James Reid spotted with Momoland's Nancy in Los Angeles

by Rachelle Siazon
Mar 16, 2022
James Reid, Nancy Mcdonie, Los Angeles
Did James Reid and Nancy McDonie meet for work or leisure? Or was it just a chance meeting through common friends?
PHOTO/S: CTTO via @jamesxnancy_ / @nancy_jewel_mcdonie Instagram

Naudlot man ang TV project nila noong 2020, nagkrus pa rin ang landas nina James Reid at Nancy McDonie ngayong 2022.

Si James, 28, ay kilalang actor-singer sa Pilipinas, habang si Nancy, 21, ay miyembro ng sikat na K-pop group na Momoland.

Kumalat sa social media ang video kunsaan dalawang beses namataang magkasama sina James at Nancy sa Los Angeles.

Una ay sa Yamashiro Hollywood, isang sikat na Japanese restaurant, noong March 6.

Ang kaibigan ni James na si Ivan Dorschner ang kumuha ng video kunsaan nahagip ng camera si Nancy, sabay nag-pan si Ivan ng camera kunsaan kita si James at iba nilang mga kasama.

Nancy McDonie, Los Angeles

Continue reading below ↓

James Reid, Los Angeles

Noong March 7, namataan ulit si James na nasa akto ng pakikipag-usap kay Nancy. Kuha raw iyon sa Six Flags Magic Mountain, isang theme park sa Los Angeles.

James Reid, Nancy McDonie, Los Angeles

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung work o leisure o accidental lang ang pagkikita ng dalawa. Pero marami sa fans ni James ang natuwang kasama niya si Nancy.

Nakatakda sanang magtambal ang dalawa para sa The Soulmate Project, isang serye na ipoprodyus dapat ng ABS-CBN, Dreamscape Entertainment, iWant, at Project 8.

February 3, 2020 ay sumailalim pa sa look test ang dalawa bilang paghahanda sa serye.

Read: Here's a sneak peek at James Reid and Nancy McDonie's roles in The Soulmate Project

Pero makalipas ang ilang araw, noong February 9, 20202, lumabas ang pahayag ni James na hindi na siya kasali sa proyekto.

Read: James Reid "won't be doing Soulmate" series with Nancy McDonie

James Reid, Nancy McDonie, The Soulmate Project

Continue reading below ↓

JAMES NOT LEAVING PH FOR GOOD

Noong February 2022, nilinaw ng ama ni James na si Malcolm Reid na nagpunta ang actor-singer sa L.A. para sa "recording sessions" at para bisitahin ang kapatid nitong si Andrew.

Pinabulaanan din ni Malcolm na iiwan ni James ang showbiz career sa Pinas.

Pati ang kapatid ni James na si Lauren Reid ay tiniyak na babalik ng Pilipinas ang actor-singer.

Sinabi ito ni Lauren sa mediacon ng Crown Artist Management noong Marso 6, 2022.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Did James Reid and Nancy McDonie meet for work or leisure? Or was it just a chance meeting through common friends?
PHOTO/S: CTTO via @jamesxnancy_ / @nancy_jewel_mcdonie Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results