Watch Now

Claudine Barretto very proud of Gretchen's ambulance-giving project

by Arniel C. Serato
Feb 24, 2022
Claudine Barretto super proud of her Ate Gretchen
Claudine Barretto on Gretchen Barretto's "I love you my baby girl" message to her: "Thank you for having a heart like Gold."
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto / @mac_igarta on Instagram

Sobrang proud si Claudine Barretto na naging kapatid niya si Gretchen Barretto.

Kasunod ito ng pagkalat ng balitang ni-level up ni Gretchen ang kanyang personal na adbokasiyang “Love Is Essential” project.

Hindi lang kasi grocery boxes at saku-sakong bigas ang ipinamimigay ni Gretchen kundi pati ambulansiya na.

Naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magandang adhikain na ito ni Gretchen noong February 21, 2022.

Nakarating kay Claudine ang nasabing ulat at kanya itong ibinahagi sa Instagram kahapon, February 23.

Saad niya sa caption, kahit sobrang abala ng kapatid sa ibang mga bagay, naisingit pa nito ang mga makabuluhang gawain katulad ng pamamahagi ng grasya sa mga frontliners.

Kaya naman biniyayaan pa raw si Gretchen ng Diyos dahil sa mabuting puso nito.

Buong mensahe ni Claudine: “@gretchen_barretto It’s an Honor to be called you’re Sister. [praying hands, heart, ambulances emojis] may God bless u even more than what you have.no matter how busy u are u Always Prioritize Helping Others. you my Ate are the QUEEN OF PEOPLES HEARTS [praying hands, heart, smiley, face with crown, crown emojis]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maiksing sagot ni Gretchen sa mensahe ng kapatid: “I love you my baby girl [heart emoji]”

Tumugon din si Claudine sa komento ng kapatid.

Aniya, “@gretchen_barretto thank you for having a heart like Gold. [praying hands emoji] i luv u my Ate so much [hearts emoji]”

Claudine Barretto very proud of sister Gretchen

Ngayong araw, February 24, bandang alas-tres ng hapon, gaganapin ang turnover ng ambulansiyang regalo ni Gretchen sa Victor R. Potenciano Hospital sa Mandaluyong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Regalo ito ni Gretchen sa nasabing ospital sa okasyon ng ika-49 anibersaryo ng pagamutan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto on Gretchen Barretto's "I love you my baby girl" message to her: "Thank you for having a heart like Gold."
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto / @mac_igarta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results