Sharon Cuneta apologizes, admits mistake in previous post about Panelo

by Arniel C. Serato
Mar 24, 2022
sharon cuneta apology
Sharon Cuneta: “So, though I stand by my feelings and thoughts on the matter, I would like to apologize for the words I used in my post, and to those I have hurt by them. I should have just said exactly how I was feeling, and in a more respectful manner - no matter what. I am also so sorry, my Sharmy/Sharonians. I disappointed you."
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram

Humingi ng dispensa si Sharon Cuneta sa mga salitang ginamit nito sa kanyang post nang malamang kinanta ni senatorial aspirant Salvador Panelo ang awitin niyang "Sana'y Wala Nang Wakas" sa isang campaign sortie.

Idinaan ni Sharon ang kanyang public apology sa pamamagitan ng Instagram at Facebook ngayong Huwebes ng gabi, March 24, 2022.

May pamagat ding “Sana’y Wala Nang Wakas” ang open letter ng Megastar.

Sa kabuuan ng apology ni Sharon ay hindi niya direktang binanggit ang pangalan ni Panelo.

Ang salitang ginamit niya para tukuyin ito ay “someone.”

Ayon kay Sharon, matagal niyang pinag-isipan kung gagawa ba siya ng public apology dahil bugbog-sarado na raw ang isyu at ayaw na niya itong dagdagan pa. Ngunit sa huli ay nagdesisyon siyang sumulat.

Matamang saad niya: “I thought long and hard about whether I should write this, kasi bugbog na bugbog na ang issue at ayoko na sana dagdagan.

“But I decided to, because in the end, it’s the truth that matters, to me and to those of you who’d care to know it.

Continue reading below ↓

“I posted about someone singing my song during a campaign sortie that wasn’t one of VP Leni and Kiko’s.

“I thought that since I said ‘I only allow Leni-Kiko (people) to sing it (during campaign season is what I meant)’, people would understand why I reacted in such a way.

“Truth is, I felt slighted. Sa akin, parang minamaliit si Kiko at ang pagtakbo niya ng VP.

“Dahil sa dinami-dami ng kanta, bakit naman kanta ko pa ang napili? Dahil kaya Goliath ang VP candidate niya sa David kong asawa? Nasaktan ako.”

Ang tinutukoy ni Sharon na “Goliath” ay si vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte ng UniTeam.

Suportado ni Panelo ang kandidatura sa pagkapangulo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Duterte.

Ang asawa ni Sharon na si Senator Kiko Pangilinan ang "David" na tumatakbong vice president ka-tandem si Vice President Leni Robredo.

“MASASAKIT NA SALITA”

Aminado si Sharon na hindi kaaya-aya ang mga salitang ginamit niya nang i-repost ang video ni Panelo mula sa CNN Philippines habang kumakanta ng "Sana'y Wala Nang Wakas."

Continue reading below ↓

Ganito ang buong caption sa burado na ngayong post ni Sharon noong March 10, 2022:

“Nanang ko po pls lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic. I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy nakakahiya naman sa amin! Kinilabutan ako. In a bad way. Lol.”

Umani ng mga batikos at personal na pagpuna ang post na ito ni Sharon kaya makalipas ang ilang oras, pinalawig ng aktres ang paliwanag sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga sumusunod na salita:

“Kidding aside, only because it is campaign season, I just think something’s a bit off when you sing a song made famous by the wife of one of your Vice-Presidentiable’s political opponents while campaigning.

“On the other hand, maybe I should just thank you for reminding your crowds of Kiko whenever you sing it, whether you do so to mock us or not.”

Continue reading below ↓

Read: Sharon Cuneta, umalma sa pagkanta ni Salvador Panelo ng "Sana'y Wala Nang Wakas" sa kampanya; netizens, nag-react

Sa kanyang post ngayong gabi, inamin ni Sharon na nagkamali siya sa kanyang naunang post.

Paglilinaw ng singer-actress, hindi niya kailanman ipinagdamot ang kanyang sikat na awitin, maliban lang ngayong panahon ng kampanya.

Saad ni Sharon, “Ang pagkakamali ko lang, sana yun mismo ang pinost ko.

"Pero dinaan ko sa biro at sarcasm, kaya madaming di nakaunawa. Kaya siguro CNN Philippines singled out his performance of my song in an article on CNN Philippines online. I suspect it was because they too, found it a bit ‘off.’

“Ngayon lahat na ng masasakit na salita ginagamit sa akin ng ibang tao. My song is thirty-six years old. Ilang libo na ang umawit ng kanta ko sa parties, contests, shows.

“Never ko ipinagdamot ang awit ko kahit kanino. In fact, I feel honored whenever someone chooses it to sing. Siempre, mas madaming may gusto sa kanta mo, mas maligaya ka.

Continue reading below ↓

“Pero panahon ng kampanya ngayon. Iba ang dating sa akin nung inawit ng politiko na hindi namin kapartido.

“Ayoko na nga ng politika kaya never akong tumakbo kahit na madami na ang humiling na tumakbo ako for public office since I was in my twenties.”

“MERON PALA SIYANG SPECIAL CHILD”

Ayon pa kay Sharon, mula nung bata siya ay hindi siya nagdamot.

“Actually, iniisip ko nga kung kailan ako nagdamot ng kahit ano. Wala akong maisip.

“Mula nung bata ako mas masaya ako sa pagbibigay kesa nagtatago ng puedeng ibigay. Kanta ko pa kaya?

“Hindi ko rin naman alam noon na meron pala siyang special child at siya ang naaalala niya sa awit ko.”

Sinabi ni Panelo sa kanyang apology post noong March 11, 2022, kasunod ng post ni Sharon, na mayroon siyang special child na kinakantahan ng awitin ng singer-actress.

Bahagi ng kanyang statement: “It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took to care for my late son, Carlo who had Down Syndrome. I honor him each time I sing the song.

Continue reading below ↓

“I also thought I was paying homage to the composer, the late Willy Cruz and of course, to Ms. Sharon Cuneta, by singing it.

"I wasn’t profiting from it, and certainly not trying to get elected by singing it. I was just trying to entertain the people who took time out of their busy lives to see and listen to us.

"I don’t understand what’s so offensive about that."

Read: Salvador Panelo, may sagot sa negative reaction ni Sharon Cuneta sa pagkanta niya ng "Sana'y Wala Nang Wakas"

Ikinatuwa naman ni Sharon na gagamitin umano ni Panelo ang kanyang awitin "to raise awareness on the needs of special children."

Dagdag niya, “Natutuwa ako na kanta ko pa pala ang magiging paraan para maisip niyang gawin yon.

“Remember—I have been helping and supporting children with special needs since 1993. I was even named Honorary Chairperson by the Chosen Children Village Foundation.

Continue reading below ↓

“That was where I started and I moved on to other organizations - and individuals - both with special needs and not.

“At di ko ginawa lahat yon dahil tumatakbo ako for public office. Ganon lang ako talaga pinalalo ng Daddy at Mommy ko.

“It is people who don’t know me personally who have been so quick to attack and call me names.

“Even those whom I thought knew me well enough and loved me have joined their party.”

Ayon pa kay Sharon, nakilala niya ang mga totoo niyang kaibigan sa mga panahong katulad nito lalo na yung mga nagpayo sa kanya.

“But it is during times like these when you find out who your real friends are—those who sincerely care about you and tell you what they think."

“I WOULD LIKE TO APOLOGIZE”

Kasunod nito ay nagpakumbaba ang Megastar at humingi ng paumanhin sa mga taong nasaktan sa masasakit na salitang ginamit niya, bagamat pinaninindigan niya ang kanyang nararamdaman at paniniwala tungkol sa isyu.

Continue reading below ↓

Saad niya: “So, though I stand by my feelings and thoughts on the matter, I would like to apologize for the words I used in my post, and to those I have hurt by them.

“I should have just said exactly how I was feeling, and in a more respectful manner - no matter what. I am also so sorry, my Sharmy/Sharonians. I disappointed you.

“Hindi kasi ako plastic. Bakit nga ba madaming nagsasabing plastic ako eh kaya nga ako natro-trouble sa social media ay kasi wala akong strategy at emotional ako?

“Even then, mali ako sa pagkakasulat ko sa post ko.”

Noon daw ay pinapalampas ni Sharon ang mga pangungutya at batikos sa kanya. Pero ngayon ay sumasagot na siya at lalaban lalo na kapag nadadamay ang kanyang pamilya.

Ngunit kailangan din daw niyang i-check ang kanyang sarili at huwag mag-react agad lalo na kung kataasan ng kanyang emosyon.

Continue reading below ↓

Aniya, “Alam niyo, nung araw, dinidibdib at nilulunok ko na lang kasi lahat pag ang feeling ko pagbabangga o pag’kalabit’ sa akin in a bad way.

“Napagod ako, natutong sumagot, lumaban. Lalo na pag pamilya ko ang involved na akala mo kung pagsalitaan kami, para naman nakapatay kami ng tao.

“But I should check myself and never act immediately when I am highly emotional. Sabi nga, do not make decisions when you are either too angry or too happy."

Dagdag pa ni Sharon: “I made a mistake. And thinking back, whenever I have made a mistake on social media, it was always a reaction to something said or done against me.

“I have never started anything negative. I am posting this knowing so many have already decided they would hate me whether I did or said something, or even when I didn’t. That doesn’t matter.

“What does is that those of you who love me know that this is from my heart. And that I am grateful for you. God knows because He sees everything.

Continue reading below ↓

“Again, I am sorry. And how I wish tapos na ang buwan ng Mayo. God bless us all. I love you. Thank you so much for your time. [praying hands, heart emojis]”

Wala pang sagot si Panelo sa public apology na ito ni Sharon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta: “So, though I stand by my feelings and thoughts on the matter, I would like to apologize for the words I used in my post, and to those I have hurt by them. I should have just said exactly how I was feeling, and in a more respectful manner - no matter what. I am also so sorry, my Sharmy/Sharonians. I disappointed you."
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results