Watch Now

Kit Thompson in Tagaytay police custody; his girlfriend treated for injuries

by Rachelle Siazon
Mar 18, 2022
Kit Thompson
According to ABS-CBN News's report, actor Kit Thompson (left) was placed behind bars at the Tagaytay Police Station following an incident involving his girlfriend.
PHOTO/S: Grace Rutao for ABS-CBN News / @kitthompson Instagram

Nasa proseso pa rin ng imbestigasyon ang insidenteng kinasangkutan ni Kit Thompson at ng kanyang nobya.

READ: Kit Thompson’s camp releases statement about Tagaytay incident

Si Kit ay aktor na napapanood sa mga pelikula at sa mga programa sa Kapamilya Channel, habang ang kanyang nobya ay kilalang sexy star sa ilang pelikula ng Viva Entertainment.

Sa ulat ng ABS-CBN News Facebook at Twitter account, pasado alas dos ng tanghali ngayong Biyernes, March 18, 2022, ipinakitang nasa loob ng detention cell si Kit.

Sinasabing nasa kustodiya siya ng pulisya dahil sa alegasyong pananakit sa kanyang nobya.

Kit Thompson

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasabay na ipinost sa social media accounts ng ABS-CBN News ang dalawang litrato ng babae na kuha sa "Tagaytay Medical Center" para gamutin ang "injuries" sa kanyang mukha at ilang bahagi ng katawan.

Naka-blur ang mukha ng babae sa mga naturang litrato.

Sa naunang ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Biyernes ng umaga, nakasaad ang pahayag ng isang police officer sa Tagaytay City Police tungkol sa isang babaeng sugatan at humingi ng tulong via 911.

Natanggap ng 911 ang tawag ganap na 6:29 a.m., at mabilis na narespondehan ng pulisya ang insidenteng nagyari sa isang hotel sa Emilio Aguinaldo Highway, Silang Junction South, Tagaytay City.

Nakumpirma ng PEP.ph, sa pamamagitan ng pagtawag sa hotel, na naka-check-in doon si Kit at kanyang nobya, pero tumangging magbigay ng detalye ang hotel staff hinggil sa insidente.

Samantala, ngayon ding Biyernes ay naglabas ng pahayag ang pulisya tungkol sa di pinangalanang magkasintahang sangkot sa isang alitan sa Tagaytay hotel na kanilang nirespondehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paalala ni CALABARZON Regional Police regional director Antonio Yarra, ipagbigay-alam agad sa pulis ang anumang insidenteng gaya nito.

"Ang ganitong klaseng violence ay hindi dapat isinasawalang bahala lamang.

"I will take this chance to call on other women who are victims of violence not to be afraid and report immediately to the nearest police station their situation.

"Kagaya na lamang po ng biktima sa insidenteng ito, agad na nabigyan ng aksyon at hindi na umabot pa sa mas marahas na sitwasyon."

Sa isyu sangkot si Kit at kanyang nobya, sinusubukan ng PEP.ph na hinagan ng opisyal na pahayag ang mga ito.

Isinapubliko nila ang kanilang relasyon via Instagram noong December 2021.

Noong February 2022, makikita pa ang litrato ng masayang pagdiriwang nila ng Valentine's Day.

At nitong March 16, 2022, o dalawang araw ang nakararaan, ay nagpalitan pa ang dalawa ng sweet messages sa Instagram tungkol sa pagkikita nila.

Sinusubukan ng PEP.ph na hingan ng opisyal na pahayag ang kampo ni Kit at pati na rin ang kanyang nobya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa opisyal na pahayag ng Cornerstone Management, ang talent management na namamahala sa career ni Kit, wala pa silang natatanggap na official report mula sa pulisya kaya hindi pa sila makapagkomento sa insidente.

Sabi pa rito, "However, we request the public to be mindful of casting judgment based on unfounded reports being circulated online."

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Editor's Note: Base sa ulat ni Tagaytay PNP Chief Rolando Baula, sumailalim sa inquest si Kit bandang 5:00 p.m. nitong Biyernes, Marso 18, 2022. Sinampahan siya ng reklamong paglabag sa Section 5A ng Republic Act 9262 o Violence Against Women Act.

READ: Kit Thompson alleged assault of girlfriend Ana Jalandoni caused by jealousy, says police

READ: Ana Jalandoni posts cryptic message amid assault allegation against boyfriend Kit Thompson

READ: Kit Thompson in Tagaytay police custody; his girlfriend treated for injuries

READ: Kit Thompson’s camp releases statement about Tagaytay incident

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson

READ: Kit Thompson’s camp releases statement about Tagaytay incident

READ: Gabriela, naglabas ng statement tungkol sa pananakit umano ni Kit Thompson kay Ana Jalandoni

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to ABS-CBN News's report, actor Kit Thompson (left) was placed behind bars at the Tagaytay Police Station following an incident involving his girlfriend.
PHOTO/S: Grace Rutao for ABS-CBN News / @kitthompson Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results