K Brosas asked if she and Ethel Booba talk about their preferred presidentiables

by Melba R. Llanera
Apr 7, 2022
K Brosas, Ethel Booba
Ayon kay K Brosas (kaliwa), hindi niya alam kung sino ang presidentiable ni Ethel Booba (kanan). Basta alam naman daw ni Ethel kung sino ang iboboto niya.
PHOTO/S: @kbrosas / @ethelbooba Instagram

Bukas si K Brosas sa kanyang suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo sa paparating na May 2022 national elections.

Isa siya sa mga artistang proud "Kakampink," na karaniwang bansag sa mga kaalyado ni Robredo na pink ang campaign color.

Pero kung Kakampink si K, hindi tahasan sinasabi ng kanyang co-host sa Lakwatsika na si Ethel Booba kung sino ang sinusuportahan nitong presidentiable.

Pero siniguro ni K na nirerespeto nila ni Ethel ang pulitikal na pinaniniwalaan ng bawat isa.

"Basta ako, I've been very vocal about it. Wala namang problema sa akin yun. Walang pumipigil kung sino ang gusto niya," saad ni K.

"Si Ethel, actually, hindi ko alam kung sino. Hindi namin pinag-uusapan kasi naniniwala ako na pag the more na pinag-uusapan iyan, hindi naman puwedeng magtalo kasi ang pangit naman ang dating, di ba?

"Mas mabuti na lang na huwag magtanong, kasi ako, alam niya [kung sino ang presidentiable ko].

"Minsan nga nagdyo-joke ako, mayroon kaming cameraman na baby boy, sabi ko, 'Sana i-meet natin si Baby M.'

"Mga ganung chika na wala naman sa amin kasi biruan lang yun."

Ang tinutukoy ni K na "Baby M" ay si Ferdinand Marcos Jr. o, na kilala rin sa initials na BBM o Bongbong Marcos. Karaniwang "Baby M" ang tawag kay Marcos Jr. ng netizens na hindi siya ang nais iboto sa eleksyon.

Patuloy ni K hinggil sa manok ni Ethel sa pagkapresidente, "Hanggang ngayon hindi ko alam. Alam ko before kung sino, pero ngayon hindi ko alam, no idea."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humarap si K sa mediacon ng reality travel talk show nila ni Ethel na Lakwatsika, na ginanap sa studio 4 ng TV5 sa Reliance Street, Mandaluyong City, noong April 4, 2022.

WHEN K FIRST MET ETHEL

Naikuwento rin ni K na sabay nila halos pinasok ni Ethel ang pagiging performers at stand-up comedians, kaya matagal na rin silang magkakilala.

Taong 2002 nang unang mapanood si Ethel sa TV5 nang sumali siya at manalo sa reality game show na Sing Galing. Early 2000 din nang mapanood si K sa noontime show na Eat Bulaga, na nagbigay ng break sa kanya sa showbiz.

Ayon kay K, "Lingid sa kaalaman ng iba, hindi pa kami artista, magkakilala na kami ni Ethel.

"Hindi naman kami close, aaminin ko naman, hindi kami close kagaya ng kasama ko sa banda before, kasama niya sa banda before.

"Pero bago pa kami nag-artista, kilala ko na siya, hindi pa siya ganyan.

"Magkasama kaming kumakanta sa mga lounge. Pareho kaming banda na comedy."

Kaya maganda raw ang working relationship nilang dalawa ngayong co-hosts sila sa Lakwatsika.

"Naku! Napakagaan!" bulalas ni K.

K'S ADVENTURES WITH ETHEL in lakwatsika

Mapapanood sina Ethel at K sa Lakwatsika, kasama ang mga baguhang sina Mari Mar Tua at Queenay bilang mga Lakwatsidoras, simula April 18, 2022, tuwing alas onse ng umaga sa TV5.

Ano ang kaibahan ng Lakwatsika sa ibang reality talk shows?

Ayon kay K, "Para siyang Extra Challenge, mixed Biyahe ni Drew, at the same time atake namin.

"Hindi siya fine dining, hindi mga famous na kainan, tapos mga exotic food.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"May nangyari na bigla na lang kaming bumababa ng van, walang script. Si Bakla [Ethel], magsasabi, 'Ay, gusto ko ng softdrink.'

"Naglalakad kami sa gitna ng kalye nun, ha! Naghanap kami ng sari-sari store, kilala ako ng mga tao. 'Si K Brosas! Si K Brosas yun, a!'

"Nakakatuwa, tapos sabihin nila, 'Taga-Sing Galing ito.' Nagkantahan sila, 'Sing Galing, Sing Galing' tapos may choreo pa. Nakakataba ng puso."

Ang Sing Galing ay ang reality singing game show sa TV5 kung saan co-host si K at isa sa mga hurado si Ethel.

Dagdag ni K, "Tapos si Ethel, may dala siyang megaphone, 'Day. Nakakaistorbo, di ba, pero deadma."

Sa parte ni K, naranasan ndaw iyang sumpungin sa taping ng Lakwatsika. Dati na niyang nababanggit na nakararanas siya ng anxiety attacks paminsan-minsan.

Lahad niya, "Abangan ninyo ako dito, kasi may nangyari sa akin dito first time on national television.

"Yung tungkol sa aking mental health, makikita niyo at sasabihin niyo talaga, 'Totoo ang sinasabi niya.'

"In first two weeks, full-blown anxiety attack. Marami ang makaka-relate, totoo pala yun, hindi echos.

"In a way, hindi rin ako thankful, kasi nung oras na yun gusto mong mamatay na, gusto mo lang maospital. May camera, hindi maiiwasan, reality show ito.

"Yung mga medics, mga tao, nataranta. Hindi ko ine-expect, first time itong nangyari sa TV, usually nangyayari sa backstage."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay K Brosas (kaliwa), hindi niya alam kung sino ang presidentiable ni Ethel Booba (kanan). Basta alam naman daw ni Ethel kung sino ang iboboto niya.
PHOTO/S: @kbrosas / @ethelbooba Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results