Albert Martinez asked about his love life: "I don’t have any."

by Bernie V. Franco
Mar 3, 2022
albert martinez
Albert Martinez: "I’m still enjoying my time with my kids and my apo. I have been working hard, I’ve missed so much special moments with my kids. So now, bumabawi sa kanila, I spend time with them."
PHOTO/S: YouTube (GMANetwork / Vicki Belo)

Diretsang sinagot ni Albert Martinez, 60, ang estado ng kanyang love life.

“I don’t have any,” sagot ng aktor.

Itinutuon daw ni Albert ang atensiyon niya sa kanyang mga anak at tatlong apo.

“I’m still enjoying my time with my kids and my apo. I have been working hard, I’ve missed so much special moments with my kids.

“So now, bumabawi sa kanila, I spend time with them.

“I cook for them every weekend. That’s my favorite thing,” kuwento ni Albert sa interview sa kanya ni Vicki Belo via YouTube, noong February 24, 2022.

Si Albert ay may tatlong anak sa yumaong asawa na si Liezl Martinez.

Pumanaw si Liezl noong March 14, 2015 dahil sa breast cancer.

ALBERT ON FLIRTING WITH GIRLS

Diniretso rin ang seasoned actor kung naa-attract na siya sa ibang babae, o kung may mga babaeng nagpi-flirt sa kanya.

Sagot ni Albert, “That’s normal siguro. That’s a normal process. But I don’t go through with it because parang I’m not ready yet.”

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “Liezl’s shoes are very hard to fill.”

Naniniwala si Albert na si Liezl ang kanyang soulmate.

“She’s the kindest, smartest person I’ve met. And we’re very good friends and she really took good care of me.

“I believe it’s the deep love that’s involved.”

ALBERT-FAITH ROMANCE RUMOR

Samantala, ang pahayag ni Albert tungkol sa estado ng kanyang love life ay paglilinaw na rin sa pagkaka-link niya sa baguhang aktres na si Faith Da Silva, 20.

Nagkatrabaho ang dalawa sa Kapuso afternoon series na Las Hermanas noong October 2021-January 2022.

Nagkaroon ng mga usap-usapang may namagitan umano sa dalawa, pero walang kinumpirma sina Albert at Faith.

Sa isang virtual presscon noong September 2021, natanong si Faith kung may namamagitan sa kanila ng aktor.

Sagot ni Faith, “Iba yung relationship namin together. Komportable kami sa isa’t isa.

"Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level. He was really there to support me and guide me.

Continue reading below ↓

"Maalaga kasi talaga siya and very grateful ako na yung side na yun of him, e, nakita ko dahil hindi ko ine-expect na isang beteranong aktor, e, ganoon makitungo sa akin.”

ALBERT'S TAKE ON THE ISSUE

Pagsapit naman ng October 2021, diretsa ring tinanong si Albert tungkol sa isyu.

Hindi na raw apektado si Albert pagdating sa mga intriga lalo't apat na dekada na siyang artista.

Nakatulong daw sa kanilang dalawa ni Faith ang isyu.

“Yung sinasabi nila about Faith, I believe it worked for both of us because the chemistry was there," sabi niya.

"And siguro, I will feel bad if hindi nag-work yung chemistry because it’s my intention, to make sure na maging believable siya sa eyes ng public. Maging believable siya sa narrative and it worked.

“Yung sideline na pinag-uusapan nila is part of the whole thing, but it’s okay, it helped the project and I believe, it’s not that bad at all.”

Continue reading below ↓

Sinagot din ni Albert kung bukas pa siya sa posibilidad na magmahal muli.

“I’m still going through the process of losing a loved a one but, if for example in the near future, I need someone, kumbaga [who will], make my heart beat again, why not?”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Albert Martinez: "I’m still enjoying my time with my kids and my apo. I have been working hard, I’ve missed so much special moments with my kids. So now, bumabawi sa kanila, I spend time with them."
PHOTO/S: YouTube (GMANetwork / Vicki Belo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results