Watch Now

Is Carlo Aquino open to a reconciliation with Trina Candaza?

by Melba R. Llanera
Mar 31, 2022
Carlo Aquino Trina Candaza
Carlo Aquino on former live-in partner Trina Candaza: "Civil naman kami. Yun naman yung importante kasi siyempre para kay Mithi." Si Mithi ay kanilang anak.
PHOTO/S: @trinacandaza / @jose_liwanag Instagram

Naging usap-usapan ang hiwalayan nina Carlo Aquino, 36, at Trina Candaza, 25, nang mag-post si Trina na lumipat na siya ng tirahan kasama si Baby Mithi.

Si Mithi, one year and six months old, ay anak nina Carlo at Trina.

Hindi man diretsahang tinanong kung may chance ba silang magkabalikan ng ex-live-in partner, inusisa si Carlo kung posibleng maging present at future niya ang isang tao mula sa kanyang past.

"Hindi ko alam, e, ayoko na munang magsalita nang tapos," pa-safe na sagot ni Carlo.

"Kung ano yung ibigay ng universe, ng tadhana, siyempre tatanggapin mo yun kasi wala ka namang magagawa. Yun ang nakasulat sa palad mo, e."

Nakapanayam ng media si Carlo bago pa ito sumalang sa press conference ng romantic-comedy series na How To Move On In 30 Days ng Dreamscape Entertainment, kagabi, March 30, 2022.

Nang tanungin kung kumusta siya ngayon, matalinhagang sagot ni Carlo, "Inaalagaan ko lang siguro yung present para yung past hindi na mag-catch up sa future. Kung ano yung mga mali noon, ayusin mo na muna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na nagdetalye si Carlo sa breakup nila ni Trina, pero tiniyak ng aktor na malaya niyang nahihiram at nakakasama ang anak.

"Oo, civil naman kami," ani Carlo. "Yun naman yung importante kasi siyempre para kay Mithi."

ON BEING BLAMED BY BASHERS

Isa si Carlo sa paboritong ma-bash ng netizens mula pa nang hindi magandang paghihiwalay nila ng landas ng dating girlfriend na si Angelica Panganiban.

Read: Angelica Panganiban and Carlo Aquino: A timeline of an almost romance

Hanggang nang sila naman ni Trina ang nauwi sa hiwalayan ang relasyon, siya uli ang sinisisi ng netizens.

Tinatanggap at nirerespeto raw ni Carlo kung anuman ang sinasabi ng iba tungkol sa kanya.

Paliwanag ng mahusay na aktor: "Wala kasi akong magagawa sa opinyon ng ibang tao towards sa akin. Kung ano ang nakikita nila, at least transparent ako na pag kasama ko ang anak ko, ang saya ko.

"Hindi naman puwede na, ano sa bahay lang ako? Palagi akong lugmok?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, nalulungkot ako. Ano, ibi-video, i-IG stories ko na malungkot ako?

"Hindi rin maganda kung mangyayari yun, at may masasabi at masasabi yung mga tao na hindi ka kilala at hindi ka mahal," katuwiran niya.

Kasama ni Carlo sina Maris Racal at Albie Casiño sa proyektong How To Move On In 30 Days.

Kaugnay ng tema ng proyekto, gaano ba katagal para kay Carlo ang maka-move on matapos ang isang breakup?

Tugon ni Carlo, "Hindi ko alam, e. Dapat ba may timeline? Wala yatang timeline kapag ganun, e.

"Kung kailan yung pakiramdam ng buong pagkatao mo na okay na, so ayun siguro."

Read related stories:

carlo on enjoying fatherhood

Para sa Kapamilya actor, iba ang sayang ibinibigay sa kanya ng pagiging isang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang sariling salita: "Masarap, ang sarap lang na iba pa palang pagmamahal na hindi ko pa alam. Ang sarap lang na yung pinagtatrabahuan mo ay hindi lang para sa iyo, para sa anak mo, e.

"Saka ang sarap talagang amuyin. Minsan natutulog sa akin, kahit na awkward ang position mo, di ka gagalaw.

"Kahit two hours, tatlong oras kang nakahiga, ngawit na ngawit ka na, hindi mo maramdaman yung kamay mo, basta hindi lang magising ang anak mo."

Kuwento pa first-time dad, "Pag uuwi ako ng lock-in, maglalaro lang kami sa playroom, yung dollhouse na ibinigay ng sister ko para sa kanya.

"Tapos minsan nag-a-out of town, nandun sa farm. Sa Tanay, malamig, masarap, kasi sobrang init."

Tinitiyak naman daw ni Carlo na hindi siya basta nakikipagkita sa anak kapag galing siya sa isang gathering.

"Katulad ngayon, may event, medyo exposed, maghihintay ako ng one week.

"Pero nakakatuwa kasi nandito na naman uli tayo after two years na nandun lang tayo sa maliit na laptop," sabi ng Kapamilya actor tungkol sa kaunting kaluwagan ngayong pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Aquino on former live-in partner Trina Candaza: "Civil naman kami. Yun naman yung importante kasi siyempre para kay Mithi." Si Mithi ay kanilang anak.
PHOTO/S: @trinacandaza / @jose_liwanag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results