Joshua Garcia twits rumormongers with message for "rumored girlfriend" Ria Atayde

by Rachelle Siazon
Mar 23, 2022
Joshua Garcia, Ria Atayde
Joshua Garcia jokingly calls Ria Atayde his "rumored girlfriend" on her 30th birthday.
PHOTO/S: @garciajoshuae Instagram

Naging running joke na nina Joshua Garcia, 24, at Ria Atayde, 30, ang pang-iintriga sa kanila na sila ay magkasintahan.

Thirtieth birthday ngayon ni Ria, at isa si Joshua sa nagpadala ng mensahe para sa dalaga sa pamamagitan ng Instagram Story.

Sabi ni Joshua kalakip ng white heart emoji: "Happy Birthday rumored girlfriend!"

Sinamahan niya ito ng sexy picture ni Ria na tila kuha sa isa mga beach trip ng kanilang barkada.

Joshua Garcia, Ria Atayde

Continue reading below ↓

Ni-repost iyon ni Ria.

Sabi ng aktres: "SALAMAT, MY LIWANAG AND RUMORED BOYFRIEND! LABYU!"

Joshua Garcia, Ria Atayde

Bukas sa pagsasabi sina Joshua at Ria na malapit silang magkaibigan, at bahagi sila ng grupo ng magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Read: Joshua Garcia says Nguya Squad saved him from "drowning in loneliness"

Pero dahil sa pagiging close ng dalawa, may mga netizen na napapatanong kung sila ba.

Continue reading below ↓

Noong January 2022, may poser pa si Joshua sa Facebook na nagpakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanila ni Ria.

Nag-post ang poser ng litrato nina Joshua at Ria, at saka pinalabas na tinawag ni Joshua si Ria na "ikaw ang aking liwanag."

Nilinaw noon ni Joshua na wala siyang Facebook account, at walang katotohanan ang post ng kanyang poser.

Tinawanan lang din nila ni Ria ang pag-uugnay sa kanila.

Read: Joshua Garcia, Ria Atayde call out fake news about them being an item

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia jokingly calls Ria Atayde his "rumored girlfriend" on her 30th birthday.
PHOTO/S: @garciajoshuae Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results