Joshua Garcia embarrassed his used utensils made news: “Krazy”

by Bernie V. Franco
Feb 25, 2022
joshua garcia
Joshua Garcia feels "flushed" after the utensils he used in an eatery became viral and were even featured in media outlets.
PHOTO/S: TikTok / Facebook

Mukhang hindi kinaya ni Joshua Garcia na umabot sa iba't ibang news media platform ang nag-trending niyang pinagkainan sa isang karinderya sa Bulacan.

Nag-trending sa social media ang kinainan ni Joshua na Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Kumain doon si Joshua noong February 17, 2022.

Sa mga ipinost na larawan, si Joshua ay naka-police uniform at kasama ang co-star na si Jeffrey Santos at production staff.

Nasa taping ngayon si Joshua para sa upcoming Kapamilya TV series na Darna.

Matapos kumain ang grupo ni Joshua, maagap ang may-ari na piniktyuran ang pinagkainan ni Joshua—plato, kutsara’t tinidor.

Ipinost ito ng owner sa Facebook page nito at nagbirong itinabi nila ang kutsara at pinggan na ginamit ng aktor. Ibinebenta raw niya ang mga ito.

Sinakyan ito ng netizens at nag-unahan sila ng message sa owner kung paano mapapasakanila ang mga ginamit ni Joshua.

Nag-post din ang may-ari na “open for bidding” na ang kinainan ni Joshua.

Continue reading below ↓

joshua garcia

Nag-react si Joshua tungkol dito nitong gabi ng Huwebes, February 24, 2022.

“Krazy” tweet ng aktor kalakip ang isang "flushed emoji."

Ang flushed emoji ay nangangahulugang embarrassment o nakakaramdam ng pagkapahiya.

Kalakip ng tweet ni Joshua ay ang video clip mula sa entertainment segment ng TV5 news program na Frontline Pilipinas.

Continue reading below ↓

Ang anchor na si Gretchen Ho ay tinalakay ang nag-trending ang utensils na ginamit ni Joshua.

Ang opening statement sa report ukol kay Joshua: “Aakalain mong relic ng isang santo ang kutsara na ginamit ni Joshua Garcia sa isang shoot sa Bulacan…”

joshua garcia

Bukod sa news TV program, naitampok din ang isyung ito iba’t ibang entertainment sites at online tabloids.

Continue reading below ↓

Naging topic din ito ng talent manager at entertainment columnist na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia feels "flushed" after the utensils he used in an eatery became viral and were even featured in media outlets.
PHOTO/S: TikTok / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results