Ang pambato ng Pilipinas na si Kathleen Paton ang kinoronahang Miss Eco International 2022 sa grand coronation na ginanap sa Egypt, Huwebes ng gabi, March 17, 2022 (Biyernes ng umaga, March 18, sa Pilipinas).
Si Kathleen ang ikalawang Pilipinang Miss Eco International, na unang napanalunan ni Cynthia Thomalla noong 2018.
First runner-up sa Miss Eco International 2022 ang kandidata mula sa Belgium, second-runner-up ang USA, third runner-up ang Spain, at fourth runner-up ang Malaysia.
Ang mga nakapasok naman sa Top 21 ay Panama, Myanmar, Canada, Finland, Netherlands, South Africa, Brazil, Egypt, Venezuela, Nigeria, Mexico, Indonesia, Nepal, Montenegro, Costa Rica, at Aruba.