Maymay Entrata posts "miss you" message for foreigner boyfriend

by Rachelle Siazon
Mar 18, 2022
Maymay Entrata, Aaron Haskell
Maymay Entrata (left) shows short video of herself and boyfriend Aaron Haskell (right) driving along an avenue in Ontario, Canada.
PHOTO/S: @maymay Instagram

Muling ipinasilip ni Maymay Entrata ang hitsura ng foreigner boyfriend niyang si Aaron Haskell.

Sa Instagram Story ni Maymay kahapon, March 17, 2022, ibinahagi niya ang isang short video na kitang nagmamanaho si Aaron ng sasakyan habang si Maymay ay sakay sa passenger seat.

Base sa navigation map sa kotse, binabaybay nila noon ang Dougall Avenue sa Ontario, Canada.

Nakaramdam ng pangungulila si Maymay sa nobyo na malayo sa kanya sa mga oras na iyon.

Nilagyan ito ni Maymay ng caption na "Missyou."

Continue reading below ↓

Kasalukuyang nakabase sa Canada si Maymay para kumuha ng acting classes.

Noong March 5, 2022, nag-post pa si Aaron sa kanyang Twitter account ng litrato nila ni Maymay.

Magkahawak-kamay sila habang nanonood ng pelikulang The Batman sa isang sinehan.

Maymay Entrata

MAYMAY GOES PUBLIC ABOUT RELATIONSHIP WITH AARON

Noong February 14, 2022, unang isinapubliko ni Maymay ang tungkol sa relasyon nila ni Aaron.

Continue reading below ↓

Magkasama sila noon sa Canada, dahil noong buwang iyon ay may picture si Maymay sa snow na si Aaron ang inilagay niyang photographer niya.

Maraming mga kaibigan si Maymay sa showbiz ang natuwa nang malamang masaya ang kanyang buhay pag-ibig.

READ: Maymay Entrata discloses relationship with foreigner; Luis tells Maymay, "Ipakilala mo naman sa akin."

ON MALICIOUS VIDEO ABOUT HER BOYFRIEND

Pero mayroong malisyosong YouTube video na nagpakalat na peke ang lalaking ipinakilala ni Maymay na nobyo.

Pinalagan iyon ni Maymay at agad na binantaan ang YouTuber na idedemanda niya ito kung hindi nito burahin ang mapanirang video.

Makalipas ang ilang oras ay binura na rin sa YouTube ng kung sinumang nag-upload nito.

Read: Maymay Entrata calls out fake YouTube video about her foreigner boyfriend: "Aabot tayo sa husgado."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maymay Entrata (left) shows short video of herself and boyfriend Aaron Haskell (right) driving along an avenue in Ontario, Canada.
PHOTO/S: @maymay Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results