Rabiya Mateo, Jeric Gonzales confirm they are now a couple

by Rachelle Siazon
Mar 17, 2022
Rabiya Mateo, Jeric Gonzales
Kapuso stars Rabiya Mateo and Jeric Gonzales showcase some of their sweet photos taken during their trip to Bohol. The two professed their love for each other nearly three months after they were first sighted on a date at a theme park.
PHOTO/S: @rabiyamateo Instagram

Kumpirmadong magkasintahan na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

Si Rabiya ay 25 taong gulang, habang si Jeric ay 29.

Pasabog ang pagsasapubliko ni Rabiya ng relasyon nila ni Jeric, base sa Instagram post ng beauty queen-turned-actress.

Miyerkules ng gabi, Marso 16, 2022, ipinakita ni Rabiya ang ilang sweet moments nila ni Jeric na kuha sa Bohol.

May kuha sila overlooking Chocolate Hills kunsaan matamis ang ngiti nila habang nakatitig sa isa't isa.

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales

Continue reading below ↓

May isa pa silang kuha na magkayakap habang nakatanaw sa pamosong tourist spot sa Bohol.

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales

Sa isa pang litrato, nakasuot naman sila ng life vest at ang view nila ay sa tabing-dagat.

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales

Continue reading below ↓

Kitang-kita ang saya ni Rabiya lalo na sa video kunsaan naka-piggyback ride siya kay Jeric habang bumababa ito ng hagdan.

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales

Caption ni Rabiya kalakip ng shining at heart emojis: "Live. LOVE. Laugh.
Thank you, Eric."

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales

Continue reading below ↓

Sinelyuhan ito ni Jeric ng kilig "I love you" message para kay Rabiya.

Reply ni Jeric kay Rabiya sa comment section ng post: "Let's be happy together. I love you."

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales

Makalipas ang tatlong oras, si Jeric naman ang nag-post sa Instagram ng pictures nila ni Rabiya.

Isa rito ay kuha rin sa Chocolate Hills viewing deck.

Continue reading below ↓

Jeric Gonzales, Rabiya Mateo

At may isa pang litrato na kuha habang nasa loob sila ng sasakyan.

Jeric Gonzales, Rabiya Mateo

Continue reading below ↓

"To more memories with you @rabiyamateo I love you," saad ni Jeric sa caption ng IG post niya.

KILIG REACTIONS OF RABIYA'S FELLOW BEAUTY QUEENS

Ikinatuwa ng mga kaibigan at katrabaho ni Rabiya ang balitang masaya siya sa kanyang buhay-pag-ibig.

Nanguna sa mga bumati sa kanya ay si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez.

Sabi ni Beatrice, "Kilig naman."

Nasabi na lang ni Rabiya, "hatdog hahahah."

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales

Continue reading below ↓

Pati si Miss Universe Thailand 2020 Amanda Obdam ay napakomento ng heart emojis.

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales

Kasabay nito ang mga kilig reaction ng fans ni Rabiya na ilang buwan nang naghihinalang may relasyon na ito at si Jeric.

Pati ilang artista—kabilang sina Jerald Napoles, Edgar Allan Guzman, Yasmien Kurdi, at ang singer na si Garrett Bolden—ay nagpaabot ng mensahe kay Jeric.

Continue reading below ↓

Jeric Gonzales, Rabiya Mateo

DECEMBER SIGHTINGS

Noon pa lang December 2021 ay usap-usapan na ng netizens na tila may pagtatangi sa isa't isa sina Rabiya at Jeric.

Namataan kasi silang namamasyal sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna, at nakita rin silang nagpunta sa beach sa kung saang lugar.

Nagkatrabaho sina Rabiya at Jeric sa isang episode ng Wish Ko Lang, ang Kapuso weekly drama anthology, noong November 2021.

Continue reading below ↓

Mukhang iyon ang nagbukas ng pinto para mapalapit ang dalawa sa isa't isa.

Maliban sa proyektong iyon, wala silang trabaho na sila ay magkasama dahil may kanya-kanya silang pinagkakaabalahang TV project sa Kapuso Network.

WHAT RABIYA TOLD PEP.PH about "J"

Pero noon pa lang February 8, 2022, nagpahiwatig na si Rabiya tungkol sa namumuong magandang pagtitinginan nila ni Jeric.

Nang mag-guest sa PEP Live si Rabiya, inamin niyang masaya siya pagdating sa matters of the heart.

"Alam mo, basta masaya ako. Yun na lang muna.

"Kasi ayaw ko naman magsalita na too early pa. What they don't know they can't ruin. There is power in privacy.

"Yun ang na-learn ko sa mga nangyari sa akin in the past. Especially I was very open with my relationship status," sabi ni Rabiya sa PEP Live.

Hindi kaila sa publiko na nang sumali si Rabiya ng Miss Universe Philippines ay inamin niyang mayroon siyang longtime non-showbiz boyfriend na si Neil Salvacion.

Continue reading below ↓

Pero matapos ang Miss Universe stint ni Rabiya noong Mayo 2021, napabalitang natuldukan na ang pitong taong relasyon nila ni Neil.

Read: Rabiya Mateo says ex-boyfriend was sorry for saying she left him for the crown

Patuloy ni Rabiya sa PEP Live interview niya nitong February 2022, "Ayoko na mangyari yun kasi marami rin nasasaktan.

"Marami rin opinion na hindi naman talaga totoo. I don't wanna put myself on that stress level ulit."

Pero biglang may netizens na nanonood ng PEP Live ang humirit na "#JrevealonFeb14."

Napatili si Rabiya nang usisain tungkol sa "J" sa kanyang buhay. Hindi man tahasang binanggit ang buong pangalan ng sinasabing "J," malinaw na si Jeric Gonzales ito dahil noon pang December 2021 ay nali-link na sila.

"Hoy, grabe! Oh my god. Iinom lang ako ng tubig!" natatawang bulalas ni Rabiya.

Sabay sabi ni Rabiya, "Dito ako palagi napapahamak. I cannot lie. Hindi pa ako showbiz sumagot."

Continue reading below ↓

Sa mga sumunod niyang salita, nagpahiwatig siyang noong panahong iyon ay nasa getting-to-know stage sila ng "J" na iyon kaya ayaw pa niyang pangunahan ang mga bagay-bagay.

"Siguro yun din yung peace of mind na gusto ko ibigay kung sino man siya.

"Kasi kinikilala pa lang din," pag-amin ni Rabiya.

Sabay pigil niya sa sarili, "Naku po! Stop ko na siguro yun. Hanggang dun na lang."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso stars Rabiya Mateo and Jeric Gonzales showcase some of their sweet photos taken during their trip to Bohol. The two professed their love for each other nearly three months after they were first sighted on a date at a theme park.
PHOTO/S: @rabiyamateo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results