Vice gubernatorial candidate Ejay Falcon determined to prove himself amid ridicule

Ejay Falcon posts inspirational and heartfelt message amid criticisms.
by Arniel C. Serato
Mar 31, 2022
Ejay Falcon shares inspirational message on Facebook
Ejay Falcon to his constituents in Oriental Mindoro: "Kung pinakinggan ko po ang mga taong nagsabing artista ka lang, wala po siguro ako ngayon dito, lumalaban po para kayo ay paglingkuran.”
PHOTO/S: Courtesy: Ejay Falcon on Facebook

Sa gitna ng umiinit na kampanyahan para sa May 9, 2022 elections, isang inspirational message ang ibinahagi ng aktor at Oriental Mindoro vice-gubernatorial candidate na si Ejay Falcon.

Sa kanyang Facebook ngayong araw, March 31, nag-post ang 32-year-old actor tungkol sa determinasyon ng isang tao upang magtagumpay sa kanyang buhay.

May kahalintulad daw kasi siyang karanasan ukol dito.

Panimula ni Ejay, “Wala pong anumang uri ng pangmamaliit ang makakaalis sa anumang achievements na nakamit sa napili nating mga larangan.

“Maging magsasaka ka man, mangingisda, doktor o isang artista tulad ko, kaya po natin mamayagpag at maging pinakamagaling kung ating tatrabahuhin at pagsisikapan.”

Ayon pa kay Ejay, kung anuman ang napili nating propesyon, nararapat lamang na pagbutihin ito at kailangan ding samahan ng maayos na pakikitungo sa kapwa.

“Wala pong limitasyon ang ating kakayahan kaya hindi po tayo maaring ikahon sa iisang lalagyan lamang.

“Dahil higit sa propesyong ating pinili, mas mahalaga po na matutunan at pagtibayin natin ang kabutihang asal, mahusay na pakikipagkapwa tao, tapat na puso sa serbisyo, at kalawakan ng isip para po mag-grow at matuto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito po ang magdadala sa atin sa mas matatayog na tagumpay.”

“ARTISTA KA LANG”

Nagbago ang buhay ni Ejay nang tanghalin siya bilang Big Winner sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus ng ABS-CBN taong 2008.

Mula noon, nagsikap siya sa pagtataguyod sa kanyang karera hanggang sa makilala sa mundo ng pag-arte.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isang kargador si Ejay bago pa siya pumasok ng Big Brother house.

Kaya sa mga nasasabihan ng ganito o ganyan ka lang, huwag daw itong pakinggan dahil baka ito ang maging hadlang upang hindi mo mapagtagumpayan ang iyong nais na marating sa buhay.

Saad ng aktor, “Kaya po sa susunod na sabihin sa iyo ninuman na hanggang dyan ka na lang, suklian mo lang po ito ng ngiti dahil ang katotohanan malayo pa ang mararating mo.

“Nasayo po ang kapangyarihan at hindi sapat ang salita para kunin nila ito sa iyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tulad ko po, isang simpleng kargador sa probinsya na ginusto maging artista.

“Nagtagumpay at ngayon pinapalawak ang kakayahan at papel sa lipunan sa pamamagitan ng pagsabak sa mundo ng paglilingkod.

“Kung pinakinggan ko po ang mga taong nagsabing artista ka lang, wala po siguro ako ngayon dito, lumalaban po para kayo ay paglingkuran.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang hiwalay na post noong March 26, sinabi naman ni Ejay na may mga taong nanghamak sa kanya pero hindi na niya pinapansin ang mga negatibong kritisismong ito.

Aniya, “Sa dinamidami ng panghahamak at panghuhusga Ok lang po. Dahil ngayon ko napapatunayan na ang Mindoreños ay habang ibinababa ka ng isa o dalawang tao ay may sampu, isang daan o libo na mag-aangat sayo.

“Ito ang nadiskubre ko sa kababayan kong Mindoreño. Maraming salamat po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumatakbo si Ejay bilang bise gobernador sa lalawigan ng Oriental Mindoro ka-tandem ang incumbent Governor na si Bonz Dolor.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ejay Falcon to his constituents in Oriental Mindoro: "Kung pinakinggan ko po ang mga taong nagsabing artista ka lang, wala po siguro ako ngayon dito, lumalaban po para kayo ay paglingkuran.”
PHOTO/S: Courtesy: Ejay Falcon on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results