Lovi Poe says she's no "Takas Queen" on dates with Jolo Revilla

by Archie de Calma
Feb 18, 2008
Lovi Poe's mom is said to be worried by her daughter's closeness and frequent "secret dates" with Jolo Revilla.

Sa concert ni Gerald Santos sa Teatrino kamakailan, naging special guest si Lovi Poe. Nagulat nga kami nang mag-duet sila ni Gerald, inamin ni Lovi na noong kasali pa lamang ang young balladeer sa Pinoy Pop Superstar ay crush na niya ito.

Wala kasi si Jolo Revilla nang gabing 'yun. Ang feeling ng mga ka-close ni Lovi ay nagpe-playtime ito. Sabi ng isang close dito, "Naku, nandito kasi 'yung dating manliligaw ni Lovi na very persistent din! Nawala na ito noon, pero bumabalik na naman!"

ANG HEREDERO. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na isa sa mga heredero ng Mercury Drug ang binatang pumopormang muli kay Lovi. Ito rin daw ang napabalitang binatang sa tindi ng selos kay Cogie Domingo noon sa concert-cum-debut ng young actress na ginanap sa Teatrino ng Greenhills last year ay nag-walk out.

"Aware ako na nasa venue siya ng concert ni Gerald that night, pero dedma lang ako," pahayag ni Lovi. "I don't want to talk about him. Hindi ko rin nga alam why he was at Teatrino that night. Baka gusto lang manood talaga, and it's open naman to the public."

Continue reading below ↓

Hindi ba nababahala si Lovi na baka maging stalker na niya ang guy na ito?

"I don't think he has the time to do that. Besides, matagal ko na siyang hindi nakakausap kasi. There's nothing to talk about, too," simpleng nasabi ng young actress.

"WE'RE JUST FRIENDS, 'NOH! Baka nga raw natsa-challenge na naman ang non-showbiz guy dahil pinopormahan muli si Lovi, and this time, ang pinakamaingay na nali-link sa kanya ay si Jolo.

"I don't really know," nasabi na lang ni Lovi. "Ito ngang kay Jolo, wala pa akong definite answer dito, other than we're just friends. Na ang dating sa iba, showbiz na sagot.

"Talagang nakatutok lang ako sa career ko. Nagkataon lang na magkasama kami ni Jolo sa Kaputol ng Isang Awit, kaya advantage niya 'yun. Kasi, magkikita na kami palagi sa trabaho," dugtong ng teen star.

PLEASE, HINDI SIYA SUPPORT! Idinidiin ng kampo ni Lovi na hindi raw ito support lang kay Glaiza de Castro sa Kaputol ng Isang Awit gaya sa mga lumalabas. Istorya raw ito ng dalawang magkapatid kaya magse-share sina Glaiza at Lovi sa stellar billing, pati na sa lead roles.

Continue reading below ↓

"Hindi ko na iniisip 'yan," sabi pa ni Lovi. "Let them talk. Wala akong karapatang magreklamo. In the first place, happy ako sa role. In fact, nagwo-workshop ako ngayon dahil kailangang maging credible ako sa pagpu-portray ng maldita.

"It's not a one-dimensional role na mabait lang. Maraming facets 'yung personality ng charactrer, and that makes it more challenging. May redemption siya in some ways, at makaka-sympathize pa rin ang mga tao, once they get to know my character in the story.

"Hintayin na lang nila. I'm so excited about it," dugtong pa niya.

BUNTIS SCARE. Negative naman daw ang feedback ng ugnayan nila ngayon ni Jolo. Ano ang masasabi ni Lovi sa mga paalaala sa kanya? Na kesyo baka buntisin lang siya ni Jolo at masira ang career niya.

"You know, I can always handle that situation. Ganoon din ang sinasabi nila about Cogie before. Pero, hindi ko pinakinggan 'yun dahil ayokong mag-suffer ang working relationship namin, pati 'yung friendship, dahil lang sa mga intriga.

Continue reading below ↓

"This is the same case with Jolo. Bumabalik lang 'yung mga isyu. I must assure the people that I'm okay. Jolo is a nice guy. We're good friends. We inspire each other, but there's no such thing as mutual understanding or M.U.

"I'd like to make that point clear. We just enjoy each other's company. Gusto ko ring maging close sa ibang guys, and I have a bunch of other boy friends, as in boy friends, and no-no to boyfriend yet, please!" natatawang banggit pa ng young star.

TAKAS QUEEN? How true na nababahala na rin ang ina niyang si Rowena Moran sa grabeng closeness nila ni Jolo? Natututo na raw tumakas si Lovi sa mommy niya. May mga lakad daw na isinisikreto na nito na kasama si Jolo?

"That's not true," sabi pa ni Lovi. "You know naman how mothers are. Gusto nila, lagi nilang natsi-check ang mga anak nila, lalo na kung babae.

Continue reading below ↓

"My mom is just like that. Minsan kasi, nagkakaroon ng problema sa communication lines. Hindi nagkakaintindihan, pero that doesn't mean na tumatakas ako. I don't do that. Hindi ko pinangarap na masabihang 'Takas Queen'!" natatawang banggit ng dalaga.

Ikinaloloka lang daw ni Lovi 'yung masyado na siyang pinangungunahan.

"I understand that, na gusto nila akong protektahan. But, you know, my mom isn't like that. Naiintindihan ako ng mommy ko at may tiwala siya sa akin.

"'Yun din ang sasabihin ko sa iba, na sana, pagtiwalaan din nila ako. Nagpapasalamat ako sa care at concern nila. I won't allow bad things naman to happen to me, 'cause these guys are my friends. Believe me, they won't harm me," at napakindat pa ang bagets.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe's mom is said to be worried by her daughter's closeness and frequent "secret dates" with Jolo Revilla.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results