Sharon Cuneta praises Mariel Rodriguez's online live selling; Mariel asks, "Ano bang size niyo po, Mega… ng paa?"

by Bernie V. Franco
Mar 31, 2022
sharon cuneta mariel padilla
Sharon Cuneta suddenly commented and praised Mariel Rodriguez in the middle of the latter's live online selling on March 30, 2022. “Inay, maraming-maraming salamat for watching," says Mariel.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram / Facebook (Mariel Rodriguez Padilla)

Nagpakita ng suporta si Megastar Sharon Cuneta sa live online selling ni Mariel Rodriguez via Facebook.

Muling sumalang sa online selling ang former Pinoy Big Brother host nitong Miyerkules ng gabi, March 30, 2022, na inabot ng hanggang madaling-araw ng Huwebes, March 31.

Naging matagumpay ang pagbebenta ni Mariel, na pinanood pa ng kapwa niya showbiz personalities gaya ng asawang si Robin Padilla, si Aubrey Miles, at ng Megastar na si Sharon.

Sunud-sunod ang mga komento ni Sharon sa kasagsagan ng pagbebenta ng pre-loved branded items ni Mariel.

Makalipas ang higit isang oras na pagbebenta ni Mariel, nakita nitong biglang nagkomento si Sharon.

“Tuwang tuwa ako sayo bebe!!! Hahahaha ang cuuuuuuute mo!!!” unang komento ni Sharon.

Sabi pa ni Mega, “Ang galing natututo ako!!!!”

sharon cuneta

Continue reading below ↓

Sa puntong iyon ay ibinebenta ni Mariel ang kanyang Louis Vuitton shoes.

Panandaliang natigilan si Mariel sa pagbebenta para magbigay-pugay kay Sharon.

Sabi ni Mariel, “Awww, maraming salamat po, Mega. Thank you so much, Ma’am. Thank you so much, Inay.”

Comment ni Sharon, “Wag mo nga ako mina MAM! Inay tama!”

Sabi muli ni Mariel, “Inay, maraming-maraming salamat for watching.”

Tanong niya pa kay Sharon, “Ano bang size niyo po, Mega…”

Na dinugtungan niya ng “…ng paa, ng paa. Kasi alam ko sa katawan, small na po kayo.”

Sumagot pa si Sharon na "size 10" ang kanyang paa.

sharon cuneta

Continue reading below ↓

Napanood din ni Sharon ang pag-“mine” ni Robin sa Chanel bag na sinubukang ibenta ni Mariel.

Nakaabang din kasi si Robin sa online selling ng asawa at may mga pagkakataong nagma-“mine” siya.

Ito ay kapag alam ni Robin na gustung-gusto pa rin ni Mariel ang ibinebenta niyang gamit.

Kaya si Robin na ang bumibili nito para hindi na mapunta sa iba at maibalik sa “closet” ni Mariel.

Si Sharon, tuwang-tuwa sa pagiging maaalalahanin ni Robin sa asawa.

Komento ni Sharon, “Ahahahahahahahahahahahahahahahaha Kambal binili uli para kay misis!!!!!!”

sharon cuneta

Continue reading below ↓

"Kambal" ang tawag ni Sharon kay Robin, na dati niyang leading man at naging boyfriend din.

Samantala, ito ang ikalawang beses na sumabak si Mariel sa live online selling. Una niya itong ginawa noong March 15, 2022.

Sinabi noon ni Mariel sa isang post na natupad niya ang kanyang pangarap maging online seller.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta suddenly commented and praised Mariel Rodriguez in the middle of the latter's live online selling on March 30, 2022. “Inay, maraming-maraming salamat for watching," says Mariel.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram / Facebook (Mariel Rodriguez Padilla)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results