Singer Daryl Ong now married to longtime girlfriend Dea Formilleza

by James Patrick Anarcon
Mar 13, 2022
Daryl Ong, Dea Formilleza wedding
Singers Daryl Ong and Dea Formilleza are now married! The couple got married on March 12, 2022 at The Emerald Events Place in Antipolo.
PHOTO/S: @iamarvinsantos / @imdarylong / @jeaaaaa.formilleza on Instagram

Ikinasal na ang singer na si Daryl Ong sa longtime girlfriend nito at kapwa singer na si Dea Formilleza.

Naganap ang pag-iisang dibdib nila sa The Emerald Events Place sa Antipolo, kahapon, March 12, 2022.

Kasama sa mga dumalo ang singers na sina Michael Pangilinan at Liezel Garcia, na nakasama ni Daryl sa ABS-CBN, at ang The Clash singers na sina Julia Serad at Lyra Micolob, na mga kaibigan naman ni Dea.

Ibinahagi ng kanilang mga kaibigan sa social media ang mga naganap sa wedding, na ini-repost nina Daryl at Dea sa kani-kanilang Instagram stories.

Ginamit nila ang hashtags na #gameOngver at #DaDeyforOng.

Daryl Ong, Dea Formilleza wedding

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Daryl Ong, Dea Formilleza wedding

Daryl Ong, Dea Formilleza wedding

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Daryl Ong, Dea Formilleza wedding

Sa isang post, pinasalamatan ni Daryl si Michael sa pag-awit nito ng kanta sa bridal march ni Dea.

Daryl Ong, Dea Formilleza wedding

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakita ring nag-perform si Dea na kasama ang kanyang mga kaibigan sa isang parte ng reception.

Daryl Ong, Dea Formilleza wedding

Daryl Ong, Dea Formilleza wedding

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humigit-kumulang anim na taong magkasintahan sina Daryl at Dea.

Kuwento ni Daryl sa isang press conference niya noong 2021, taong 2016 sila naging magkasintahan pero 2011 pa lang ay magkaibigan na sila.

Si Dea ay dating talent ng Sparkle (formerly GMA Artist Center) at lumabas sa ilang programa ng GMA-7. Nag-audition din siya sa Idol Philippines noong 2019.

Noong August 1, 2021, isinapubliko ni Daryl ang pagpu-propose niya kay Dea sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Nang makausap ng press si Daryl sa isang media conference ilang araw pagkatapos niyang i-post ang proposal, sinabi niyang "perfect time" na ito para mag-level up ang relasyon nila ni Dea kahit pa mayroon pa ring pandemya.

Ani Daryl, “Wala pong sure sa panahon ngayon so bakit ko pa patatagalin?

"Sabi ko, 'Kailan pa? Kapag huli na? Kapag may nangyari sa akin?' Huwag naman.

"Ngayon na yung perfect time na dalhin namin sa next level yung relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bukod sa matagal na rin kami and kino-consider ko siya as my best friend, importanteng bukod sa romantic relationship, maganda talaga yung kino-consider na kaibigan talaga namin yung isa’t isa."

Noong February 2022 naman, marami sa tagasubaybay nina Daryl at Dea ang naaliw nang ilabas ng Nice Print Photography ang kanilang prenup shoot na inspired sa K-Drama na Crash Landing On You.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singers Daryl Ong and Dea Formilleza are now married! The couple got married on March 12, 2022 at The Emerald Events Place in Antipolo.
PHOTO/S: @iamarvinsantos / @imdarylong / @jeaaaaa.formilleza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results