Carla Abellana gives update about her life: "Very busy, though stressful, tuloy ang laban."

by Bernie V. Franco
Mar 18, 2022
carla abellana
Carla Abellana quips about being an animal lover: “Sometimes, I always say, or joke around, ’I love animals more than people.’”
PHOTO/S: @carlaangeline on Instagram

Walang bakas ng lungkot si Carla Abellana, 35, sa isang recent online interview sa kabila ng marital issue nila ng asawang si Tom Rodriguez.

Kitang-kita na bukod sa blooming si Carla, nagpapaka-busy siya ngayon sa maraming bagay gaya ng business venture at showbiz career.

Napansin din ito ng hosts na pinuri ang kagandahan ng aktres.

Sa simula pa lamang ng interview, naghapyaw na ang Kapuso actress na natutuwa siyang ma-interview bukod sa kanyang personal na buhay.

Sabi ni Carla, “It’s good to be talking about something else [apart from] from work, or show business, hindi ba, or personal life.”

carla abellana

Continue reading below ↓

(Carla Abellana looks blooming and happy in her recent online interview.)

Na-interview si Carla sa Spotlight, ang online talk show ng Daily Tribune, noong March 3, 2022

Kinumusta muna ng hosts na sina Dina Ventura at Kim Sancha si Carla sa nakalipas ng dalawang taon.

Gaya raw ng marami, tuloy ang buhay para kay Carla.

“It’s been very challenging, the pandemic…” simula ng aktres.

“It’s global. It has been challenging para sa ating lahat.

“But we struggle, we cope, di ba? We adjust to the changes.

“There are so many changes in our lives, globally.

“But we have to continue to strive. We have to persevere, yeah.”

Aniya ukol sa sarili, “Very busy, though stressful, you know, tuloy ang laban, parang ganoon.”

Sa gitna ng isyung hiwalayan matapos ang kanilang kasal noong October 2021, nananatiling tikom ang bibig nina Carla at Tom.

HOT STORIES

CARLA: “I LOVE ANIMALS MORE THAN PEOPLE.”

Sa isang parte ng interview, sumalang si Carla sa “Would You Rather” game, kung saan mamimili siya ng isa sa dalawang choices.

Continue reading below ↓

Sa tanong kung mas gusto ba niyang maunawaan ang mga hayop o makipag-usap sa mga halaman, pinili ni Carla ang una.

“Animals... given iyan,” ani Carla na isang animal lover.

“I would rather hear animals talk. In fact, not only that, I would love to be able to talk to animals, parang Dr. Dolittle...

“I’m an animal lover, I’m an animal welfare advocate.

“Sometimes, I always say, or joke around, ’I love animals more than people,’” na sinundan ni Carla ng tawa.

Tinanong din siya kung ano ang mas gusto niya: to inspire others or be inspired.

Sagot ni Carla, “Honestly, I’m a people-pleaser. I would rather inspire others. I also believe that is my destiny.

"That’s why I’m here—be able to inspire others in whatever way.

“Use your talents na ibinigay sa iyo ni God. Motivate other people, and be a good influence.

“Napaka-fulfilling noon for a person.”

CARLA’S VENTURE

Nabanggit din sa panayam na naghahanda na si Carla sa lock-in taping para sa susunod niyang teleserye sa susunod na buwan.

Continue reading below ↓

Pero bukod dito, focused din siya ngayon bilang co-founder at corporate social responsibility (CSR) director ng FineLyf, isang e-commerce business.

Ang nasabing business ay isang online shop ng local and imported gift and essential products.

Itinayo ito ni Carla kasama ang kanyang business partners.

Si Carla ang inatasang maging CSR director na siyang nagma-manage sa charity aspect ng kanilang negosyo.

Ani Carla, “I was given the task to handpick several charity causes that are close to my heart.”

Ipinaliwanag din ni Carla na pinagsasabay niya ngayon ang kanyang showbiz career at pagiging entrepreneur.

“Kasi in my line of work, you cannot set time for, let say taping and then for [business]… it has to be medyo combination.

“At times, when we are at lock-in tapings, in between I do some work through my laptop or cellphone, as much as possible.

“I want to devote certain hours, days just for FineLyf or for TV.

Continue reading below ↓

“Merged in a way. In between scenes. Nagsisingit ng work,” sabi ng Kapuso actress, na abalang-abala sa maraming bagay.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana quips about being an animal lover: “Sometimes, I always say, or joke around, ’I love animals more than people.’”
PHOTO/S: @carlaangeline on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results