Watch Now

Remembering Rico Yan on his 20th death anniversary

by Jojo Gabinete
Mar 29, 2022
rico yan
On March 29, 2002, matinee idol Rico Yan passed away while on vacation at Dos Palmas Resort in Puerto Princesa, Palawan. He was only 27.
PHOTO/S: Pinterest

Ginugunita ng pamilya at mga tagahanga ni Rico Yan ang ika-dalawampung taong anibersaryo ng pagpanaw ng aktor ngayong Martes, March 29, 2022.

Pumanaw si Rico sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan, noong March 29, 2002, Biyernes Santo. Noon ay 27 taong gulang lamang ang matinee idol.

Ayon sa resulta ng autopsy sa mga labi ni Rico, cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis ang sanhi ng kamatayan niya.

Kasama ni Rico sa Dos Palmas Resort ang kanyang kapwa aktor at matalik na kaibigan na si Dominic Ochoa na nakadiskubre sa kanyang bangkay.

Biyernes Santo ng hapon noong March 29, 2002, nang kumalat ang balita tungkol sa nangyari kay Rico. Kinumpirma ito ng mga radio announcer sa AM stations dahil off-air ang TV networks.

Mula sa Puerto Princesa, dinala sa Maynila ang bangkay ni Rico.

Kasama sa mga sumundo sa kanya si Karen Davila na nagbalita para sa TV Patrol habang lumilipad ang eroplanong sinasakyan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

karen davila

THE LAST INTERVIEW

Marami ang nabigla at hindi nakapaniwalang namayapa si Rico dahil nainterbyu pa siya para sa isang radio station nang lumapag sa Palawan ang eroplanong sinakyan nila ni Dominic at girlfriend ni Dominic noong si Janna Victoria.

“Holy Week vacation,” sagot ni Rico nang tanungin ang kanyang pakay sa unang pagkakataong tumuntong siya ng Palawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We might stay for a while in Dos Palmas,” sabi ni Rico.

Sinagot din ni Rico ang tanong kung bakit hindi niya kasama ang girlfriend na si Claudine Barretto.

Aniya, “She had to go to Subic kasi yung tatay niya nakadestino doon. So, I made plans with my friends na dito mag-Holy Week, and dapat kasama siya, pero sayang hindi siya makasama. Last minute, she had to spend time with her family.”

Nang tanungin tungkol sa isyu nila ni Claudine, “Let’s not delve into that,” ang pakiusap ni Rico dahil balitang-balita noong hiwalay na sila ni Claudine.

RICO-CLAUDINE BREAKUP

Nang magpunta si Rico sa Palawan, palabas pa sa mga sinehan ang Got 2 Believe, ang certified blockbuster romantic-comedy movie na pinagbidahan nila ni Claudine.

Nagbukas sa mga sinehan ang Got 2 Believe noong February 27, 2002, pinilahan sa takilya, at naabutan ng pagkamatay ni Rico kaya matagal na ipinalabas ang pelikula sa mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

got 2 believe (2002)

Rico Yan and Claudine Barretto in Got 2 Believe

May problema na sa relasyon nina Claudine at Rico nang magkaroon ng press conference ang Got 2 Believe, pero nagawa nilang ilihim sa entertainment press ang katotohanan.

Lumitaw na lamang ang balitang hiwalay na ang dalawa habang palabas sa mga sinehan ang huling pelikula ni Rico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinurol ang bangkay ni Rico sa La Salle, Greenhills, San Juan, na dinayo at dinumog ng mga tao mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

rico yan wake

PAOLO BEDIONES'S COVERAGE

Mainit na mainit noon ang network war sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7 kaya exclusive sa Kapamilya Network ang coverage sa burol ni Rico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nakagawa ng paraan ang GMA-7 nang sinamahan ni Paolo Bediones, isang GMA-7 talent, si Claudine sa pagpunta nito sa burol ng aktor.

Natatandaan naming may dalang spy camera si Paolo kaya naipalabas sa S-Files ang footage ng pagbisita ni Claudine sa La Salle Greenhills para magbigay-pugay sa dating karelasyon.

Si Paolo ang host ng S-Files, ang Sunday afternoon showbiz talk show ng GMA-7 na kalaban ng The Buzz ng ABS-CBN.

Kuwento ni Paolo tungkol sa mga pangyayari noon, “I actually forgot about that spy camera that we were supposed to use that time. Not sure if any of the footage was used for our show though.

“We had several days of coverage and all the newspapers headlined his tragic death.

“What I do remember is that the outpouring of love and sympathy from the people at the wake was overwhelming.

“I remember fans sharing their stories of Rico’s generosity and kindness, how he would go out of his way to have a picture taken with them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I remember the long lines along Ortigas packed with those that wished to say goodbye one last time waving the posters and placards filled with messages of admiration for the young idol.

“I remember Gary V singing 'Warrior is a Child,' and there was not a single dry eye in the venue or even watching on television, I bet.

“I personally remember Rico during the times we encountered each other in showbiz as an extremely humble guy, full of energy, and just positive about life.”

WAS CLAUDINE BARRED FROM ATTENDING RICO'S FUNERAL?

Nabahiran ng intriga at kontrobersiya ang pagkamatay ni Rico dahil si Claudine ang sinisisi, na umabot sa isyung pinagbawalan siyang bumisita sa burol ng aktor.

Ang The Philippine STAR ang naglabas ng report noong April 6, 2002, tungkol sa pagpunta ni Claudine sa Hong Kong, kasama ang kanyang mga kapatid na sina Gretchen at Marjorie isang araw matapos ihatid si Rico sa huling hantungan nito sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad sa report ng The Philippine STAR:

“Claudine Barretto was said to have been barred by the actor’s family, for reasons not disclosed by them, from getting near the casket during the Mass at the La Salle-Greenhills gym in Mandaluyong City preceding the funeral motorcade to the memorial park.

She was sighted along with her sister Marjorie and her brother-in-law Dennis Padilla at a distance from the funeral rites and left before the burial was over.

“At the airport, Barreto promised to 'bare all' when she returns from Hong Kong on Wednesday and set the record straight after she was pictured as the 'villain' in the death of Yan, especially on the reason of their breakup after a four-year relationship.”

Hindi namin malilimutan ang sinabi ni Marjorie nang magkausap kami habang nasa Hong Kong sila ni Claudine.

“Parang puputok ang puso namin,” ang aming natatandaang makahulugang pahayag noon ni Marjorie dahil sa mga masasakit na akusasyon kay Claudine ng mga taong sinisisi ang aktres sa pagkamatay ni Rico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero totoo ang kasabihang pinaghihilom ng panahon ang lahat ng mga sugat dahil maganda na ang relasyon ni Claudine sa naulilang pamilya ni Rico.

Patunay ang lumabas na video nila ni Mrs. Teresita Castro-Yan, ang ina ng namayapang aktor.

Ang mga tagahanga ni Rico ang naglabas ng video na kuha sa puntod ng kanilang idolo na nagpapakita na magkasama ang ina ni Rico at si Claudine.

Naging malaking bahagi ng buhay ni Rico si Claudine, at ito ang sinabing dahilan ni Mrs. Yan kaya inimbitahan niya ang aktres sa paggunita sa 20th death anniversary ng kanyang anak.

Pagbalik-tanaw: Nakausap ng YES! Magazine editor-in-chief Jo-Ann Maglipon—na siya ring PEP.ph editor-in-chief—si Mrs. Yan ilang buwan matapos ng libing ni Rico. Sa bahay ng mga Yan sa Baguio ginawa ang interview at home photo shoot, kunsaan prominente ang malaking photo-portrait ng isang guapo at nakangiting Rico.

Bagama't pigil ang pananalita ng eleganteng ina ng aktor, malinaw na masakit sa kanya ang naging trato ni Claudine kay Rico, lalo na sa mga huling buwan ng kanilang relasyon.

Habang inaalala ni Mrs. Yan si Rico, napatingin siya sa sahig at sinabing mahirap ang sinuong ni Rico, pero ngayon ay inaalagaan na raw ng Diyos ang kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On March 29, 2002, matinee idol Rico Yan passed away while on vacation at Dos Palmas Resort in Puerto Princesa, Palawan. He was only 27.
PHOTO/S: Pinterest
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results