Billy Crawford publicly declares support for presidential aspirant Mayor Isko Moreno

by Arniel C. Serato
Mar 29, 2022
Billy Crawford supports Mayor Isko Moreno's presidential bid
TV host and singer Billy Crawford on presidential aspirant and Manila Mayor Isko Moreno: "Lider na sa tingin ko nagpapahalaga sa edukasyon at lider na kailangang ipaglaban ang ating bayan. Kaya ako sa darating na Mayo, masasabi ko, Isko ako.”
PHOTO/S: Courtesy: @billycrawford on Instagram / Isko Moreno Domagoso on Facebook

Pormal nang nagdeklara ng susuportahang kandidato sa pagkapangulo ang Lunch Out Loud (LOL) host na si Billy Crawford.

Sa kanyang Instagram kagabi, March 28, 2022, nagbahagi ang singer-TV host ng isang minutong video kung saan ipinaliwanag nito kung bakit suportado niya ang kandidatura ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno.

Pahayag ng 39-year-old singer-host, “Alam niyo po, ilang buwan na lang eleksyon na.

“And I realized how crucial this election is dahil unti-unti na tayong bumabangon sa pandemic.

“At hindi magiging madali ang trabaho ng mga officials na iboboto natin. They’ll decide how we will rise above this challenge.”

Dagdag pa ni Billy, bawat eleksyon ay may mga pangako ang mga tumatakbo sa anumang posisyon.

Para sa kanya, gusto raw niya ng pagbabago kaya ang napili nito ay ang kandidatong kayang tumupad sa pangako hindi lamang sa salita kundi maski sa gawa.

Aniya, “Marami ang nangangarap, marami ang nangangako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya, I wanted to make my own stand in this coming election. Gusto ko ng pagbabago hindi lang sa salita, pati na rin sa gawa.

“Kailangan natin ng simpleng gobyerno para sa ikauunlad ng bawat Pilipino.

“Kailangan natin ng lider na kayang humarap sa anumang pagsubok.”

Nakikita raw niya kay Isko ang pagiging lider nito na nagpapahalaga sa iba’t ibang isyung panlipunan lalo na sa edukasyon.

Ani Billy, “Lider na kayang punan ang pangangailangan ng mga mahihirap.

“Lider na sa tingin ko nagpapahalaga sa edukasyon at lider na kailangang ipaglaban ang ating bayan.

“Kaya ako sa darating na Mayo masasabi ko, Isko ako.”

Naka-off ang comments section ng post ni Billy kaya walang mababasang reaksiyon mula sa netizens at followers niya.

Sina Billy at Isko ay nagkasama sa defunct youth-oriented show ng GMA-7 na That's Entertainment ni German Moreno.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host and singer Billy Crawford on presidential aspirant and Manila Mayor Isko Moreno: "Lider na sa tingin ko nagpapahalaga sa edukasyon at lider na kailangang ipaglaban ang ating bayan. Kaya ako sa darating na Mayo, masasabi ko, Isko ako.”
PHOTO/S: Courtesy: @billycrawford on Instagram / Isko Moreno Domagoso on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results