Bea Alonzo asks Piolo Pascual if he feels bad about her transfer to GMA-7

by Rachelle Siazon
Apr 3, 2022
Bea Alonzo, Piolo Pascual
Piolo Pascual to Bea Alonzo: "Sa totoo lang, sorry ha, kung sino man source mo, sabihin mo kausapin ako kasi ba't naman ganun? Ba't naman sasama loob ko sa 'yo? That's your choice."
PHOTO/S: @beaalonzo / @piolo_pascual Instagram

"Kinompronta" ni Bea Alonzo si Piolo Pascual kung masama ang loob ng aktor na lumipat ang aktres sa GMA-7 matapos ang halos 20 taon bilang homegrown star ng ABS-CBN.

Matagal nang magkaibigan sina Bea at Piolo, na unang nagkatambal sa pelikulang Dreamboy noong 2005.

Lumipat si Bea sa GMA-7 noong July 2021.

Read: Bea Alonzo answers mean comments about her transfer to GMA-7

"Pi, kakausapin sana kita, e. Ang weird lang... Di ba ok tayo?" tanong ni Bea nang tawagan niya sa mobile si Piolo.

"May nakausap kasi ako. Gusto ko tanungin ka nang diretso.

"Parang nag-air ka ata ng sama ng loob tungkol sa paglipat ko sa taong kausap ko. Siyempre di ko na sasabihin kung sino.

"Parang, may nasabi ka na you didn't like that I went to GMA. Things na parang medyo hurtful for me.

"Kasi magkausap pa tayo the last time. Magka-Viber tayo. Gusto ko lang tanungin kung totoo kung may sama ka ng loob sa akin?"

Continue reading below ↓

PIOLO: "BA'T NAMAN SASAMA LOOB KO SA 'YO?"

Ang hindi alam ni Piolo, prank call lamang ang ginawa ni Bea sa ngalan ng April Fool's Day. Base ito sa YouTube vlog ni Bea kagabi, April 2, 2022.

Matamang nakikinig si Piolo sa kabilang linya, at hinayaang matapos magsalita si Bea.

"Hindi!" madiing tanggi ni Piolo sa paratang sa kanya.

Hindi raw para kay Piolo na kuwestiyunin ang desisyon ni Bea.

"Sa totoo lang, sorry ha, kung sino man source mo, sabihin mo kausapin ako kasi ba't naman ganun? Ba't naman sasama loob ko sa 'yo?

"That's your choice. Di ko alam kung saan nanggagaling 'yan, Bea.

"Pero sorry, yung mga nasabi mo, I don't think... Ba't naman sasama loob ko sa 'yo?" halatang nagugulimihanang saad ni Piolo.

Piga pa rin ni Bea, "Pero wala ka namang ibang kinasasama ng loob sa akin at all?"

"Uy, ano ka ba? My gosh! Weird! Oh gosh," sagot ni Piolo.

Continue reading below ↓

Sabay paliwanag ni Piolo, "Nalungkot ako nung lumipat ka, pero hindi masama loob ko.

"Parang that's your decision, di ba?

"Kung sino man umalis, kung sino man lumipat, siyempre you'll feel bad about it.

"Pero you don't even have the right to say na masama loob mo."

Pinigilan ni Bea ang matawa dahil seryoso si Piolo sa mga sinasabi nito.

BEA: IT'S A PRANK!; PIOLO TELLS HER, "ADIK KA!"

Pero sumuko na rin si Bea.

"Alam mo yung akala ko talaga magkaibigan tayo. Matagal na... Wala lang, gusto ko lang sabihin sa 'yo na prank call ito," pag-amin sa wakas ni Bea.

"Adik ka. Yun na yun?!" reaksiyon ni Piolo.

Sagot ni Bea, "Nakakainis ka! Wala man lang ako makuha sa 'yo. Parang mas kinabahan pa ako kesa sa 'yo.

"Hay nako! Joke lang yun. Yun lang! Love you!"

Bago ibinaba ang telepono ay niyaya pa ni Bea si Piolo na magkita sila dahil miss na niya ito.

Continue reading below ↓

Nang matapos ang call, komento ni Bea sa sariling prank, "I think ang baduy ko mag-prank call, guys.

"Feeling ko nga alam na ni P na prank call lang, e. Umakting lang siya para di ako mapahiya," natatawang saad ni Bea.

Pero sa huling bahagi ng vlog, nagpasalamat si Bea dahil napagtanto niyang tunay na kaibigan si Piolo pati na rin ang ibang prinank call niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual to Bea Alonzo: "Sa totoo lang, sorry ha, kung sino man source mo, sabihin mo kausapin ako kasi ba't naman ganun? Ba't naman sasama loob ko sa 'yo? That's your choice."
PHOTO/S: @beaalonzo / @piolo_pascual Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results