Watch Now

Paolo Contis reacts to being "caught" liking rumored girlfriend Yen Santos’s selfie

by Arniel C. Serato
Apr 5, 2022
Paolo Contis reaction on Senyora's post about him and Yen Santos
Paolo Contis "likes" rumored girlfriend Yen Santos's Instagram selfie but still mum until now on real status of their relationship.
PHOTO/S: Courtesy: Paolo Contis on Facebook / @ysantos on Instagram

Mabilis ang reaksiyon ni Paolo Contis sa post ng social media influencer na si Senyora sa kanyang Facebook account kahapon, April 4.

Si Senyora ay isang spoof sa character ni Senyora Santibañez ng sikat na Mexican telenovela noon na Marimar.

Sa account ni Senyora, ibinahagi niya kahapon ang screenshot ng Instagram post ni Yen Santos kung saan tila bago ang hairstyle ng aktres

View this post on Instagram

A post shared by YS (@ysantos)

Naka-tag sa post ni Yen ang Instagram account na “@zero1story_.”

Ang zero1story ay isang salon sa Bonifacio Global City, Taguig City na nag-specialize sa mga Korean haircuts, treatments, at hair colors.

Ini-screenshot ito ni Senyora dahil makikitang isa sa mga unang likers ay si Paolo.

Panunukso ni Senyora kina Paolo at Yen: "Stay strong to my favorite best friends [heart, raised fist emojis]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaagad dingg nagkomento si Paolo sa post na ito ni Senyora.

Saad niya, "Salamat.. bilis ha!"

Paolo Contis's reaction to Senyora's Facebook post

Ini-screenshot agad ni Senyora ang sagot ni Paolo. Ibinahagi din niya ito sa kanyang Facebook ngayong araw, April 5.

Sabi niya sa caption, "Aba syempre naman! Yan pinagkakaabalahan ko sa IG. Baguio na ulit sama me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kaila ang sightings kina Paolo at Yen sa Summer Capital of the Philippines na na nakunan ng netizens noong August 2021.

May kuha noon ang rumored couple sa isang Greek restaurant at Japanese restaurant sa Baguio.

READ: Alleged CCTV photo of Paolo Contis, Yen Santos in Baguio leaked online

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

paolo and yen hhww last march

Nitong Marso 2022, napabalita na naghiwalay na daw ang dalawa kahit hindi pa umamin na magkasintahan na sila.

Pero noon ding buwang iyon ay namataan sina Paolo at Yen na magka-holding hands sa isang sikat na mall sa Makati.

READ: Paolo Contis, Yen Santos spotted holding hands at Makati mall

Sa ulat ng PEP Troika noong March 16, 2022, naitanong kay Paolo ang tungkol sa bali-balitang hiwalay na sila ni Yen.

Hindi ito sinagot ni Paolo, na hindi pa rin opisyal na umaamin kung ano ang relasyon nila ni Yen.

Sabi lang niya, "Hay! Lahat na lang pinag-uusapan magka-content lang! Kaloka!"

Read: Paolo Contis, nag-react sa hirit na bisitahin niya sana si Summer sa New York

Pero tila maayos pa rin ang dalawa base sa hirit ni Paolo sa netizens noong March 27, 2022.

Sabi noon ni Paolo, "next time" ay sa Bicol naman niya isasama si Yen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang ngayon ay wala pa ring tuwirang pag-amin ang dalawa ukol sa totoong estado ng relasyon nila.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis "likes" rumored girlfriend Yen Santos's Instagram selfie but still mum until now on real status of their relationship.
PHOTO/S: Courtesy: Paolo Contis on Facebook / @ysantos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results