JP dela Serna, Rommel Galido call out Valentine Rosales for fabricating a story for clout: "Cheap mo girl..."

by Rachelle Siazon
Mar 15, 2022
Valentine Rosales, Rommel Galido, JP dela Serna, Christine Dacera, kakampink, #PHElections2022
JP dela Serna (left) on Valentine Rosales (center): "If creating stories or rumors is your hobby in life just for you to be noticed please don't use the dacera case cause our friend is at peace. Stop being a famewhore." JP and Rommel Galido (right) are among the respondents in the controvesial Christine Dacera case.
PHOTO/S: @iamjpdlsrn / @valentinersls / @rom_tisoy Instagram

"EW! Cheap mo girl sa ginagawa mong stories taasan mo naman standard mo sa buhay. Sorry val but you deserve this."

Ito ang mainit na pagkondena ni JP dela Serna sa pagkakalat umano ni Valentine Rosales ng fake story para lamang makakuha ng atensiyon sa social media.

Pati si Rommel Galido ay dismayado sa paandar ni Valentine na naging trending topic pa sa Twitter.

Sina Valentine, JP, at Rommel ay bahagi ng kinilalang "Top 5" boys sa kontrobersiyal na Christine Dacera case.

Nito lamang February 2022, inabsuwelto ng piskalya ang mga natitirang reklamong kinaharap ng kanilang grupo.

READ: Gigo de Guzman dismayed by Sharon Dacera's "below-the-belt" comment; in tears over "poor handling" of Christine Dacera case

Napatunayang inosente sila sa pagkamatay ng 23-year-old flight attendant na si Christine.

Pero kahapon, March 14, 2022, pinutakti ng batikos si Valentine na nagpakilalang supporter ni presidential aspirant Leni Robredo.

Ang siste, nag-post si Valentine ng "story time" para patutsadahan ang katunggali ni Robredo sa eleksyon na si presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr.

Continue reading below ↓

Ayon kay Valentine, nakaengkuwentro siya ng isang di kilalang lalaki na nagnakaw diumano ng tumbler sa "7/11 sa Alimall Cubao Branch."

May ibinebenta kasing mga tumbler ang convenience store chain na may mukha ng mga kumakandidatong presidential aspirants.

Bumili si Valentine ng Robredo tumbler, habang ang sinasabi niyang magnanakaw ay nasaksihan niyang dumukot ng Marcos Jr. tumbler at hindi nagbayad sa cashier.

Dagdag niya, nag-offer siyang bayaran ang tumbler na ninakaw kaysa ang pobreng cashier pa ang magbayad nun.

Sa huli, sabi ni Valentine sa kanyang post, "Masama po mag nakaw kailangan po natin bumoto ng leader na may prinsipyo at di nag nanakaw."

Naglagay si Valentine ng hashtag "#kakampink" bilang siya raw ay proud supporter ni Robredo na ang campaign color ay pink.

Valentine Rosales

Continue reading below ↓

VALENTINE TRENDS ON TWITTER FOR FAKE STORY TIME

Pero may catch sa kuwento ni Valentine.

Natunton ng netizens na nagsinungaling si Valentine at gawa-gawa lang ang kanyang story time dahil sarado ang 7/11 branch sa Ali Mall Cubao.

Ipinakita pa ng netizens ang latest picture ng closed branch na iyon.

Valentine Rosales

Continue reading below ↓

Kaya imposible raw na nangyari ang insidenteng inilarawan ni Valentine sa kanyang post.

Apektado pati ang Robredo supporters na kinondena ang pagsisinungaling ni Valentine.

Hindi raw nila ito-tolerate ang aksyon ni Valentine kahit pa ito ay nagpapakilalang "kakampink."

Sa kabilang banda, may netizens din ang kumukuwestiyon kung totoong supporter ni Robredo si Valentine.

Pakiramdam ng iba ay pakawala umano si Valentine ng grupo na nais magkalat ng black propaganda laban kay Robredo para mabahiran ng negatibo ang kampanya nito.

Ipinunto pa ng ibang netizens na si Valentine ay supporter ni senatorial aspirant Salvador Panelo, na mula sa partidong PDP-Laban at dating chief presidential legal counsel ni President Rodrigo Duterte.

Hindi man tahasang ineendorso ni Panelo si Marcos Jr., kamakailan ay nagpahaging itong pabor siya sa plataporma ni Marcos Jr., na running mate ang anak ng Pangulo na si Mayor Sara Duterte.

Kung anu't ano man, ang mga batikos kay Valentine ang dahilan kung bakit ito nag-trend sa social media.

Continue reading below ↓

Valentine Rosales

Valentine Rosales

Continue reading below ↓

Valentine Rosales

Valentine Rosales

Continue reading below ↓

Lalo pang nainis ang netizens dahil tila wala raw pagsisisi si Valentine, at ikinatuwa pang nag-trend ito sa Twitter.

Ipinost kasi ni Valentine sa Instagram Stories ang pangalan niya na trending topic sa Twitter.

Valentine Rosales, kakampink

VALENTINE'S TWO FRIENDS CALL HIM OUT FOR LYING

Naalarma naman sina JP dela Serna at Rommel Galido sa ginawang pagsisinungaling ni Valentine Rosales.

Continue reading below ↓

Sa Instagram Story ni JP kahapon, March 14, 2022, ipinaabot niya kay Valentine na hindi niya gusto ang paandar ni Valentine sa social media para makakuha ng followers o clout.

Lalo na't pati ang pinaglaban nilang Christine Dacera case ay ginagamit umano ni Valentine para magpasikat.

"This is the 1st time that i'll be posing my anger and disappointment on you. Firstly, if you're enjoying the clout while being bashed by so many people around you, then so be it.

"But don't use the fame that you've got from the bad incident that happened before cause in reality you do not belong to the real circle of friends, you were only a visitor that night.

"Everyone is now at peace and we're getting busy with our own lives by moving forward."

Diin pa ni JP, huwag na raw sanang idamay ang Christine Dacera case sa pagiging "famewhore" ni Valentine.

"If creating stories or rumors is your hobby in life just for you to be noticed please don't use the dacera case cause our friend is at peace. She's not your friend just to reiterate.

Continue reading below ↓

"Stop being a famewhore because again you only got noticed by people in a bad way at tatagalugin ko hindi sya magandang image kasi may taong NAMATAY itatak mo yan sa brain mo."

Nasusuka raw si JP sa pinaggagawa ni Valentine.

JP dela Serna, Valentine Rosales

Pati si Rommel ay may patutsada rin tungkol sa kasinungalingang ipinakalat ni Valentine.

Continue reading below ↓

Sabi ni Rommel via Instagram Story ngayong umaga ng Martes, March 15, 2022:

"Maniwala sana ako sa 7/11 Drama mo kung hindi kita kilala.

"Kaso kilala ko buong pagkatao mo eh. Kaya hindi benta sa akin ang 7/11 Drama mo."

Rommel Galido, Valentine Rosales

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JP dela Serna (left) on Valentine Rosales (center): "If creating stories or rumors is your hobby in life just for you to be noticed please don't use the dacera case cause our friend is at peace. Stop being a famewhore." JP and Rommel Galido (right) are among the respondents in the controvesial Christine Dacera case.
PHOTO/S: @iamjpdlsrn / @valentinersls / @rom_tisoy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results