Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina is engaged

by Rachelle Siazon
Apr 4, 2022
Maxine Medina
Beauty queen-turned-actress Maxine Medina and diving instructor boyfriend Timmy Llana get engaged during their vacation in Coron, Palawan.
PHOTO/S: @maxine_medina Instagram

"Finally my forever."

Ito ang kilig na anunsiyo ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina sa engagement nila ng nobyong diving instructor na si Timmy Llana.

Sila ay magdadalawang taong magkasintahan na sa June 14, 2022.

Isang romantic proposal ang inihanda ni Timmy sa bakasyon nila ni Maxine sa Club Paradise resort sa Coron, Palawan.

Makikitang tila nasorpresa at puno ng emosyon si Maxine, base sa litratong ibinahagi niya sa Instagram ngayong Lunes, April 4, 2022.

Napatakip pa si Maxine ng mukha habang nakaturo si Timmy sa ibinigay niyang engagement ring na may malaking teardrop diamond stone.

Naganap ang proposal sa tabing-dagat, at kasama ng couple ang ilan sa mga malapit sa kanila.

Maxine Medina

Continue reading below ↓

CELEBRITY REACTIONS

Agad na nagpaabot ng congratulatory messages ang First Lady co-stars ni Maxine na sina Sanya Lopez, Cassy Legaspi, Kakai Bautista, Thou Reyes, at Pancho Magno.

Pati ibang celebrities na sina Ruffa Gutierrez, Marco Gumabao, Ritz Azul, at RR Enriquez ay masayang bumati kay Maxine.

Ang kapwa beauty queens ni Maxine na sina Winwyn Marquez, Nicole Cordovez, at Rachel Peters ay kinilig din para sa kanya.

Maxine Medina engaged

Continue reading below ↓

Maxine Medina engagedMaxine Medina engaged

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty queen-turned-actress Maxine Medina and diving instructor boyfriend Timmy Llana get engaged during their vacation in Coron, Palawan.
PHOTO/S: @maxine_medina Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results