Rey PJ Abellana retracts "one-night stand" story about Tom Rodriguez after Carla's call: "She was mad."

by Arniel C. Serato
Mar 15, 2022
Rey PJ Abellana withdraws earlier "one-night stand" remarks about Tom Rodriguez
Rey PJ Abellana says there was no one-night stand incident involving Tom Rodriguez, the husband of his daughter Carla Abellana: "Si Tom naman was already able to explain kay Carla na wala naman pong katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari yun. So, wala pong natuloy na one-night stand according to Tom’s side naman.”
PHOTO/S: Courtesy: GMA News / @carlaangeline on Instagram

Binawi ni Rey PJ Abellana ang sinabi niyang may naka-one night stand ang manugang na si Tom Rodriguez kaya nagkaroon ng lamat ang pagsasama nito at anak ng veteran actor na si Carla Abellana.

Ikinasal sina Carla at Tom noong October 23, 2021, pagkatapos ng pitong taong relasyon bilang magkasintahan.

Pero makalipas lamang ng tatlong buwan, noong January 2022, napabalitang hiwalay na ang dalawa.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

Sa 24 Oras ng GMA News ngayong Martes ng gabi, March 15, 2022, biglang kumambiyo si Rey sa kanyang mga naunang binitawang salita tungkol sa marital problem ng anak at ng manugang.

Pagbawi niya, “At first, may nakarating po at nalaman ni Carla na may issue na one-night stand na involved si Tom.

“Si Tom naman was already able to explain kay Carla na wala naman pong katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari yun.

Continue reading below ↓

“So, wala pong natuloy na one-night stand according to Tom’s side naman.”

Ayon pa kay Rey, hindi niya naipaliwanag nang maigi ang tungkol dito sa panayam sa kanya ng beteranang manunulat at radio anchor na si Cristy Fermin sa Cristy FerMinute noong March 11, 2022.

Aniya, “So, yun po yung scenario ng issue na one-night stand. Napa-shortcut lang po, napa-abrupt lang po pagkasabi ko kay Nanay Cristy na, you know, na napag-isipan ng masama.”

Taliwas ito sa sinabi ni Rey sa interview niya kay Cristy.

Nang mapag-usapan ang tungkol sa infidelity, si Rey mismo ang nagkuwento tungkol sa "one-night stand" ni Tom.

Maingat niyang kuwento: “Nay, honestly speaking, hindi po natin maku-consider na third party, e, ang sitwasyon.

"Kasi po, ang pangyayari ay one-night stand, e. So, hindi natin kinu-consider yun na third party.”

Sa panayam din niya kay Cristy, sinabi ni Rey na bilang isang lalaki ay hindi talaga nila maiwasan ang matukso.

Continue reading below ↓

“Inaamin ko na lang, bilang ako lalaki ako, ako, way back, nangyayari din po 'yan sa akin. E, medyo normal na 'yan sa buhay ng mga lalaki."

Kaya naiintindihan daw niya si Tom.

"Opo, opo, kaya naintindihan ko po 'yan.

“E, nangyari sa tukso ay hindi po mortal sin. Para sa akin, you know, bilang isang tao, natural na tao lang po ang nangyayari sa mga ganyang bagay, natural sa buhay 'yan, e, di po ba?"

Hindi idinetalye ni Rey kung kailan naganap ang sinasabi niyang "one-night stand" ni Tom at kung sino ang babaeng involved.

Read: Rey PJ Abellana speaks up on Carla Abellana-Tom Rodriguez marital issue; says Tom had a "one-night stand"

“SHE WAS MAD”

Sa panayam naman ng 24 Oras, isiniwalat ni Rey na tinawagan siya ng anak na si Carla nang naging maingay na ang kuwento niya tungkol sa “one-night stand” ni Tom.

Nagalit daw si Carla sa kanya dahil sa mga sinabi niya sa interview.

Continue reading below ↓

Lahad ni Rey, “She was mad, she was questioning me why I came up that way.

"Of course, I explained it to her right away, and after my explanation, explaining my side, hindi na naman siya nag-message na uli.”

Samantala, ibinahagi rin ni Rey ang kagustuhan ni Tom na muling makabalikan si Carla.

Aniya, “When he came over to talk to me and explain his side, he would cry along his explanations and everything, and he keeps on saying na he wants his wife back.

"He wants Carla back because she loves Carla very much that’s why they settled down.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rey PJ Abellana says there was no one-night stand incident involving Tom Rodriguez, the husband of his daughter Carla Abellana: "Si Tom naman was already able to explain kay Carla na wala naman pong katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari yun. So, wala pong natuloy na one-night stand according to Tom’s side naman.”
PHOTO/S: Courtesy: GMA News / @carlaangeline on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results