideas na ako.

"At that time, yung sa 'Bugtong,' hiyang-hiya ako sa kanya. Pero ngayong recording ng 'Paliwanag,' mas nakakapagsalita na ako. Feeling ko, kung maliligo ka rin lang naman maghihilod na rin ako para gawin ko na ang best ko.

"Di ako dapat mai-intimidate kay Kuya Gloc, dapat gawin ko kung ano ang tama sa kanta, yun din ang alam ko na magugustuhan niya.

"Nung lumabas, nagustuhan ni Kuya Gloc, so happy ako. I'm happy na happy siya sa ginawa namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gloc-9 and Yeng Constantino

ON CANCEL CULTURE

Usung-uso ngayon ang "cancel culture" dahil marami sa mga artista ang nakararanas nito, lalo na ngayong panahon ng eleksyon dahil sa magkaibang pananaw sa politika..

Alam daw ni Yeng ang pakiramdam nang ma-bash nang husto.

Aniya, "I know how it feels to be bashed kasi sobrang nakaka-destroy ng mental health.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi biro when you hear mga death threats. Sobrang ungkatin ang buhay mo, hihimayin ka na para kang laruan, hindi ka nilalang, parang di ka tao. Napakahirap.

"I empathize also with my co-artists. I know how it feels to be scared and to be bashed."

Tulad ng mensahe ng kantang "Paliwanag," naniniwala si Yeng na hindi dapat ito maging hadlang para maghayag ng saloobin sa mga mahahalagang isyu.

Payo ni Yeng, "Iyan din ang itinuro ng tatay ko sa akin, if you have something important to say, say it. Ayoko namang maging super preachy na, 'Uy, magsalita kayo.'

"Sa akin, siguro buwelo, pag-isipan mabuti kung ano ang sasabihin. Sa akin, aral din 'yan. May mga nagawa din ako sa past na, 'A, I should have done better.'

"Nakakahiya din sa magulang ko, nakakahiya din sa tatay ko. Alam mo yung gusto niya akong paltukan."

Basta ang mahalaga raw ay pag-isipan ang intensiyon ng paghayag ng saloobin at kung paano ilalatag ang mensahe sa publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, nandun yung fear. Pero kung ikaw as a mature person, you know what you are talking about, yung sinasabi mo di para sagasaan ang ibang tao, but you say what you believe in, do it.

"Kung di ka at peace and you have fear, step back ka muna, pag-isipan mo ito, hinga-hinga nang malalim. 'Tama ba ito?'

"Di ka makatulog, pag-isipan mo ng tatlong araw. Yung sense of justice mo inside you want to speak up, then do so."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yeng Constantino on speaking up on what you believe: "Siyempre, nandun yung fear. Pero kung ikaw as a mature person, you know what you are talking about, yung sinasabi mo di para sagasaan ang ibang tao, but you say what you believe in, do it. Kung di ka at peace and you have fear, step back ka muna, pag-isipan mo ito, hinga-hinga nang malalim. 'Tama ba ito?'"
PHOTO/S: @yeng on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results