Kylie Padilla "no regrets" choosing estranged husband Aljur Abrenica in the past

by Arniel C. Serato
Mar 15, 2022
Kylie Padilla-Aljur Abrenica past relationship
Kylie Padilla on past relationship with ex-husband Aljur Abrenica: "We made two angels together. No regrets."
PHOTO/S: Courtesy: @kylienicolepadilla / @ajabrenica on Instagram

Walang pinagsisisihan si Kylie Padilla na pinili niya dati ang estranged husband na si Aljur Abrenica.

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na naghiwalay na ang dalawa noong kalagitnaan ng taong 2021.

Sa Instagram Stories ni Kylie nitong mga nakaraang araw, sinagot niya ang ilang katanungan mula sa kanyang followers.

Sa kanyang “International ask a question day? Game,” na naiulat din ng GMA News Online, tinanong si Kylie ng isa niyang follower kung may pinagsisisihan ba siya sa nangyari sa relasyon nila ni Aljur na nauwi rin sa hiwalayan.

Buong tanong ng netizen: "If you knew that it would come to that point, would you choose to be with him?"

Kylie Padilla-Aljur Abrenica past relationship


Sagot ng Kapuso actress: "Yes. We made two angels together. No regrets."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni Kylie na "two angels" ay ang dalawa nilang anak ni Aljur na sina Alas at Axl.

Isa pang tanong ng netizen: "At what point do you realize you no longer have the same feelings with your ex? You may answer or not."

Tugon ni Kylie, kung may closure na ang kanilang hiwalayan kung saan may maayos na pag-uusap ay masasabing tanggap na niya ang kanilang kapalaran.

Aniya, "When you have real closure. A real open and honest conversation about what happened. And through [that] you’ll find acceptance."

Sinabi rin ni Kylie na kahit tapos na ang isang relasyon ay hindi naman nangangahulugang hindi mo na minahal ang nasabing tao.

Saad niya, "I don’t believe you ever stop loving someone you loved before.

"But you understand that it is now the past and hopefully it becomes gratitude and something pleasant to remember.”

Sa ngayon, ini-enjoy raw ni Kylie ang kanyang pagiging single.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I got a lot of self-love, nyahahaha."

Ang estranged husband niyang si Aljur ay nauugnay ngayon sa sexy star na si AJ Raval.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla on past relationship with ex-husband Aljur Abrenica: "We made two angels together. No regrets."
PHOTO/S: Courtesy: @kylienicolepadilla / @ajabrenica on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results