Watch Now

Angel Locsin, nagpaka-fan girl nang makaharap si VP Leni

by KC Cordero
Mar 21, 2022
Angel Locsin so excited to see VP Leni Robredo.
Tuwang-tuwa ang aktres na si Angel Locsin nang mapansin ni VP Leni Robredo ang ginawa niyang placard na may nakasulat na: “Ma’am Leni! Sayo na ang bato!”

Nagpaka-fan girl si Angel Locsin nang personal niyang makaharap si Vice President Leni Robredo sa isinagawang campaign rally sa Pasig City nitong Linggo, March 20, 2022.

Sa video na nag-viral sa iba’t ibang social media platforms ay makikitang kinilig si Angel, at napasigaw nang malakas nang lumapit sa kanya si VP Leni.

“Oh, my God!!! Oh, my God!!!” paulit-ulit na tili ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Angel Locsin so excited to see VP Leni Robredo.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Angel ang naging encounter kay VP Leni.

Ang kanyang post: “Napansin yung project kong inabot ng 3am [laughing emoji]. Thank you po Ma’am @bise_leni @aikarobredo @jpgrobredo at mga kuya marshals.

“Sabi ng asawa ko ‘tama na, tama na….’ nung nagsisigaw ako. Tapos hinila na ako palayo, lol.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilagyan niya ito ng hashtags na: #PasigLaban #LetLeniLead

Ipinakita rin ni Angel kay VP Leni ang ginawa niyang placard na may nakasulat na: “Ma’am Leni! Sayo na ang bato!”

Angel Locsin with her placard.

Ito pala ang nabanggit niyang project sa kanyang post kunsaan inabot siya ng alas tres ng madaling araw sa paggawa.

Ang “bato” na tinutukoy niya ay ang bato ni Narda na isinusubo ng Pinay heroine para maging si Darna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaang ginampanan ni Angel ang karakter ni Darna na nilikha ng Pinoy komiks great na si Mars Ravelo.

Si Angel din ang itinuturing na artistang gumanap na Darna na mas nagmarka ang karakter dahil sa totoong buhay ay tumutulong din siya sa mga nangangailangan.

Nagpakuha naman ng picture sina Angel at VP Leni kasama ang iba pa habang hawak nila ang placard na ginawa ng aktres.

Angel Locsin with her placard, at the rally.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa ang aktres sa mga celebrity na boluntaryong tumutulong sa kampanya ni VP Leni.

Ang star-studded rally sa Pasig City ang itinuturing na pinakamalaking pagtitipon ng mga supporters ng bise presidente, at tinatayang nasa mahigit 100,000 katao ang dumalo rito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tuwang-tuwa ang aktres na si Angel Locsin nang mapansin ni VP Leni Robredo ang ginawa niyang placard na may nakasulat na: “Ma’am Leni! Sayo na ang bato!”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results