Watch Now

Bianca Umali on joining a beauty pageant: "Wala ho siya sa isip ko."

by Rommel Gonzales
Mar 12, 2022
bianca umali
Bianca Umali: "I believe kung hindi ako nag-aartista, isa po sa mga pangarap ko, actually kahit ngayon na artista na ako, gusto kong nag-o-office work! Gusto ko yung may mga papel, gusto ko yung may mga tina-type, may mga pinipirmahan. Parang yung trabahong secretary, assistant, gusto ko abala."
PHOTO/S: @bianxa on Instagram

Isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz ang Kapuso actress na si Bianca Umali, 22.

Bagamat marami ang kumukumbinsi sa kanyang sumali sa beauty pageant, sinabi ni Bianca na wala ito sa mga planoniya sa kasalukuyan.

“Hindi po. Honestly, hindi at all. Pero marami po ang nagtatanong at nagsasabi na bakit hindi ko po subukan.

“Una ko pong concern ay aabot po ba ang aking height sa height requirement?” natatawang sabi ni Bianca, na five feet four inches ang height.

Binanggit namin kay Bianca na wala na ngayong minimum height requirement ang mga kandidatang kasali sa Miss Universe Philippines.

Reaksiyon niya, “Ayun po. But… bakit hindi? Iyon lang po siguro ang masasabi ko sa ngayon, bakit hindi?

“Kasi baka naman magbago ang ihip ng hangin in the future. Pero sa ngayon po, e, mukhang hindi, wala ho siya sa isip ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa Zoom mediacon ng Mano Po Legacy: Her Big Boss nitong Miyerkules, March 9, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MANO PO LEGACY: HER BIG BOSS

Female lead si Bianca sa Her Big Boss, ang pangalawang installment ng Mano Po Legacy series.

Incidentally, kung hindi pala siya artista ay malamang nasa corporate world si Bianca, either empleyado siya o siya mismo ang boss.

“Actually, hindi ko po alam kung na-share ko na ito, pero I believe kung hindi ako nag-aartista, isa po sa mga pangarap ko, actually kahit ngayon na artista na ako, gusto kong nag-o-office work!

“Gusto ko yung may mga papel, gusto ko yung may mga tina-type, may mga pinipirmahan. Parang yung trabahong secretary, assistant, gusto ko abala.

“So, isa yun sa mga dream ko talaga, ang makapag-office work,” rebelasyon ng Kapuso actress.

Taliwas sa oras o schedule bilang artista, nais ni Bianca na maranasan ang nine-to-five na working hours sa opisina.

“Yes, yes, yes, isa po iyan sa gusto kong gawin.”

Biro namin kay Bianca, kapag ayaw na niyang mag-artista, malay niya ay kunin siya ng GMA bilang isa sa executives ng Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Puwede naman po, iyon na lang ang fallback ko at least nasa GMA pa rin ako!” ” tumatawang reaksiyon ni Bianca.

Kasama ni Bianca sa Mano Po Legacy: Her Big Boss sina Ken Chan at Kelvin Miranda.

Nasa cast din sina Pokwang, Teejay Marquez, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, Arlene Muhlach, Sarah Edwards, Haley Dizon, Sarah Holmes, Blue Cailes, Tyrone Tan, Jem Manicad, Phi Palmos, at Lime Aranya.

Ang Mano Po Legacy: Her Big Boss ay mula sa direksiyon ni Easy Ferrer at eere na simula sa Lunes, March 14.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Umali: "I believe kung hindi ako nag-aartista, isa po sa mga pangarap ko, actually kahit ngayon na artista na ako, gusto kong nag-o-office work! Gusto ko yung may mga papel, gusto ko yung may mga tina-type, may mga pinipirmahan. Parang yung trabahong secretary, assistant, gusto ko abala."
PHOTO/S: @bianxa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results