Carla Abellana listens to "On My Own on repeat" amid marital issue with Tom Rodriguez

by Rachelle Siazon
Mar 7, 2022
Carla Abellana
Carla Abellana posts about how her kasambahay has been taking good care of her: "Masarap din pala ang maalagaan."
PHOTO/S: @carlaangeline Instagram

Usap-usapan pa rin ang napabalitang hiwalayan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Wala mang direktang pahayag si Carla, may update siya sa kung anong mga pinagkaabalahan niya sa gitna ng kontrobersiya.

Linggo ng gabi, March 6, 2022, ipinakita ni Carla sa IG Story niyang "on repeat" sa kanyang playlist ang kantang "On My Own" nina Jaden at Kid Cudi.

Isa iyon sa OST na ginamit sa eksena sa Spiderman video game, at may lyrics tungkol sa pagiging "strong enough" sa harap ng mga hamon sa buhay.

Bahagi ng lyrics: "In the zone, in this life, arms open wide

"In the zone, caught off and I'm floatin' by

"In the zone, in this life, arms open wide

"In the zone, let's go up."

c

Continue reading below ↓

Pang-hype up ang kanta kahit na may titulong "On My Own."

May mga selfie photo rin si Carla kunsaan siya ay chill mode, naka-light makeup at nakasuot ng salamin on a Sunday.

Carla Abellana

Narito ang iba pa niyang solo photos noon namang Sabado, March 5:

Carla Abellana

Continue reading below ↓

CARLA'S PRAYER MOTIVATION

Tila idinaan na lang din ng Kapuso actress sa dasal kung anuman ang pinagdadaanan niyang problema ngayon.

Noong March 4, nagbahagi si Carla ng selfie kalakip ng Bible verse na, "For I am the Lord your God who takes hold of your right hand and says to you, Do not fear; I Will help you."

Carla Abellana

Continue reading below ↓

"MASARAP DIN PALA MAALAGAAN."

Hindi rin niya pinababayaan ang sarili.

Noong Biyernes, March 4, may pa-special mention si Carla sa kanyang "kasamabahay" na pinagluto siya ng healthy food tulad ng isda at gulay.

Ani Carla sa kanyang Instagram Story: "My Kasambahay and her SO have been taking extra good care of me lately... I'm so grateful..."

Dagdag niya sa kanyang postscript kalakip ng smiley: "Masarap din pala maalagaan."

Carla Abellana

Continue reading below ↓

CARLA'S CRYPTIC POSTS

Noong nakaraang linggo, sunud-sunod ang patama ni Carla sa mister na si Tom Rodriguez.

Ni-like ni Carla ang akusasyon ng isang netizen na "cheater" umano si Tom.

Read: Carla Abellana reacts to netizen calling Tom Rodriguez a "cheater"

Ni-like din ni Carla ang iba pang batikos ng netizens kay Tom, na nagpapahiwatig na may marital issue talaga ang mag-asawa.

Noong January 25, 2022, unang naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang nag-break umano ang couple.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

Kakakasal lamang nina Tom at Carla noong October 23, 2021.

Read: Tom Rodriguez and Carla Abellana's love story: a timeline

Watch: Carla, nire-reveal ang version niya ng breakup nila ni Tom?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana posts about how her kasambahay has been taking good care of her: "Masarap din pala ang maalagaan."
PHOTO/S: @carlaangeline Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results