Karen Davila says "nothing against Atong Ang," but "e-sabong only makes the poor, poorer."

by Rachelle Siazon
Mar 5, 2022
Karen Davila, Atong Ang, e-sabong
Karen Davila weighs in on how e-sabong "institutionalizes milking poorest of the poor" following businessman Atong Ang's revelation that his gaming firm Lucky 8 earns PHP3 billion per month from e-sabong or online cockfighting.
PHOTO/S: @iamkarendavila Instagram / Senate hearing

Naniniwala ang Kapamilya broadcaster na si Karen Davila na walang naidudulot na maganda ang e-sabong kundi nilululong lamang sa sugal ang mga mahihirap.

Sa kanyang Twitter post kahapon, March 4, 2022, ni-repost ni Karen ang ulat ng Philippine Daily Inquirer tungkol sa kontrobersiyal na PHP3-billion monthly gross income ng e-sabong operations ng negosyanteng si Atong Ang.

Sa salaysay ni Atong sa Senate hearing, sinabi niyang umaabot ng "PHP1B to PHP2B" kada araw o "PHP60 billion" kada buwan ang gross bets mula sa e-sabong operations ng gaming firm niya na Lucky 8 Star Quest Inc.

Pero "five percent" lang daw ng PHP60 billion o "PHP3 billion" ang average na kinikita raw ng kanyang kumpanya kada buwan.

Naikumpara ito ng mga mambabatas sa "PHP640 million" monthly gross income na kinikita ng PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation) mula sa e-sabong operations sa buong bansa.

Napag-alaman ito sa pagdinig ng Senado kunsaan nagsilbing resource person si Atong para sa imbestigasyon sa nawawalang 31 katao na sangkot umano sa game fixing sa sabong.

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Karen Davila, kawawa ang mga taong tumataya sa e-sabong dahil panay ang taya ng mga ito, gayong ang yumayaman lang ay iyong mga negosyanteng may-ari ng pasugalan.

"This is P3B gross monthly income from the lower working class & the very poor.

"Sino ang lulong sa E-Sabong? Mga karpintero, waiter, security guard, driver, vendor - mga ordinaryong tao.

"E-Sabong only makes the poor, poorer.

"Nothing against Mr. Ang," tweet ni Karen.

Ipinunto niya na ang konsepto ng pagsugal ang tinitira niya at hindi si Atong. Huwag na raw sanang idamay ang mga mahihirap na tao na malulong sa sugal.

Tweet pa ni Karen: "If the wealthy choose to gamble away all their money, that’s their problem.

"But the poor need to be protected from this.

"E-Sabong is an addiction. Mas malala pa po ito sa jueteng.

"Those who have less in life should have more in the law. Legislators, do your job."

Continue reading below ↓

Karen Davila, Atong Ang, e-sabong

Sa naunang tweet ni Karen noong Huwebes, March 3, ipinunto niya na ginagatasan lamang ng e-sabong ang "poorest of the poor."

Dagdag niya, "This isn’t an industry that creates decent jobs & only enriches those who own outlets."

Karen Davila, e-sabong, Senator Joel Villanueva

Continue reading below ↓

SENATOR VILLANUEVA QUESTIONS LEGAL BASIS OF E-SABONG

Kalakip ng post ni Karen ay ang ulat ng Inquirer tungkol sa pagkuwestiyon ni Senator Joel Villanueva kung bakit pinapayagan ng PAGCOR ang operasyon ng e-sabong.

Sinabi ni Villanueva sa Senate hearing na nakasaad sa Section 10 ng Republic Act No. 9487 o ang amended PACGOR Charter na "cockfighting is not included in games that PAGCOR is allowed to authorize, license, and regulate."

Tanong pa ni Villanueva: "What is the legal basis for PAGOR to grant licenses for e-sabong operations?"

Dapat daw itigil ang e-sabong operations.

Diin ni Villanueva: "Let’s stop e-sabong operations if PAGCOR cannot stop government officials or even the police from betting.

"If this were a different business, the government has already shut this down."

Nakakabahala raw dahil napakadaling tumaya sa e-sabong sa pamamagitan ng online payment forms at posibleng ma-access kahit ng mga menor de edad.

ATONG ANG cries foul over "trial by publicity"

Sa hiwalay na ulat ng GMA News Online kahapon, umalma ni Atong sa aniya'y "trial by publicity" na panggigisa sa kanya sa Senado.

Continue reading below ↓

Gayong may iba pa raw e-sabong operators tulad ng isang di pinangalanang taong itinuturing daw na "biggest, longest gambling Lord in the Philippines."

Aniya, "Alam ninyo na kung sino iyan. Thirty years na mahigit iyan.

"In fact, sinasabi niya na hawak niya ang mga presidente lagi."

Ayon pa kay Atong, "may conspiracy" na isyu ng mga nawawalang sabungero.

"I will tell everything [in executive session], and I don’t care what will happen to me next. My life has been in danger all the time anyway."

Marami raw siyang karibal na e-sabong operators na naiinggit sa kanya dahil "90 to 95 percent" ng e-sabong operations ay nasa Lucky 8.

Dagdag ni Atong, "Kasi members ko lahat sa buong Pilipinas na big-time sabungero, kasi legit talaga na maayos lahat.

"Nakita naman nila kung anong purpose nito, hindi lang gumawa ng pera."

Marami raw tinutulungan ang Lucky 8 na charitable institutions sa pamamagitan ng pinamumunuan ni Atong na Pitmaster Foundation Inc.

Continue reading below ↓

Sa kabilang banda, sa hininging closed-door meeting o executive session ni Atong sinabi niya ang detalye ng aniya'y "conspiracy" sa isyu kaugnay ng mga nawawalang sabungero.

Kung anuman ang sinabi ni Atong doon ay hindi nabanggit nang mag-resume ang public hearing sa Senado.

Pinabulaanan naman ni Senator Bato dela Rosa, na siyang chair ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa Senado, na sini-single out si Atong.

Ani dela Rosa, ang panawagan ng komite na isuspinde ang e-sabong operations ay hindi lang para sa Lucky 8 kundi sa anim pang e-sabong operators.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karen Davila weighs in on how e-sabong "institutionalizes milking poorest of the poor" following businessman Atong Ang's revelation that his gaming firm Lucky 8 earns PHP3 billion per month from e-sabong or online cockfighting.
PHOTO/S: @iamkarendavila Instagram / Senate hearing
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results