Lady Eagles basketball player Trina Guytingco reacts to being linked to Joshua Garcia

by Rachelle Siazon
Apr 7, 2022
Trina Guytingco, Joshua Garcia
Lady Eagles basketball player Trina Guytingco jokingly calls Joshua Garcia her "rumored boyfriend."
PHOTO/S: @trinaguytingco / @garciajoshuae

Nakarating kina Joshua Garcia at Trina Guytingco ang katanungan ng netizens kung mayroon silang espesyal na ugnayan.

Si Joshua ang isa sa pinakamahusay at pinakasikat na young actors sa bakuran ng Kapamilya Channel.

Si Trina ay varsity player ng women's basketball team ng Ateneo De Manila University.

Tila nagkakilala ang dalawa dahil sa common friend nilang si Kathryn Bernardo, at kamakailan ay magkakasama silang nagbakasyon sa El Nido, Palawan.

Read: Joshua Garcia posts photos of Kathryn Bernardo's best friend; netizens say, "Bagay kayo."

Nitong April 5, 2022, nag-post si Trina ng ilang solo photos niya na kuha roon.

"Nice shot!" reaksiyon ni Joshua sa comments section.

Trina Guytingco, Joshua Garcia

Continue reading below ↓

Sabay hirit ni Trina kalakip ng lauging emojis, "@garciajoshuae thanks rumored boyfriend."

Trina Guytingco, Joshua Garcia

Sakay naman ni Joshua na natawa rin, "you're welcome."

Trina Guytingco, Joshua Garcia

Continue reading below ↓

HOW JOSHUA AND TRINA GOT PAIRED OFF BY NETIZENS

Naging mitsa ng pagkakaugnay kina Joshua at Trina ang pag-post nila ng mga litrato nilang dalawa sa kani-kanilang Instagram accounts.

Pero mayroon din silang post kasama ng iba pa nilang mga kaibigan.

Hindi naman maiwasang tuksuhin ang dalawa dahil kilalang single si Joshua.

Pati kay Ria Atayde ay na-link din ang aktor, pero parehong nilinaw ng mga ito na magkaibigan lang sila.

Si Joshua nagpauso sa pagtawag kay Ria na "rumored girlfriend," at tinawag din siyang "rumored boyfriend" ni Ria dahil sa pang-iintriga sa kanila.

Read: Joshua Garcia twits rumormongers with message for "rumored girlfriend" Ria Atayde

Ngayon naman ay si Trina ang binubuyo ng ilang netizens kay Joshua.

Joshua Garcia

Continue reading below ↓

Joshua Garcia

Habang may iba namang naniniwalang magkaibigan lang din sina Trina at Joshua tulad ng aktor at ni Ria.

Joshua Garcia

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lady Eagles basketball player Trina Guytingco jokingly calls Joshua Garcia her "rumored boyfriend."
PHOTO/S: @trinaguytingco / @garciajoshuae
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results