Ariana Grande reposts Break Free aerial vid from VP Leni Pasig rally

by KC Cordero
Mar 21, 2022
Ariana Grande and the tweets about her Leni-Kiko rally IG story
Nag-trending si Ariana Grande matapos mapansin ng netizens na ginamit niya sa kanyang IG story ang video mula sa Leni-Kiko rally sa Pasig City kunsaan inawit ng libu-libong attendees ang kanyang hit song na "Break Free."

Sumabog ang Twitterverse matapos mag-post ni Ariana Grande sa kanyang Instagram story ng video mula sa ginanap na rally nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa Pasig City nitong nakaraang Linggo, March 20, 2021.

Ang journalist na si Jules Guiang ang isa sa mga unang nakapansin sa IG story ni Ariana.

Ani Jules sa kanyang tweet: “Wow #ArianaGrande just posted this on her IG story. And yes I just followed her lol.

“This was taken during the pre-program of #PasigLaban.”

Inilagay niya sa kanyang tweet ang link ng IG post ni Ariana.

Caption ni Ariana sa kanyang IG post na may short video ng libu-libong taong inaawit ang kanyang kantang “Break Free” at puro naka-pink sa ginanap na rally: “I can’t believe this was real.”

Dagdag pa niya: “I love you more than words.”

Netizens confirm Ariana Grande's IG story about Leni-kiko rally is legit.

Continue reading below ↓

Netizens confirm Ariana Grande's IG story about Leni-kiko rally is legit.
Pinatunayan naman ng ibang netizens na “confirmed” ngang legit ang IG post ni Ariana.

Sa Philippine trending tweets naman, nag-number 1 ang Ariana Grande, sumunod ang #PasigLaban at ikatlo ang #PasigIsPink.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-trending si Ariana Grande matapos mapansin ng netizens na ginamit niya sa kanyang IG story ang video mula sa Leni-Kiko rally sa Pasig City kunsaan inawit ng libu-libong attendees ang kanyang hit song na "Break Free."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results