Melai Cantiveros denies pushing for ABS-CBN franchise in her support for VP Leni Robredo

by Arniel C. Serato
Mar 7, 2022
Melai Cantiveros shows support of presidential aspirant and Vice President Leni Robredo
Melai Cantiveros shows support for the candidacy of Vice President Leni Robredo: "Ang boto ko para kay VP Leni Robredo ay boto ko para sa magandang kinabukasan ng mga kabataang Pinoy.”
PHOTO/S: Courtesy: @mrandmrsfrancisco on Instagram

Marami nang artista ang nagsilabasan upang ihayag kung sino ang kanilang sinusuportahan sa pagkapangulo sa May 9, 2022 elections.

Isa na rito ang Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros.

Sa Instagram ngayong araw, March 7, 2022, ibinahagi ni Melai ang kanyang quote card kung bakit ang boto niya ay para kay Vice President at presidential aspirant Leni Robredo.

Mababasa rito: “Ang boto ko para kay VP Leni Robredo ay boto ko para sa magandang kinabukasan ng mga kabataang Pinoy.”

Isa sa mga unang nagkomento sa post na ito ay ang dating co-host ni Melai sa Magandang Buhay na si Karla Estrada.

Sabi ni Karla: "Love you lai [white heart emoji]”

Dagdag pa niya: “Go go momshie mels! Amping [white heart emojis]”

Sagot ni Melai sa kanya: “yesyesyes ikaw pod chamber”

Melai Cantiveros shows support of presidential aspirant and Vice President Leni Robredo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkaiba ang sinusuportahan ng dalawa dahil iniendorso ni Karla ang katunggali ni Robredo na si former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Si Karla ay isa rin sa mga nominado ng Tingog Party List, sa pangunguna ni Representative Yedda Marie K. Romualdez.

Isa si Romualdez sa mga kongresistang bumoto na ibasura ang franchise renewal application ng ABS-CBN, ang network na kinabibilangan nina Melai at Karla.

FOR THE SAKE OF ABS-CBN?

Marami ang nagkomento sa post na ito ni Melai na kanyang sinagot, at kinumbinsi pa ang iba na sumama sa kanyang krusada.

Makahulugan komento ng isa, "Patay rayo dyn melai."

Tugon ni Melai, "di nga tayu mamatay mas mabubuhay pa tayu"

Melai Cantiveros shows support of presidential aspirant and Vice President Leni Robredo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nagsabi ring kaya raw iboboto ni Melai si Leni ay para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN.

Napaso ang prangkisa ang ABS-CBN noong May 5, 2020, at tuluyang ibinasura ng Kongreso ang franchise renewal application ng network noong July 10, 2020.

Saad ng isang follower, "For the sake of Abs-cbn, not for the Philippines and it’s people, sa nkikita ko lang."

Paglilinaw naman ng comedian-host, "for the sake of u and ur family kaya ko boboto si Leni"

Melai Cantiveros shows support of presidential aspirant and Vice President Leni Robredo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa isa pa, "si leni e boto nila para mabuksan ang abscbnEND"

Sagot ni Melai sa wikang Bisaya: "buhi paman gani abs misag wala gibuksan [buhay pa naman ang abs kahit hindi binuksan]"

Melai Cantiveros shows support of presidential aspirant and Vice President Leni Robredo

Pasaring ng isa pa: "ay leni kau para sa abs cbn di para sa Pilipinas.."

Tugon ni Melai: "mas para sayu hindi para sa abs para maencourage ka muboto sa tama"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Melai Cantiveros shows support of presidential aspirant and Vice President Leni Robredo

"MAS SAKALAM LENI"

Marami pang sinagot si Melai na mga nagkomento, na ang ilan ay malinaw na tagasuporta ni Marcos Jr.

Ayon sa isang netizen, "BBM lang sakalam"

Sagot naman ni Melai, "mas sakalam Leni"

Melai Cantiveros shows support of presidential aspirant and Vice President Leni Robredo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ng isang basher, "Huuuy Melai gising!!! Taga Mindanao kapa mandin bobo ka mag isip"

Hindi nagpatinag si Melai: "ikaw ang gising hindi lahat ng taga mindanao parehas sayu mag isip, sabihin mu yan sa sarili mu, matagal kanang tulog, baka sa pagising mu Umayos na ang pinas"

Melai Cantiveros shows support of presidential aspirant and Vice President Leni Robredo

Ayon pa sa isang follower na Bisaya, "Sagdi nlng na sya kay utang kabu but on mn gd na nya lisud mn pd pero malay ba nmug ig ting butar sa tumoy sa ballpen lahi d.i awwww [Hayaan mo lang siya kasi utang na loob niya yan kahit mahirap malay natin sa araw ng botohan iba ang isusulat sa ballpen awwww] ipaglaban mn jd na nila ilang Nanay mando sa boss [ipaglaban nila ang kanilang nanay dahil utos ng boss]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon dito ni Melai: "utang kabubut on ni Para sa inyuha nga nibutar sa akoa sa Pbb kay para dili lang ko muangat pati pod kamu, dili ni para sa akoa para ni sa inyu [utang na loob ito sa inyo dahil ibinoto niyo ako sa PBB para umangat ako kasama kayo, hindi ito para sa akin lamang kundi para sa inyo]"

Melai Cantiveros shows support of presidential aspirant and Vice President Leni Robredo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ng isang basher: "Pink ang boto nang mga bobo"

Tugon sa kanya ni Melai: "are u sureeeee?"

Melai Cantiveros shows support of presidential aspirant and Vice President Leni Robredo

for THE FUTURE

Narito pa ang ibang komento, na ang ilan ay may pagkabastos, na sinagot pa rin nang maayos ni Melai.

Melai Cantiveros shows support of presidential aspirant and Vice President Leni Robredo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Melai Cantiveros shows support of presidential aspirant and Vice President Leni Robredo

Melai Cantiveros shows support of presidential aspirant and Vice President Leni Robredo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Melai Cantiveros shows support of presidential aspirant and Vice President Leni Robredo

Bukod kina Leni at Bongbong, ang iba pang prominenteng tumatakbo sa pagkapresidente ay sina Senator Manny Pacquiao, Senator Ping Lacson, at Manila Mayor Isko Moreno.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melai Cantiveros shows support for the candidacy of Vice President Leni Robredo: "Ang boto ko para kay VP Leni Robredo ay boto ko para sa magandang kinabukasan ng mga kabataang Pinoy.”
PHOTO/S: Courtesy: @mrandmrsfrancisco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results