Aga Muhlach addresses issue that Willie Revillame is tapping him to transfer to AMBS

by Melba R. Llanera
Mar 3, 2022
Aga Muhlach, Willie Revillame
"Wala namang issue dun, no, Willie and I are good friends," says Aga Muhlach about Willie Revillame visiting him and wife Charlene Gonzalez last February 7, 2022 (right photo). Back in March 2021, Aga was also seen vacationing with Willie (left photo).
PHOTO/S: @agamuhlach317 Instagram

Nabahiran ng intriga ang pagdalaw ni Willie Revillame sa mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez noong February 7, 2022.

May espekulasyon kung kinukumbinsi ba ng seasoned TV host ang mahusay na aktor na lumipat sa bakuran ng Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS), ang TV network na pag-aari ni dating Senator Manny Villar.

Read: Willie Revillame visits Aga Muhlach and Charlene Gonzalez; is Willie wooing friends to AMBS?

Kasagsagan ito ng pagkamit ng AMBS ng "provisional authority" na patakbuhin ang frequency na dating pagmamay-ari ng ABS-CBN.

Read: Richest Pinoy Manny Villar takes over ABS-CBN channels: A Timeline

Kasabay rin ito ng pamamaalam ng Wowowin ni Willie Revillame sa Kapuso network.

Sa halip na i-renew ang kontrata ng kanyang blocktimer variety show sa GMA-7, pinili ni Willie ang oportunidad na lumipat sa AMBS.

Sa virtual media conference ng programang Bida Ka Kay Aga ng Net 25 ngayong Huwebes, March 3, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aga hinggil sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May katotohanan ba ang isyung inaaya si Aga ni Willie na gumawa ng programa sa AMBS nang dalawin siya nito?

"Wala namang issue dun, no, Willie and I are good friends," sagot ni Aga.

"Right now, I'm just focused. I'm happy with Net25.

"As long as they like me, as long as gusto nila ako and yung services ko is okay pa sa kanila, I will remain with them. That I can say."

ON HAVING "DELICADEZA"

Bukod sa upcoming show niyang Bida Kay Aga, ongoing ang hinu-host niyang game show na Tara Game, Agad Agad! sa Net25.

Binibigyang halaga raw ni Aga ang tiwala sa kanya ng network.

"You know, hindi naman ako ganun," ani Aga sa isyung network transfer.

"Like, kinuha ako ng Net25, na sa kanila ako. Masaya sila sa akin, masaya ako sa kanila, tuluy-tuloy lang.

"Nakakapagbigay ako ng ligaya sa kanila sana, at sila naman nakakapagbigay ng ligaya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, by these shows, lahat naman ng i-request ko binibigay naman nila tulad ng Tara Game na makapagbigay tayo sa tao, mapasaya natin sila. Itong Bida Sila Kay Aga, binibigay nila yun, so maraming-maraming salamat."

Sa ngayon, hindi pa niya iniisip na lumipat ng network.

"In terms of other stations, priority ko ang Net25.

"Ngayon, kung magkakaroon ng ibang shows, parati akong magpapaalam sa Net25, always, kasi dito ako nag-umpisa.

"Yun ang delicadeza ko, hindi na nawala sa akin," diin ni Aga.

Ilan sa nabalitang kinausap umano ni Willie para samahan siya sa AMBS ay ang mga dating co-host niya sa Masayang Tanghali Bayan sa ABS-CBN na sina John Estrada at Randy Santiago.

Noong February 6, sa Facebook Live ay nagbiro si Anthony Taberna na nagmensahe sa kanya si Willie at tinanong kung hanggang kailan ang kontrata niya sa DZRH, na waring nagbibiro na kunwa'y pipiratahin siya nito.

HOT STORIES

AGA'S NEW SHOW

Napapanood si Aga sa Tara Game tuwing Linggo, 7 p.m. sa Net 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simula March 12, Sabado, 7 p.m., eere ang inspirational show niyang Bida Ka Kay Aga kung saan itatampok ang mga magagandang gawain ng mga ordinaryong tao na nakakapagbigay ng good vibes sa mga manonood.

Tinanong ang aktor kung ano sa palagay niya ang dapat mayroon ang isang tao para makunsidera itong tunay na bida.

Tugon ni Aga, "I think ang nagsasabing bida ka, dapat hindi ang sarili mo. Tao ang magsasabi kung ikaw ay kabida-bidahan.

"Katulad ng show ko na ito, madami nga ang bida-bidahan. Pero sa akin naman, ang bida kasi is yung mga simpleng tao na gumagawa ng kabutihan na walang announcements, hindi pinapakita.

"Maraming kuwento ito para sa lahat din, 'no. Ito yung mga taong tahimik, hindi sila vloggers, they don't make money out of it. There's nothing wrong with that again.

"Pero ang hinahanap namin, yung mga taong gumagawa ng actual kindness na hindi nila alam nakukunan sila, nabi-videohan sila, nalalabas sila, they go viral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It's a feel-good thing. Maraming tao ang naghihirap sa mundong ito. Marami tayong paghihirap.

"Pero tayong mga Filipino, at karamihan sa atin, kahit sa kalugmuk-lugmok na pinagdadaanan natin, kapag may humingi ng tulong sa atin, kahit kaunti magbibigay pa rin tayo.

"Di lang pinansiyal kundi kahit sa oras, sa panahon, mga ganung bagay.

"Ito yung mga tao na nakakatuwa. Para sa akin, bilib ako sa inyo. Kayo ang hero talaga. Saludo ako sa inyo.

"Iyan ang mga gusto kong mai-feature because I wanna know, gusto ko silang maka-usap.

"Sa hirap na pinagdadaanan natin sa buhay, ano ang nasa puso mo para gusto mo pa ring tumulong ng tao?"

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala namang issue dun, no, Willie and I are good friends," says Aga Muhlach about Willie Revillame visiting him and wife Charlene Gonzalez last February 7, 2022 (right photo). Back in March 2021, Aga was also seen vacationing with Willie (left photo).
PHOTO/S: @agamuhlach317 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results