Zoren Legaspi gets emotional while recalling surprise wedding to Carmina Villarroel in 2012

by Arniel C. Serato
Mar 1, 2022
Zoren Legaspi reveals reason about his on-the-spot proposal and wedding to Carmina Villarroel in 2012
Zoren Legaspi in tears recalling his on-the-spot marriage proposal to Carmina Villarroel followed by a lavish wedding ceremony in November 2012: "Alam naman nila na surprise kasi yun, and isang triggering point kasi nun kaya siya naging surprise at mabilisan, nagkasakit kasi si Daddy Reggie, bibigyan ng hip replacement."
PHOTO/S: Courtesy: Carmina Villarroel-Legaspi on YouTube / Niceprint Photo

Bigla na lamang naiyak si Zoren Legaspi nang binalikan ng asawang si Carmina Villarroel ang surprise proposal at wedding nila noong taong 2012.

Sa vlog ni Carmina na inilabas noong Linggo, February 27, 2022, tinanong ng actress-host ang asawa ng questions galing sa kanyang Instagram followers.

Isa na rito ang tungkol sa paboritong eksena ni Zoren sa kanilang biglaang kasalan noon.

Emosyunal na sagot ng aktor: "I guess, your walking sa aisle, nakita ko yung... naiyak ako…”

Kasunod na rito ang kuwento ni Zoren kung bakit minadali at biglaan ang kanyang wedding proposal at mismong kasal noon.

Ang dahilan daw talaga nito ay ang pagkakasakit noon ng ama ni Carmina na si Reggie Villarroel.

Ani Zoren, "Alam naman nila na surprise kasi yun, and isang triggering point kasi nun kaya siya naging surprise at mabilisan, nagkasakit kasi si Daddy Reggie, bibigyan ng hip replacement."

Ayon pa kay Zoren, wala si Carmina nang nag-meeting sila ng mga doktor ng ama ng aktres pati ibang kamag-anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi raw ng doktor sa kanila, “Pag ginawa yun, 50/50 si Daddy Reggie dahil sa age niya."

Wala raw talagang ibang option kaya naisip ni Zoren na habang hindi pa inooperahan ang ama ni Carmina ay makasal na sila.

Lahad ni Zoren: "Then it hit me, sabi ko, kung magpapakasal kami ni Mina na hindi mawi-witness ni Daddy Reggie, useless, kasi wala na mama mo.

"Tapos pag naglakad ka dun, wala pa Daddy Reggie mo, so for me useless siya. Kaya isa yun sa mga biggest triggering factor kung bakit ko minadali yung kasal na yun.”

Kaya ang paglalakad ni Carmina sa aisle ang isa sa paborito ni Zoren na bahagi ng kanilang kasal.

Sabi pa ng aktor, "Pag pinanood nila yun, marami silang makikitang emotions na ipinakita mo sa paglalakad mo na yun, napakadami.

"Kaya isa yun sa mga pinakapaborito ko. Isa sa paborito ko dahil andun si Daddy Reggie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang unang naglabas ng istorya ng on-the-spot wedding proposal at mismong kasalan nina Zoren at Carmina noong November 15, 2012.

Naganap ito sa bagong gawang events place noon, ang Fernbrook Gardens, Portofino, sa New Alabang, Muntinlupa.

Isang lady judge ang nag-officiate sa civil wedding ng dalawa.

11 years old na noon ang kambal nilang sina Mavy at Cassy Legaspi.

Read: FIRST READ ON PEP: Zoren Legaspi and Carmina Villarroel finally tie the knot; Zoren surprises Carmina with on-the-spot proposal and wedding

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zoren Legaspi in tears recalling his on-the-spot marriage proposal to Carmina Villarroel followed by a lavish wedding ceremony in November 2012: "Alam naman nila na surprise kasi yun, and isang triggering point kasi nun kaya siya naging surprise at mabilisan, nagkasakit kasi si Daddy Reggie, bibigyan ng hip replacement."
PHOTO/S: Courtesy: Carmina Villarroel-Legaspi on YouTube / Niceprint Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results