Is Lovi Poe ready to settle down with boyfriend Monty Blencowe?

by Rose Garcia
Apr 8, 2022
Lovi Poe, Monty Blencowe
Sa kasalukuyan ay nasa Los Angeles muli si Lovi Poe para magbakasyon kasama ang nobyong si Monty Blencowe na nakabase roon.
PHOTO/S: @lovipoe Instagram

Hindi problema ang long-distance relationship para kay Lovi Poe at sa British boyfriend niyang si Monty Blencowe dahil pabalik-balik lang ang aktres sa bansa at sa Los Angeles kunsaan nakabase ang nobyo.

Tingin ba ni Lovi ay for lifetime na sila ni Monty?

"I hope so!" natatawang sagot niya.

"I can only wish for the best. But right now, isusulat ko—wow, isusulat ko—isusulat ko pa yung reasons kung darating din tayo sa lifetime.

"But we'll get there."

Nakaharap ng ilang entertainment press si Lovi, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa contract signing niya sa Regal Entertainment Inc. sa Club Filipino sa San Juan City.

Tila hindi rin nagmamadali si Lovi na lumagay sa tahimik, base sa turan niya nang usisain kung kailan siya ikakasal.

"Only God knows," simpleng saad ng 33-year-old actress.

Pero siniguro niyang masaya sila ni Monty sa estado ng kanilang relasyon.

Kung ilalarawan niya ang kanyang love life gamit ang season, "very warm" at "summer" time ang tindi ng pag-aalab nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ine-enjoy lang ni Lovi ang estado ng kanyang buhay, lalo na't marami pang oportunidad na dumarating sa kanya.

Ayon pa kay Lovi, "Parang every day for me is a learning experience. It's always about the journey kasi when it comes to getting better every day.

"Kasi ako, I make mistakes all the time and I apologize all the time. Pero yun nga, it's all about the journey.

"Parang I could say, as a human being, sometimes it's hard for us to say na, 'Oh, I'm at peace now.'

"But that's how it is naman kasi when you're human, di ba? That's what makes life colorful din naman at the same time."

WRITING the script for HER new MOVIE

Isa sa exciting experience ni Lovi ay ang upcoming movie niya sa Regal, ang Seasons, na sa kanya mismo nanggaling ang konsepto at siya rin ang magsusulat ng script.

Ayon kay Ms. Roselle Monteverde, CEO ng Regal Entertainment Inc., posibleng gawan ng "Seasons, Reasons, at Lifetime" spin-off series ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinasok na nga ni Lovi ang pagsusulat ng script ng Seasons, kunsaan katambal niya si Carlo Aquino.

Pagdating sa pag-arte, pangarap ni Lovi makagawa ng action film na forte ng kanyang yumaong ama at King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

"Yun nga e. Sabi ko nga, for how many years in the industry, that's something that would be good to do.

"You know, to honor my father as well. Something that I've never done before is action."

Ilan sa mga pelikulan ni FPJ na nagustuhan niya raw ay ang Batang Quiapo, Isusumbong Kita sa Tatay Ko, Agila, at Perlas ng Silangan.

WORKING WITH PIOLO PASCUAL

Sa huli, naitanong din sa aktres kung kumusta bilang leading man si Piolo Pascual, na kasama niya sa Flower of Evil, ang unang teleserye niya sa Kapamilya network.

"Oh my god, he's amazing!" bulalas ni Lovi.

Paglalarawan pa niya kay Piolo, "Sobrang matulungin sa set, maalaga, and hindi mo mapi-feel na siya si Piolo Pascual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, happy ako dun. Happy ako na nabigyan ako ng opportunity na siya ang maka-trabaho ko sa Flower of Evil."

Read: Meet Lovi Poe and Piolo Pascual's co-stars in Flower of Evil

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kasalukuyan ay nasa Los Angeles muli si Lovi Poe para magbakasyon kasama ang nobyong si Monty Blencowe na nakabase roon.
PHOTO/S: @lovipoe Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results