Carmi Martin recalls being harassed by a foreigner: "Ay, sinampal ko talaga!"

by Bernie V. Franco
Apr 6, 2022
Carmi Martin
Seasoned actress Carmi Martin recounts an instance when a foreigner made an uninvited move on her and she let him have it. “’Remember, you are a foreigner,’ sabi ko... yung nandito ka sa country namin.'”
PHOTO/S: YouTube (GMANetwork)

Ikinuwento ni Carmi Martin, 58, kung paano niya sinampal ang isang foreigner matapos nitong i-harass ang beteranang aktres sa isang restaurant.

Ibinahagi ni Carmi ang karanasang ito sa GMA-7 morning talk show na Mars Pa More noong March 31, 2022.

Nagsimula ito nang napag-usapan ng mga host at guests na sina Carmi at Ces Quesada ang pananampal ni Will Smith sa komedyanteng si Chris Rock sa Oscars night noong March 27, 2022.

Tinanong ng hosts si Carmi kung nagkaroon siya ng parehong karanasan.

“Something happened to me, parang may nasampal din ako. But it was a different scenario,” aniya.

Sa loob ng restaurant ay namataan daw ni Carmi ang Pilipinong tour guide na may kasamang foreigner.

Lahad ni Carmi, “I was in a restaurant. Siguro merong mayabang na alam mo iyon… tour guide na sinabi, ‘Oh, there, she’s an actress,’ ganun-ganun.

“And then lumapit sa table ko. Sabi niya, 'He’s foreigner, ganyan-ganyan, touring the Philippines and he would like to have a picture with you.'”

Continue reading below ↓

Malugod naman daw nagpaunlak ang aktres sa request ng foreigner.

“'Ah, yeah. Sure.' Tayo naman ako,” pagpapatuloy ni Carmi.

Pero ikinagalit daw ng aktres ang sumunod na ginawa sa kanya ng foreigner.

“Ang ginawa nung guy, umupo doon sa upuan ko, hinatak ako. Pinaupo ako sa lap.

“Ay, sinampal ko talaga! Sinampal ko, ‘tapos sabi ko, ‘Who gave you the right to do that?’ Sabi kong ganyan."

Ipinaalala raw nito sa foreigner na wala ito sa sarili nitong bansa.

“'Remember, you are a foreigner,' sabi ko... yung nandito ka sa country namin.”

Kasunod nito ay may namagitan na raw na awtoridad.

“Naku, di maya-maya may lumapit na pulis. Inano na siya, talagang tinakot… pinalayas siya doon sa restaurant.”

Komento naman ng Mars Pa More co-host na si Kim Atienza, "Ibig sabihin, mababa ang pagtingin niya sa Pilipina."

Ani Kim, inisip ng foreigner na lahat ng Pilipina ay puwede nitong tratruhin nang ganoon.

Continue reading below ↓

Sumang-ayon si Carmi, “’Yon! Yun na nga.”

Kinumpronta rin daw ng aktres ang tour guide na kasama ng foreigner.

“Sabi ko, ‘Anong sinabi mo dito at ginanyan ako?’ Sabi kong ganyan.

“Siguro, parang sinabi mo parang you can do anything you want in this country.”

Kinatigan ni Kim ang ginawa ni Carmi dahil nasa tama ito at tinawag pa niya itong “righteous reaction.”

Sumang-ayon din ang host na si Camille Prats dahil maituturing daw na “harassment” ang ginawa ng foreigner kay Carmi.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seasoned actress Carmi Martin recounts an instance when a foreigner made an uninvited move on her and she let him have it. “’Remember, you are a foreigner,’ sabi ko... yung nandito ka sa country namin.'”
PHOTO/S: YouTube (GMANetwork)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results