Paulo Avelino, Janine Gutierrez post photos from their U.S. trip

by Rachelle Siazon
Mar 29, 2022
Paulo Avelino, Janine Gutierrez
Paulo Avelino and Janine Gutierrez draw kilig reactions from fans waiting for updates about their U.S. trip.
PHOTO/S: @pauavelino / @janinegutierrez Instagram

Pinasilip na nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez ang kanilang work-and-play moments sa Amerika.

Sa Instagram ni Paulo kahapon, March 28, 2022, ipinakita niya ang litrato ng isang babaeng nakatalikod habang naglalakad sa beach sa Santa Monica, California.

Paulo Avelino, Janine Gutierrez

Walang caption na inilagay si Paulo at wala rin siyang tinag kung sino ang babaeng kasama, pero naniniwala ang netizens na si Janine iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugma kasi ang suot na sneakers ng babae sa sneakers na suot ni Janine sa Instagram post ng aktres noong March 27.

Hindi rin kaila na magkasama sina Paulo at Janine sa U.S. dahil guests sila sa concert tour ni Ogie Alcasid na OA sa Love in the USA.

Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Nitong Martes, March 29, 2022, si Janine naman ang nagpakita ng litrato nila ni Paulo na magkahawak-kamay sa stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuha iyon sa first night ng concert ni Ogie sa Glendale, California.

Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Kinilig nang husto ang PauNine—Paulo at Janine—fans na nag-aabang ng update tungkol sa dalawa.

Janine Gutierrez, Paulo Avelino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JANINE ON "MASAYANG LEVEL" WITH PAULO

Bago umalis patungong U.S., tinukso at pinaaamin ng PEP Troika sina Paulo at Janine tungkol sa hinihinalang espesyal na ugnayan nila.

Hindi naman itinago ni Janine na nasa "masayang level" ang ugnayan nila ni Paulo.

Read: Janine Gutierrez at Paulo Avelino, nasa "masayang level" na ang relasyon; aamin na ba?

Maging si Paulo ay dati pang humihirit ng "no questions asked" na posibleng mahulog ang loob niya kay Janine.

Dati nang magkaibigan sina Paulo at Janine na nagkatrabaho sa pelikulang Ngayon Kaya, na hindi pa naipalalabas sa mga sinehan.

Lalo silang naging malapit sa isa't isa nang magkatambal sa Kapamilya prime-time series na Marry Me, Marry You, na umere mula September 2021 hanggang January 2022.

Read: Paulo Avelino, Janine Gutierrez reveal going on a date twice

Read: Janine Gutierrez, Paulo Avelino grilled about rumored romance

single and ready to get into a new relationship?

Noong January 2022, namataan pang magkasamang nagbakasyon sina Paulo at Janine kasama sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano sa Palawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero tikom ang bibig ng dalawa kung hudyat na iyon na opisyal silang magkarelasyon.

Kung anu't ano man, parehong single sina Janine at Paulo.

Hiwalay na si Paulo sa model-girlfriend niyang si Jodie Tarasek, habang si Janine ay break na rin sa longtime boyfriend na si Rayver Cruz.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paulo Avelino and Janine Gutierrez draw kilig reactions from fans waiting for updates about their U.S. trip.
PHOTO/S: @pauavelino / @janinegutierrez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results