Watch Now

Rufa Mae Quinto mourns death of brother Vincent

by Rachelle Siazon
Apr 7, 2022
Rufa Mae Quinto
"Umuwi pala kami ni @alexandriamagallanes galing America para sa iyo Vincent, ang pogi at mabait kong kapatid," saad sa bahagi ng Instagram post ni Rufa Mae Quinto ngayong Miyerkules, April 7, 2022.
PHOTO/S: @rufamaequinto Instagram

Nagluluksa si Rufa Mae Quinto sa pagpanaw ng kapatid niyang nagngangalang Vincent.

Sa kanyang Instagram post ngayon Miyerkules, April 7, 2022, ibinahagi ni Rufa Mae na ang pagpanaw ng kapatid ang dahilan kaya siya umuwi ng Pilipinas.

Hindi niya binanggit kung ano ang ikinamatay ng kapatid, basta naka-tag sa location na sa St. Peter Chapel sa Quezon City tila isinagawa ang lamay para rito.

"Eternal rest grant unto him, O Lord, and let perpetual light shine upon him.

"May the souls of the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace. Amen," dasal ni Rufa Mae sa caption ng kanyang post.

Dagdag niya (published as is), "Umuwi pala kami ni @alexandriamagallanes galing America para sayo Vincent, ang pogi at mabait kong kapatid, Rip [praying and heart emojis]

"Mahal ka namin @symonkeyking Grabe pala malagasan ng kapatid. Iba din."

Rufa Mae Quinto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang anak ni Rufa Mae na si Alexandria Athena, na sinabi ng sexy comedienne na kasama niyang umuwi ng Pilipinas, ay limang taong gulang. Anak nila ito ng mister niyang si Trevor Magallanes.

Ilan sa mga artistang nagpaabot ng pakikisimpatiya kay Rufa Mae ay sina Jaya, Regine Angeles, Ogie Alcasid, at Tanya Garcia.

Rufa Mae Quinto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon lamang March 29 at April 2 ay naging usap-usapan si Rufa Mae sa social media matapos kuwestiyunin ang pagdalo niya sa hiwalay na campaign rallies ng magkaribal na presidential aspirants na sina Ferdinand Marcos Jr. at Manny Pacquiao.

Read: "Todo na 'to tour"? Rufa Mae Quinto performing at Marcos, Pacquiao campaign rallies draws mixed reactions

Habang isinusulat ang artikulong ito, walang inilalabas na pahayag si Rufa Mae sa mixed reactions ng netizens sa kanyang pagdalo sa nabanggit na campaign sorties.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Umuwi pala kami ni @alexandriamagallanes galing America para sa iyo Vincent, ang pogi at mabait kong kapatid," saad sa bahagi ng Instagram post ni Rufa Mae Quinto ngayong Miyerkules, April 7, 2022.
PHOTO/S: @rufamaequinto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results