Watch Now

Kit Thompson's management releases new statement on actor's alleged assault

by Arniel C. Serato
Mar 18, 2022
Kit Thompson's management does not condone violence
Cornerstone Management, the talent management who handles the career of Kit Thompson (left), says it "does not condone any act of violence and profoundly value the dignity of women” amid the actor's alleged assault on girlfriend Ana Jalandoni (center, right).
PHOTO/S: Courtesy: @kitthompson / @realanajalandoni on Instagram

Hindi pinapayagan ng Cornerstone Management, ang talent agency na namamahala sa showbiz career ni Kit Thompson, ang anumang bayolenteng gawain lalo na kung ito ay pagyurak sa dignidad ng kababaihan.

Ito ang bahagi ng bagong pahayag na ipinadala ng Cornerstone sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi ng Biyernes, March 18, 2022 kaugnay ng pananakit diumano ni Kit sa nobya nitong si Ana Jalandoni.

Saad sa pahayag: “The Cornerstone Management does not condone any act of violence and profoundly value the dignity of women.”

Nilinaw rin ng Cornerstone na ang nauna nilang statement ay inilabas nang wala silang alam na detalye sa kinasasangkutang isyu ni Kit.

Anila, “We take this opportunity to clarify that our earlier statement was issued with no knowledge of any specific details as we were in receipt only of general allegations.

“Neither were we privy to any photos of the incident.”

Hahayan na lamang daw nilang umusad ang batas at manaig ang hustisya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagtatapos ng kanilang carefully-worded statement: “In this delicate situation, we subscribe to the sound discretion of law enforcement and allow the wheels of justice to take its course.”

Nitong hapon, na-inquest na si Kit ng husgado. Si Ana naman ay nagpapagaling pa sa ospital sa Tagaytay.

Naglabas din ang aktres ng isang maiksing cryptic post kung saan malinaw na si Kit ang kanyang tinutukoy.

Sinabi nitong kapag mahal mo ang isang tao ay hindi mo ito kayang saktan. Pero kung nagawa mo ito, ibig sabihin lamang nito ay hindi mo ito minahal.

Aniya, “When you love someone you will never ever harm them. Minahal mo ba talaga?”

Hinikayat niya rin ang lahat na mag-ingat sa kanilang mga karelasyon upang huwag matulad sa nangyari sa kanya.

Nagpasalamat din ang sexy star sa lahat ng nagpaabot ng mensahe at suporta, pero humingi siya ng dispensa dahil hindi na niya ito masagot isa-isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maglalabas daw siya ng mas mahabang statement kaugnay ng nangyari.

Buong pahayag niya: “This is me saying, you all should be careful out there. I can't reply to all of you right now but thank you for checking up on me.

“I will release a statement soon.”

Read: Ana Jalandoni posts cryptic message amid assault allegation against boyfriend Kit Thompson

Base sa paunang imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na maaaring selos ang dahilan ng pananakit ni Kit sa girlfriend.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cornerstone Management, the talent management who handles the career of Kit Thompson (left), says it "does not condone any act of violence and profoundly value the dignity of women” amid the actor's alleged assault on girlfriend Ana Jalandoni (center, right).
PHOTO/S: Courtesy: @kitthompson / @realanajalandoni on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results