Miss World 2021 is Karolina Bielawska of Poland

by Erwin Santiago
Mar 17, 2022
miss world 2021
Karolina Bielawska of Poland is the new Miss World.
PHOTO/S: Twitter

Si Karolina Bielawska ng Poland ang kinoronahang Miss World 2021.

Ginanap ang grand coronation ng Miss World 2021 sa Coca-Cola Hall sa San Juan, Puerto Rico nitong Miyerkules ng gabi, March 16, 2022 (Huwebes ng umaga, March 17, sa Pilipinas).

Ang first runner-up ay si Shree Saini ng USA, at second runner-up naman si Olivia Yace ng Cote D'Ivoire.

Kabilang sa Top 6 sina Carla Yules ng Indonesia, Karolina Vidales ng Mexico, at Anna Leitch ng Northern Ireland.

Ang pambato ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez ay nakaabot sa Top 13.

Ang iba pang nakapasok sa Top 13 ay sina Do Thi Ha ng Vietnam, Andrea Aguilera ng Colombia, Khadija Omar ng Somalia, Karolína Kopíncová ng Czech Republic, April Benayoum ng France, at Manasa Varanasi ng India.

Sa 70 years ng Miss World ay isang beses pa lang napapanalunan ng Pilipinas ang korona. Nangyari ito noong 2013 nang itanghal na Miss World si Megan Young.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Bielawska ang ikalawang Polish na nanalong Miss World; ang una ay si Aneta Kreglicka noong 1989.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karolina Bielawska of Poland is the new Miss World.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results