Vice Governor Jay Khonghun, Aiko Melendez both running this 2022 elections not an issue

by Jerry Olea
Mar 31, 2022
jay khonghun aiko melendez
Zambales Vice Governor Jay Khonghun is running for congressman in the first district of Zambales, while his girlfriend Aiko Melendez is running for councilor in the fifth district of Quezon City.
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram

Sinorpresa ni Zambales Vice Governor Jay Khonghun ang kasintahang si Aiko Melendez sa grand rally nito noong Marso 26, 2022, Sabado ng gabi, sa Quezon City.

“E, baka magtampo sa akin, e,” sambit ni Jay nang mainterbyu namin nitong Marso 27, Linggo ng tanghali, sa White Rock resort, Subic, Zambales.

“Kasi siyempre, ako ang number one supporter nun kaya… at saka vice versa din. Kasi, umuuwi 'yan dito para ikampanya ako.

“So siyempre, support lang kaming dalawa. Nagpunta ako kagabi kasi big event niya.

“Nagpunta din sina Ate Yayo [Aguila], si Gelli [de Belen], si Wendell [Ramos]. Andun sila.”

NO ISSUE ON BOTH OF THEM RUNNING IN 2022 ELECTIONS

Tumatakbo ngayon si Jay na congressman sa unang distrito ng lalawigan ng Zambales, samantalang kandidato si Aiko para konsehal sa ikalimang distrito ng Quezon City.

Hindi ba naging isyu sa kanila na kandidato na nga si Jay, e, kumandidato rin si Aiko sa halip na mag-focus ito sa pangangampanya para sa kanya?

Continue reading below ↓

“Hindi naman. Kasi, we have our own career talaga na we are two separate individuals,” matamang pahayag ni Jay.

“Na very opinionated and everything. May kani-kanya kaming career na kailangan naming harapin, alagaan.

“Ahhm, she loves Quezon City District 5 so much. I love Zambales, and the first district of Zambales and Olongapo City so much.

“Yung career naman naming dalawa, hindi naman dependent sa isa’t isa, but nagtutulungan kami.”

Ipinagdiinan ni Jay na hindi niya hihingin kay Aiko na balewalain ang sarili nitong adhikain para lang ituon ang buong panahon sa pangangampanya para sa kanya.

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP

Halos limang taon na ang relasyon nina Aiko at Jay. Para sila ngayong LDR (long distance relationship).

“Siyempre, yung trust sa isa’t isa… siyempre, marami siyang nakikilala every day. Marami rin akong nakikilala every day,” lahad ni Jay.

“Pero siyempre, as time goes by, yung trust namin sa isa’t isa… so, yun ang importante. Alam ko na wala siyang gagawin na mao-offend ako, or masasaktan ako.

Continue reading below ↓

“At alam din niya na wala rin naman akong gagawin para ma-offend siya o saktan siya.”

Nalampasan nila ang isang napakalaking pagsubok sa kanilang relasyon, kaya tumatag na raw nang husto ang kanilang tiwala at pagmamahal sa isa’t isa.

Read: Is Aiko Melendez's relationship with boyfriend Jay Khonghun on the rocks?

Napangiti nang matamis si Jay, “Nalagpasan na namin yun. Kasi dati, may mga selos-selos pa, e.

“Halimbawa, may makita ka lang na kausap niya, medyo seselos. Ngayon, wala nang ganun, e.”

Hindi na selosa si Aiko?

“Nagseselos siya pag may dapat pagselosan. Pero siyempre, pag wala naman, hindi din.

“At saka hindi ko naman siya bibigyan ng pagkakataong magselos. Kasi, respeto ko din naman sa kanya yun.”

ON SETTLING DOWN

Napag-usapan na ba nila ang pagse-settle down?

“Of course, we’ve talked about it. Hindi na kami bumabata. Love ko naman ang mga anak niya, Andrei and Mimi,” lahad ni Jay.

Continue reading below ↓

Si Andrei ay anak ni Aiko sa first husband niyang si Jomari Yllana, at si Mimi ay anak ng aktres sa second husband niyang si Martin Jickain.

Pagpapatuloy ng vice governor, “Mimi is very close to me… close din naman sa akin si Andrei. Si Aiko din naman, close sa family ko — and father ko, sobra.

“Actually, tingin ko nga, mas love siya ng tatay ko kesa akin, di ba?! My dad is very concerned, lalung-lalo na sa pagtakbo din ni Aiko.

“Kasi siyempre, gusto ni Daddy na manalo rin si Aiko. So, si Daddy, laging nagtatanong, how’s the campaign ni Aiko sa Quezon City.

“Kasi, she’s been running independent. Wala siyang mayor, wala siyang congressman.

“Sarili kaming kayod sa Quezon City. That’s why I’ve been helping her, I’ve always been there for her.

“Kasi nga, every step of the way, siyempre… she’s been out of politics for a long time. Nine years. She’s been out of politics for nine years.

Continue reading below ↓

“So, maraming nagbago. Minsan tinatanong niya ako kung ano ang sistema ngayon, kung ano ang gagawin ngayon.

“Siyempre, every politics is local. So, bakbakan.”

Nasubaybayan ni Jay ang buhay-artista ni Aiko. Ano ang nagustuhan niya sa aktres?

“Aiko is down-to-earth. Diretsong magsalita, ganun din kasi ako… walang bolahan. At saka kasi, si Aiko, mabait,” tugon ni Jay.

“Mabait siya sa akin. Mabait siya sa family ko. Walang masamang tinapay sa kanya. Alam niyo 'yan.

“Kapag kaibigan niya kayo, ilalaban niya kayo… at saka, we’ve been through a lot na.

“At the lowest point of my life, andun siya. Kasama ko siya, hindi niya ako iniwan.”

Nangyari ang lowest point sa buhay ni Jay noong 2019 elections.

Napabilang si Jay, na alkalde noon ng Subic, at ang ama nitong si Zambales First District Congressman Jeffrey Khonghun sa 46 local executives na nakatala sa narco list ng pangulo, ng Department of Interior and Local Government (DILG), at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Continue reading below ↓

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naglabas ng "narco list" noong March 14, 2019.

Read: Aiko Melendez stands by boyfriend Jay Khonghun amid narco tag

Ayon kay Jay, “Alam niyo naman yung nangyari sa akin nung 2019, di ba? So, until such time na napatunayan ko na wala nga ako sa ‘listahan.’

“Sa ngayon, I’ve been endorsed by the President nonetheless. May mga pictures kami ni Presidente na itinataas yung kamay ko.

“Inendorso niya ako as a candidate niya although I belong to a different party. Si Presidente, PDP; ako, Nacionalista.

“Pero the President chose me na iendorso kaysa dun sa kalaban ko na PDP. So, it tells something na… lalo na yung na-clear ang pangalan namin.

“Hindi ako iniwan ni Aiko. Naniwala siya sa akin. Kasi sabi niya, ‘Nakakasama kita 24 hours. Wala naman akong nakikitang kakaiba sa 'yo. Nakikita ko yung family mo. Nakikita ko kung paano kayo mabuhay. Napakasimple lang.’ So, yun.”

Continue reading below ↓

CAMPAIGNING DURING THE TIME OF PANDEMIC

Kumusta ang pangangampanya sa panahon ng pandemya? Siguradong maraming considerations…

“Actually, one of the biggest issues right now in any politician is yung pandemic!” bulalas ni Jay, na magtu-twenty-one years na sa public service.

“Number one issue yun. Why? Because dito mo nakita yung love mo sa constituency mo. Yung service sa mga kababayan mo, kung ano yung ginawa mo.

“Nagtago ka ba? Or lumabas ka ba at tumulong ka ba? Siyempre, isa iyan sa mga isyu sa panahon ngayon.

“Even yung mga national figure, yung mga national candidates natin, isyu sa kanila yun — kung anong ginawa nila sa panahon ng pandemic.

“Lumabas ba, tumulong ba? Nagtrabaho ba? O nagtago ba, di ba? Kasi, yun yung time na maipapakita mo yung pagmamahal mo sa mga kababayan natin, e.

“Kasi, during those trying times, dun nila kailangan talaga yung tulong, e, saka yung malasakit, yung pagmamahal, kalinga na puwede nating ibigay.”

Continue reading below ↓

Naghigpit sa boarders ang lalawigan ng Zambales noong lumaganap nang lubos ang COVID-19.

“Zambales is one of the lowest na may COVID sa buong Region III. I think we’re second to the lowest,” sambit ni VG Jay.

“The lowest is the province of Aurora. Second is Zambales na. So, epektibo yung safety protocols sa Zambales…

“Naghigpit talaga kami. Actually, kao-open nga lang namin… kakuwentuhan ko nga kanina yung mga security head at mga workers dito.

“Sinasabi nila sa akin na, ‘Vice Gov, thank you very much at na-lift na yung checkpoint.’ Actually, the checkpoint has been lifted lang last week.

“So, isipin mo, Alert Level 1 na kami, may checkpoint pa rin kami. Kali-lift lang last week in order to spring the business up.

“Maibalik naman yung ekonomiya ng Zambales, and also para makatulong sa mga kababayan natin in terms of job creation, in terms of the economy.

“And in terms of making our lives normal again.”

Continue reading below ↓

Mas madali ba ang pagsabak ngayon sa halalan?

Napailing si Jay, “Hindi rin. Every election is very difficult. Every election is a dog fight to prove yourself to the people.

“Kailangang patunayan mo yung sarili mo sa kanila, na deserving ka sa kanilang tiwala at suporta.

“Hindi naman automatic 'yan. You still have to face them. You still have to tell them kung anu-ano ang mga plano mo, kung anu-ano yung gagawin mo para sa kanila. Yung tulong na ibibigay mo.

“Siyempre ngayon, although congressman na elected locally, ang scope, e, national, e. So, right now, OK naman so far. Sana.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zambales Vice Governor Jay Khonghun is running for congressman in the first district of Zambales, while his girlfriend Aiko Melendez is running for councilor in the fifth district of Quezon City.
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results