Watch Now

Donita Nose to Super Tekla: "Number one nating problema, katamaran mo."

by Rachelle Siazon
Feb 28, 2022
Donita Nose, Super Tekla
Super Tekla (left) on why he refused to continue living with Donita Nose (right): "Ako po talaga nagdesisyon na umalis at maghiwalay kami. Basta sobrang magulo na rin utak ko dahil sa sunud-sunod na problema. Kaya naapektuhan yung channel namin."
PHOTO/S: Donekla in Tandem YouTube

Matapos ang isang taong pagtira sa iisang bahay, inamin ni Donita Nose at Super Tekla na nagkanya-kanya na sila ng landas.

Nagkalamat ang pagkakaibigan ng dalawang stand-up comedians dahil sa joint YouTube channel nilang Donekla In Tandem, na mayroon nang 3.21 million subscribers.

Sa huling vlog nila noong February 18, 2022, magkasama silang nag-livestream para ipaliwanag sa fans nilang may sigalot sa pagitan nila sa tunay na buhay.

Pag-amin ni Donita, "Ngayon, twice pa lang kami nag-usap uli. Pero two weeks, three weeks di kami nag-uusap.

"Magkasama kami sa bahay, hindi kami nagpapansinan, hindi kami nag-uusap, as in wala talaga.

"Hanggang sa nakalipat na kami sa kanya-kayang bahay namin. Wala talagang usap."

Kahit nang maghakot sila ng gamit noong sila ay naglipat-bahay ay di raw sila nag-imikan ni Tekla.

Masama ang loob ni Donita dahil bago sila nagkanya-kanya ni Tekla, ang orihinal na plano nila ay magkasama pa rin sila sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naghanap pa raw si Donita ng lilipatang bahay nila na mas malaki ang espasyo para magamit nila sa kanilang vlog content.

Lahad ni Donita: "Dumating sa point na umayaw na ako. Wala kaming upload [sa YouTube channel namin].

"Hindi kami nag-uusap kasi sumama na yung loob ko sa kanya dahil kasi lilipat po kasi kami ng bahay talaga.

"Gusto namin bahay na maayos, yung makakapag-vlog kami.

"Kasi, dun sa isang bahay namin, medyo istrikto talaga dun. Di kami maka-vlog sa labas kasi nga naiingayan yung mga kapitbahay.

"Four days akong nag-ikot. Four days naghanap ako ng bahay kasama itong editors namin. Kung saan-saan ako nag-ikot.

"Siya [Tekla] nasa bahay lang. Andun lang siya. Taga-report lang ako, 'Eto, may nakita akong bahay.' Sabihin lang niya sa akin, 'O, sige, ikaw na bahala diyan.'

"So, dun pa lang, ako na naman. Ako na lang lagi."

Ang buong akala ni Donita, game si Tekla na magsama uli sila sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagulat na lang daw siya nang makapili siya ng bahay na lilipatan ay tumanggi si Tekla na pirmahan ang kontrata para rito.

"So, tinanong ko siya, 'Bakit di mo pinirmahan?' Ang pinakamasakit narinig ko at minessage niya sa akin is, na-try namin magsama sa isang bahay sa loob ng isang taon, 'Pero wala namang nangyari.'

"Nakakadurog ng pagkatao. Binigay mo lahat. Inihain mo na lahat, kahit utak mo dumudugo na sa pag-iisip at hirap.

"Ang dami ko shinare sa sarili ko. Pero sasabihan mo lang ako ng walang nangyari?"

Magkatabing nakaupo sa sofa habang madamdaming nagsasalita si Donita at matamang nakikinig naman si Tekla.

Patuloy ni Donita, "unfair" ang mga binitiwang salita ni Tekla.

"Masakit sa akin kasi halos ako na lahat, e. Ta's walang nangyari? Unfair naman yata sa akin yun, di ba?'"

Sa isang buong taong nagsama sila sa isang tirahan, ayon kay Donita, ay siya ang nagpagod mag-conceptualize at mag-organisa ng vlog content nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ambag daw ni Tekla ay pag-arte sa vlog nila, pero marami pa raw itong reklamo bago sumalang sa camera.

Hinaing pa ni Donita: "Sa totoo lang, si Tekla pagdating sa trabaho, pagdating sa vlog namin, di siya professional. May katamaran.

"Ite-text ko na lang, 'Pupunta tayo sa ganito, dito tayo magbla-vlog.' Marami pa siyang dahilan. 'Di ako puwede.'

"Teh, ako na naghanap, pupunta ka na lang. Magba-vlog na lang tayo. Ba't di mo kaya ibigay sarili mo? Kasi ako, binibigay ko lahat sa akin, e.

"Di nga ako nag-upload sa channel ko madalas kasi nagpokus ako sa ating dalawa, dahil madami nagmamamal sa ating dalawa.

"Sayang yung 3 million subscribers. Pero ako lang palagi?

"Isang taon na nga yung nangyari."

HOT STORIES

DONITA ON BEING BASHED BY SUPER TEKLA'S FANS

Isa pang ikinasama ng loob ni Donita, nakatanggap daw siya ng masasakit na salita mula sa fans ni Super Tekla.

Marami raw ang bumabatikos sa masamang pananalita ni Donita kay Tekla sa kanilang vlogs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala pong problema sa akin. Hindi po sa akin ang problema. I'm doing my job. Sobrang professional ako sa trabaho ko.

"I-clear ko sa mga tao na nagmamahal kay Super Tekla, huwag niyo ako masyado durugin na feeling niyo dumidikit ako kay Super Tekla para sumikat.

"Mali po kayo diyan," diin ni Donita.

On cam, ang nakikita raw ng publiko ay bahagi lamang ng kanilang pag-arte.

Naiiyak na paliwanag ni Donita: "Kaya ko tumayo sa sarili kong paa. Yung mga nagsasabi na grabe ako kay Super Tekla, grabe ko siya murahin...

"Mali po kayo sa inisiip niyo. Lahat ng nakikita niyo sa camera, hindi po iyan totoo sa totoong buhay.

"Wala kayong alam sa hirap ko sa channel namin...

"Ta's sasabihin ng mga tao, ako yung masama? Ako yung nanakit palagi sa kanya?

"Hindi niyo alam yung hirap ko. Wala kayong alam kung paano ko suportahan ang taong ito noon pa lang. Kay Kuya Wil [Willie Revillame] pa lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni Donita ay ang paghatak niya kay Tekla na maging co-host sa Wowowin kung saan co-host din siya noon.

Patuloy niya, "Kaya huwag niyo naman ako masyado durugin na sumasabay lang ako sa kanya para sumikat.

"Di ako sikat. Di ko kailangan sumikat. Ang kailangan ko lang po ay magkaroon ng trabaho."

Aminado si Donita na malakas ang "charm" ni Tekla sa kanilang fans.

Pero nahuhusgahan daw siya nang hindi nalalaman ng mga ito ang hirap niya para lang mag-work ang kanilang vlogs.

Naluluha pa ring lahad ni Donita: "Makita niyo ako mataray ako sa kanya, minumura ko siya, it's because kailangan ko gawin para lumabas yung craft niya. Hindi para ipahiya siya, i-down siya, hindi.

"Kasi dun siya aangat. Para makasagot siya sa akin.

"Wala kayong alam kung paano ko ito tulungan. Ang sakit-sakit sa akin yun."

Sa panahong magkasama sila sa iisang bubong, hindi raw nagkulang si Donita sa pag-aalaga kay Tekla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ultimo kakainin niya tinatanong ko pa. Ultimo kailangan sa kuwarto niya ako nag-aayos.

"Daig ko pa nga nanay diyan, e. Kailangan ko ba sabihin?

"Tapos idya-judge niyo ako na sumasabay ako sa kanya. Di ko kailangan yun. trabaho lang kailangan ko."

Hindi raw niya isinusumbat iyon, pero nais lang daw niya ipuntong nasaktan siya dahil tila nabalewala ang pagkayod niya para sa kapakanan nilang pareho ni Tekla.

"Okay, mahal niyo siya. Charming siya sa mga tao. Pero dyusko, sa trabaho, ako po halos lahat diyan

"Mahirap na tawagin na tandem kung ako lang nang ako."

SUPER TEKLA ADMITS TO BREAKING TIES WITH DONITA

Sandaling umalis sa tapat ng cam si Donita para kalmahin ang sarili dahil panay ang iyak niya.

Sa puntong ito, si Tekla naman ang nagsalita.

Inamin niyang siya ang may gustong maghiwalay na muna sila ni Donita ng bahay.

"Ako po talaga nagdesisyon na umalis at maghiwalay kami," seryosong saad ni Tekla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, may pinagdadaanan ako lately na ayoko na siya maistorbo pa. Ayaw ko nang makadagdag sa isipin niya.

"Sinarili ko na lang. Kailangan natin maghiwalay.

"Basta sobrang magulo na rin utak dahil sa sunud-sunod na problema. Kaya naapektuhan yung channel namin."

Inamin ni Tekla na totoong isa lang ang nagawa nilang vlog na base sa idea niya, at ang iba pa ay panay konsepto na ni Donita.

"Totoo po yun. Sa bawat vlog namin, si Donita talaga nag-iisip.

"Nagsa-suggest din ako ng mga gusto kong mangyari, but di rin niya maano, e. Kasi, parang nahihinaan siya sa mga suggestion [ko], so di nagma-materialize sa kanya.

"Ako na lang, for the sake of para maging strong, I'll go for your idea.

"Nagtratrabaho na lang ako sa vlog. Pero pagdating sa idea, si Donita may alam diyan.

"Basta napagod na rin ako. Magulo ang isip ko, guys."

Hirit ni Donita, "Magulo isip mo, di ka napagod. Wala ka sa focus."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Tekla, "Kesa mag-away kami nang mas malalim pa diyan, maghiwalay na muna tayo."

Muling idiniin ni Donita na kulang sa initiative si Tekla.

"Walang problema sa team, walang problema sa editors, walang problema sa akin.

"Alam mo kung ano problema. Ikaw lang kailangan magbago. Kasi di namin hawak desisyon mo sa buhay.

"Di ka talaga makapagtrabaho pag ganyan."

Hindi binanggit nina Donita at Tekla kung ano ba ang personal na pinoproblema ni Tekla ngayon.

Pero depensa ni Tekla, ang dahilan kaya hindi na siya nagsa-suggest ng konsepto sa vlog ay dahil ayaw niya ng pakiramdam na nire-reject ang idea niya.

"Once na-reject ako, ang hirap ko maka-recover. Yun kahinaan ko. Di mo naman sinuportahan yung idea. Anong gagawin ko?"

Sabi pa ni Tekla, umpisa pa lang ay alam ni Donita na hindi raw niya forte ang editing at paghanap ng sponsors.

Kaya hinayaan na raw ni Tekla si Donita pagdating sa paghanap ng sponsors at pag-ayos ng iba pang detalye sa kanilang vlogs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman kay Donita, hindi ibig sabihin na nabaril niya ang idea ni Tekla ay hindi na ito mag-iisip ng bagong idea.

"Tapatan mo na lang ng sipag. Tapatan mo na lang pagiging professional...

"Puro ka dahilan. Pagdating ng vlog natin, nagmamadali ka, aalis ka agad. Wala ka sa focus," saad ni Donita kay Tekla.

Prangka pang dagdag ni Donita, "Number one nating problema, katamaran mo.

"Bukod sa dami mong problema, katamaran mo talaga ang humahatak sa iyo, e."

SUPER TEKLA: PLEASE DON'T BASH DONITA

Sa huli, umapela naman si Tekla sa kanyang fans na tigilan na ang pagbato ng di magandang salita kay Donita.

Basta hindi na raw muna sila mag-a-upload ng vlog sa kanilang joint channel, at magkakanya-kanya na muna sila ngayon.

Sabi ni Tekla: "Wag na po mag-bash kay Donita. Narinig niyo naman po from her side.

"In-admit ko naman yun yung mga kahinaan ko. Mga kamalian ko, ina-acept ko naman yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wag niyo siya husgahan. Siyempre masakit din sa kanya.

"Kaya po nag-live ngayon para matigil na pamba-bash kay Donita.

"Kung ano man, kumbaga, para makapag-isip kami... Kung maayos pa ba itong channel na ito o hindi.

"Mahirap magtrabaho nang di kayo nagkakasundo."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Super Tekla (left) on why he refused to continue living with Donita Nose (right): "Ako po talaga nagdesisyon na umalis at maghiwalay kami. Basta sobrang magulo na rin utak ko dahil sa sunud-sunod na problema. Kaya naapektuhan yung channel namin."
PHOTO/S: Donekla in Tandem YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results