Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson

by Jojo Gabinete
Mar 18, 2022
kit thompson, ana jalandoni
Ana Jalandoni sent this message to her friends after being allegedly detained and injured by boyfriend Kit Thompson: “Please help me! Please call police!!! Keith is killing me. Please please help me.”
PHOTO/S: @realanajalandoni on Instagram

Kasalukuyang nagaganap ang imbestigasyon ng Women’s Desk ng Tagaytay City Police tungkol sa kaso ni Kit Thompson at ng kanyang girlfriend, ang sexy star na si Ana Jalandoni.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono ngayong Biyernes ng umaga, March 18, 2022, ang isang police officer ng Tagaytay City Police.

Sinabi nitong ganap na 6:29 a.m. nang makatanggap ng tawag ang 911 tungkol sa isang babaeng sugatan at humihingi ng tulong, pero hindi pa sila makakapagbigay ng detalye dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon.

Mabilis na rumesponde ang Tagaytay Police kaya napag-alamang si Ana ang biktima sa insidenteng nangyari sa Amega Hotel sa Km. 54, Emilio Aguinaldo Highway, Silang Junction South, Tagaytay City.

Isinugod si Ana sa Tagaytay Medical Center para gamutin, samantalang dinala si Thompson sa Tagaytay Police Station para imbestigahan.

Bago nailigtas si Ana, nagawa pa nitong humingi ng tulong sa mga kaibigang pinadalhan niya ng litratong magpapatunay na sinaktan siya dahil sa mga sugat sa mukha niya.

Continue reading below ↓

“Please help me! Please call police!!! Keith is killing me. Please please help me,” nagmamakaawang mensahe ni Ana.

ana jalandoni

Nagbilin ang sexy star na huwag siyang tawagan sa kanyang cell phone dahil baka magising ang boyfriend niya.

Tinawagan din ng PEP.ph ang Amega Hotel at nakumpirma naming dito nag-check in sina Kit at Ana.

Continue reading below ↓

Pero hindi nagbigay ng impormasyon ang hotel staff na aming nakausap dahil tanging ang kanilang mga guest ang nakakaalam sa mga tunay na nangyari sa loob ng kuwartong tinuluyan ng dalawa.

Tatlong buwan pa lamang ang nakalilipas nang isiwalat ni Kit sa kanyang Instagram account noong December 15, 2021 na may relasyon na sila ni Ana.

Read: Kit Thompson reveals relationship with Ana Jalandoni

Ikinagulat ng mga kaibigan nina Kit at Ana ang balita dahil hindi nila inaasahang hahantong sa pisikal na pananakit ang relasyon ng dalawa.

Si Kit ay kilalang aktor na unang nadiskubre nang maging housemate siya sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother Teen Edition 4 noong 2012.

Bandang 2014 nang pansamantala siyang nawala sa sirkulo sa showbiz. Ilang taon siyang nanirahan sa Amerika bago muling nagbalik-showbiz noong 2018.

Kasama si Kit sa cast ng Philippine adaptation ng K-drama na Flower of Evil, na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Lovi Poe.

Continue reading below ↓

Ipinakilala si Ana bilang isa sa mga aspiring sexy star sa Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar noong January 2021.

Pero nagpa-release mula sa kanyang kontrata sa Viva dahil hindi ang pagpapaseksi sa pelikula ang career na gusto niya.

Noong November 2021, inanunsiyo ni Ana na movie producer na ito dahil bukod sa pagiging bida, siya ang financier ng kanyang launching movie, ang erotic thriller na Manipula.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng mga taong nabanggit sa artikulong ito.

Editor's Note: Na-update ang headline ng artikulong ito bandang 7:32 p.m. Base sa ulat ni Tagaytay PNP Chief Rolando Baula, sumailalim sa inquest si Kit bandang 5:00 p.m. nitong Biyernes, Marso 18, 2022. Sinampahan siya ng reklamong paglabag sa Section 5A ng Republic Act 9262 o Violence Against Women Act.

READ: Kit Thompson alleged assault of girlfriend Ana Jalandoni caused by jealousy, says police

READ: Ana Jalandoni posts cryptic message amid assault allegation against boyfriend Kit Thompson

Continue reading below ↓

READ: Kit Thompson in Tagaytay police custody; his girlfriend treated for injuries

READ: Kit Thompson’s camp releases statement about Tagaytay incident

READ: Gabriela, naglabas ng statement tungkol sa pananakit umano ni Kit Thompson kay Ana Jalandoni

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ana Jalandoni sent this message to her friends after being allegedly detained and injured by boyfriend Kit Thompson: “Please help me! Please call police!!! Keith is killing me. Please please help me.”
PHOTO/S: @realanajalandoni on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results