Aubrey Miles, Troy Montero engaged after 18 years of being together

by Rachelle Siazon
Mar 23, 2022
Aubrey Miles Troy Montero engaged
Aubrey Miles on fiancé Troy Montero: "I’ve always known it’s him." Troy officially proposed to Aubrey during their trip to Boracay.
PHOTO/S: @milesaubrey / @troymontero Instagram

"I’ve always known it’s him."

Ito ang kilig na mensahe ni Aubrey Miles, 40, matapos mag-propose sa kanya ang longtime partner na si Troy Montero, 44.

Naganap ang kanilang engagement habang sila ay nagbabakasyon sa Boracay.

Aubrey Miles Troy Montero engaged

Kahapon, March 22, 2022, si Troy ang unang nagbalitang sa kasalan mauuwi ang matagal nang pagsasama nila ni Aubrey.

Continue reading below ↓

"Together 18 years, Engaged 8 hours… Here’s to Forever with you!" saad sa Instagram post ni Troy.

May hashtag itong "#SheSaidYes" at "#engaged."

Aubrey Miles Troy Montero engaged

Ngayong Miyerkules, March 23, 2022, ibinahagi ni Aubrey na sobrang saya siya na officially engaged na sila ni Troy.

"Yesterday, I realized how exciting it is to get engaged and wearing a ring on my left hand," saad niya sa kanyang Instagram post.

"It’s too beautiful not to share this. If you know how It went down? I said 'Thank you and YES!'

Continue reading below ↓

"Lol pag kita ko sa ring napa thank you muna ako bago Yes," natatawang dagdag ni Aubrey.

Aubrey Miles Troy Montero engaged

POSTPONED WEDDING

May 2021 unang inamin nina Aubrey at Troy na plano na talaga nilang magpakasal, pero naantala iyon dahil sa COVID-19 pandemic.

Si Aubrey pa raw ang nagbukas ng topic tungkol sa kasal sa isang heart-to-heart talk nila ni Troy.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Aubrey sa Magandang Buhay, "Easy lang. 'You know what? It's time na,' ako talaga nagsabi. Sabi niya, 'Oo nga, 'no?'

"Parang casual lang. 'Sige, let's do it in this place na malayo.'"

Plinano na raw nila agad ang wedding venue para sa intimate wedding na nakatakda sanang ganapin sa Batanes noong April 2020.

Sabi ni Aubrey, "Tapos nagpa-book na kami. Yun yung hotel na binook namin, parang 13 or 15 rooms lang. Nag-iisa lang siya na hotel...

"'Tapos ang plano ko talaga nine people, 'tapos April yun.

"'Tapos March, pandemic na. Sabi namin, 'Baka two months lang 'yan.'"

Umasa pa raw sina Aubrey at Troy na matatapos din agad ang pandemya, kaya pina-postpone nila ang kanilang kasal ng tatlong buwan.

Patuloy ni Aubrey, "'Let's move it ng July.' Actually, lalabas ito sa YouTube namin. Hindi pa namin na-shoot kasi hindi namin alam paano isi-share.

"'Tapos nag-move kami ng July, 'tapos hindi na natuloy.

Continue reading below ↓

"Na-move nang na-move nang na-move. Kinuha na namin lahat sa airlines, nabayaran na. Ni-refund naman kami pati yung hotel."

Hindi naman nabanggit ni Aubrey kung sa Batanes pa rin nila gustong maikasal, o nagbago na ang kanilang plano ngayon.

Read: Aubrey Miles, Troy Montero plan to get married after 17 years of being together

HOW AUBREY AND TROY MET

May papel si Kris Aquino sa pagkakakilala nina Aubrey at Troy.

Celebrity guest si Troy sa defunct Kapamilya talk show ni Kris na Good Morning, Kris nang mabanggit ni Troy na interesado siyang makilala si Aubrey.

Habang commercial break ay tinawagan daw ni Kris si Aubrey para magpaalam kung puwedeng ibigay ang mobile number nito kay Troy. Pumayag naman daw si Aubrey.

Eksakto namang nasa ABS-CBN compound din si Aubrey noong araw na iyon dahil co-host siya noon sa defunct noontime show na Masayang Tanghali Bayan.

Pagkatapos ng Good Morning, Kris, dumiskarte na agad si Troy at dumaan sa dressing room ni Aubrey para magpa-picture dito.

Continue reading below ↓

Natatawang kuwento pa ni Aubrey, pinaghintay raw niya si Troy dahil hindi pa raw siya tapos maglagay ng kilay noon.

Doon na raw nagsimula ang komunikasyon nilang dalawa.

Nanligaw raw si Troy kay Aubrey ng apat na buwan.

Ngayon ay may dalawa na silang mga anak—sina Hunter, 13, at Rocket, 3.

Si Maurice, 21, ay anak ni Aubrey sa dating karelasayon na si JP Obligacion.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aubrey Miles on fiancé Troy Montero: "I’ve always known it’s him." Troy officially proposed to Aubrey during their trip to Boracay.
PHOTO/S: @milesaubrey / @troymontero Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results