Angeline Quinto reveals face of boyfriend in bonding moment with Vice Ganda

by Bernie V. Franco
Feb 22, 2022
angeline quinto boyfriend
Angeline Quinto shows the face of her boyfriend in a recent Instagram post of them having a bonding moment with Vice Ganda and his family.
PHOTO/S: @loveangelinequinto on Instagram / YouTube (Love Angeline Quinto)

Halatang unti-unti nang isinasapubliko ni Angeline Quinto ang pagkakakilanlan ng kanyang boyfriend.

Ngayong Martes ng gabi, February 22, 2022, ipinost ng Kapamilya singer ang larawan kasama ang non-showbiz boyfriend niya at si Vice Ganda.

Simpleng caption ni Angeline: “2.22.22 with my 2nd family [heart emoji]”

Si Angeline ay kilalang malapit sa pamilya ni Vice, lalo na sa ina ng huli na si Rosario Viceral na kasama rin sa Instagram photo.

Kasama rin sa picture ang pamangkin ni Vice na si Camille at isa pang babae.

Lumalabas na dumalaw si Angeline at ang kanyang boyfriend kina Vice.

Pahapyaw na ipinakita ni Angeline ang hitsura ng boyfriend niya sa kanyang maternity shoot.

Si Angeline ay buntis sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Samantala, bumuhos ang heart emojis sa comments section ng latest post ni Angeline.

Ikinatuwa ng kanyang supporters ang “face reveal” ng boyfriend niya.

Lumalabas din na ang boyfriend ni Angeline ay ang lalaking na-link sa kanya noong July 2020.

Continue reading below ↓

Angeline quinto

Continue reading below ↓

ANGELINE AND THE NON-SHOWBIZ GUY

Noong July 28, 2020, nag-post sa Instagram Story si Angeline ng sweet photos kasama ang isang di kilalang lalaki.

Matutukoy na kuha ang mga larawang iyon sa isang resort na pinuntahan ni Angeline kasama ang mystery guy.

Gayunpaman, hindi nagbigay ng detalye si Angeline kung sino ang lalaki at kung ano ang estado ng kanilang relasyon.

Pagsapit ng August 2020, natukoy ang lalaki na si “Nonrev Pelayo Daquina.”

Sa impormanteng nakausap ng PEP.ph, natukoy na may mga anak si Nonrev sa dating nakarelasyon.

Kasunod ng pagkakatukoy sa identity ng lalaki, kapansin-pansing naghinay-hinay sa interviews si Angeline sa tuwing natatanong tungkol sa boyfriend.

Pero hindi itinatanggi ni Angeline na nakikipagmabutihan na siya.

Hindi rin itinatago ni Angeline ang ilang detalye tungkol sa lalaki, gaya ng kung paano sila nagkakilala at ang tungkol sa nakaraan ng lalaki.

Isa na rito ang pagkakaroon nito ng mga anak sa past relationship.

Continue reading below ↓

Consistent ito sa mga rebelasyon ni Angeline sa interview sa kanya ni Boy Abunda noong December 2021.

“Nakilala ko po siya dahil kaibigan siya ng boyfriend ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila,” ani Angeline kay Boy.

Higit isang taon na raw silang magkarelasyon.

Binanggit din ni Angeline na sa simula pa lamang ay alam na niyang “may mga kumplikado” tungkol sa boyfriend. Katulad ng pagkakaroon nito ng dalawang anak sa dating nakarelasyon.

Bagay na nagustuhan ni Angeline dahil sa simula pa lang ay nagpakatotoo na sa kanya ang boyfriend kahit hindi niya ito tinatanong.

Paglilinaw pa ni Angeline sa interview, binatang-binata ang lalaki dahil hindi ito kasal.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto shows the face of her boyfriend in a recent Instagram post of them having a bonding moment with Vice Ganda and his family.
PHOTO/S: @loveangelinequinto on Instagram / YouTube (Love Angeline Quinto)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results