Maris Racal's advice on moving on after a heartbreak: "Hindi dapat minamadali."

by Melba R. Llanera
Apr 1, 2022
Maris Racal
Maris Racal's number one tip: "When you really love yourself, na gusto mong ibalik yung self-worth mo, pag yun ang motivation mo, super bilis talaga ng moving-on stage mo."
PHOTO/S: @mariesteller Instagram

Ipinagpapasalamat ni Maris Racal na kung ang iba ay nahihirapan makapag-move on sa heartbreak, siya ay madaling natatanggap kapag hindi talaga para sa kanya ang isang tao.

Mas pinananaig daw niya ang self-worth.

Pahayag ng Kapamilya actress-singer: "Thankfully naman, sa awa ng Diyos, hindi talaga ako nahirapan ever since mag-move on.

"Kasi, di ba, minsan pag sa pagdulo na ng relationship, unti-unti mo nang natatanggap na hindi para sa akin ang taong ito.

"Sa dulong part ng relationship kasi, pag na-realize mo na kawawa ka, hindi ka na naggo-grow as a person, parang mas mabilis mong matanggap, e.

"When you really love yourself, na gusto mong ibalik yung self-worth mo, pag yun ang motivation mo, super bilis talaga ng moving-on stage mo."

Sabi pa ni Maris, kailangan talagang dumaan sa tamang healing process.

"So the moment na mag-decide ka na break na kayo, you finally accepted na hindi kayo para sa isa't isa.

Continue reading below ↓

"Then, iyak-iyak lang for three days, then okay na ako.

"It's a process, hindi dapat minamadali. Dapat mag-take time ka.

"Whether it's fast or mahaba, i-enjoy mo lang yung process because that's what gonna make you are in the future."

Sinabi ito ni Maris sa media conference ng pelikulang How To Move On In 30 Days, na ginanap sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound noong March 30, 2022.

MARIS: FIND AN OUTLET FOR YOUR HEARTBREAK

Ayon kay Maris, malaki ang naitulong sa kanya ng pagsusulat ng kanta para mag-move on.

"Ako talaga, since sobrang intense ng emotions, gina-grab ko yung opportunity na yun para magsulat.

"Dun yung time na isinusulat ko yung mga songs na sad. Yun ang release ko, yun ang outlet ko.

"After ng pagsusulat, siguro time with friends, pupunta talaga ako sa beach, hihinga ako."

Ang kapwa Kapamilya actress na si Sue Ramirez ang isa raw sa nakausap ni Maris nang huli siyang dumanas ng pagkabigo sa pag-ibig.

Continue reading below ↓

"Pinakaka-chika ko nun si Sue. Kinukuwento ko lang sa kanya from start till nag-break, lahat.

"Inuulit-ulit ulit ko sa kanya until ma-realize ko, 'Shucks, kawawa ka, Bes. Paano mo ito nakakaya?'

"Tapos ako na yung nahiya, tinigil ko na. Dun ako unti-unting namulat.

"Ang cringe ng pinaggagagawa ko these days. Kailangan nating ibalik yung self-worth natin."

ON FALLING IN LOVE AGAIN

Ang nagsilbing barometer para kay Maris para masabing naka-move on na siya ay pag napapangiti at napapakilig na siya ng isang tao.

"I think I can say na naka-move on na ako kapag may kinakausap na ako. Pag may bagong nagpapakilig sa akin na parang, 'Oh my god, iba ito. Hindi siya parang joke na feelings, totoo ito.'

"Feeling ko, yes, move on, pero kailangan mo kasi ng confirmation talaga.

"Hindi naman confirmation from the other person, confirmation within yourself na parang, 'Okay, kinikilig na ako. Napo-fall ako tapos masaya ako.'

Continue reading below ↓

"Iyan ang way ko for confirming, 'Okay na ako, I have moved on.'"

Sa kasalukuyan ay going strong ang relasyon ni Maris, 24, sa OPM singer na si Rico Blanco, 49.

Read: Maris Racal reveals how she and Rico Blanco settle misunderstandings

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal's number one tip: "When you really love yourself, na gusto mong ibalik yung self-worth mo, pag yun ang motivation mo, super bilis talaga ng moving-on stage mo."
PHOTO/S: @mariesteller Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results