Why it took 18 years for Aubrey Miles, Troy Montero to want to tie the knot

by Rachelle Siazon
Apr 9, 2022
Aubrey Miles, Troy Montero
"The way our relationship started, we're just gonna figure it out and do it our way, without pressure from outside, from family, or whoever. One day we just started talking about it," says Troy Montero. To which, Aubrey adds, "Never ko siya binigyan ng any signs or pressure na, 'I wanna get married."
PHOTO/S: @milesaubrey / @troymontero Instagram

Hininang ng panahon ang pagmamahalan nina Aubrey Miles at Troy Montero.

Sa PEP Spotlight, ibinahagi nina Aubrey at Troy na umpisa pa lang ay sigurado na sila sa commitment nila sa isa't isa.

Pero hindi raw talaga sila ang tipo ng couple na nagpapadala sa dikta ng kung ano ang inaasahan sa isang couple.

Naniniwala sila na may mga bagay na hindi minamadali.

"We always said we could do it. We're not both against it. I grew up this way, like, having my mom, dad, and everything. They've always been there.

"Her side is a different story. I never pushed for, like, 'Hey, it's so important for us to get married.'

"She was never saying, 'Yeah, it's so important. We have to get married,' or anything like that," bungad ni Troy.

Sinabi ni Troy na galing siya sa pamilya kunsaan kinalakihan niya ang masayang pagsasama ng mga magulang.

Ramdam ang respeto ni Troy kay Aubrey na hinayaan niyang magpaliwanag tungkol sa sarili nitong pamilya.

Continue reading below ↓

Ayon kay Aubrey, namulat siya na kahit kasal ang mga magulang ay nauwi pa rin sa hiwalayan.

"Sa side namin, my mom is separated with my dad. 'Tapos yung sister niya ganun din.

"Meron, siguro isa lang out of 11 magkakapatid sila ng mom ko, isa lang na nag-stay married. Lahat, separated na.

"Ganun yung feeling niya na baka ayoko because of my family background or my family issue.

"Pero di naman siya issue. It's not meant to be," kuwento ni Aubrey.

Sa tagal nilang magkarelasyon ni Troy, hindi maiwasang tanungin daw si Aubrey ng mga magulang niya kung may plano silang magpakasal.

"Sa isip ko, 'Kayo nga yung divorced 'tapos nagpipilit na ipakasal ako?' Ha-ha-ha!"

Hindi man madali ang pinagdaanan ng mga magulang ni Aubrey, hindi raw niya hinayaang magmarka iyon sa kanyang pagkatao.

"'Tsaka I should always consider na ibang tao siya. Ayoko i-compare. Though sinasabi nila, 'Same gender ganun talaga sila.'

Continue reading below ↓

"Pero iba rin ako, e. It's a different time. It's like this.

"Pero, maybe that's why it took a long time. But I won't blame that for ganito... It's just ganun talaga. We took our time," paliwanag ni Aubrey.

Para kay Troy, sa loob ng 18 taon nilang pagsasama ay hindi nila naramdaman ang bilis ng panahon.

"Next thing you know, we're like 10 years together.

"And you know what? We're so going strong, we're so happy. So for a few years, we thought, 'Why change anything? Let's just be happy,'" ani Troy sa unang dekada ng relasyon nila ni Aubrey noon.

Ni hindi raw sila nagkaroon ng major na pag-aaway o selosan issue lalo na nang magsimula silang magsama sa isang bubong at magkaroon ng sariling pamilya.

Patuloy ni Troy, "Now, we're at a point, like, it's just another step, it's another venture for us.

"Something else for us to enjoy without any pressure. Let's just do it our way again. Lets' not follow on the pressure of this type of wedding or where or something.

Continue reading below ↓

"Now it's just up to us."

Aubrey Miles, Troy Montero

on living together sans marriage

Over the years, hindi maiwasan na mausisa sila sa kanilang live-in setup.

"The way our relationship started, we're just gonna figure it out and do it our way, without pressure from outside, from family, or whoever.

Continue reading below ↓

"One day we just started talking about it. When our kids are older, they just started voicing their opinions a little bit.

"It had something to do with it as well. I would say their opinion no matter. For me, 'Aww... That's cute, they want us to get married,'" sabi ni Troy.

Hindi rin naman daw nangulit si Aubrey kay Troy.

"Never ko siya binigyan ng any signs or pressure na, 'I wanna get married.'

"Vocally, I'll tell him, 'It's okay, ha,'" tukoy ni Aubrey sa live-in setup nila ni Troy.

"Dahil sa tagal, andaming nagtatanong, 'Ten years na kayo, di pa kayo kasal. Engaged na ba kayo?' Sabi ko, 'Oo nga, ano... Di pa nga.

"Siya, nao-awkward-an minsan, especially pag family. We'll talk about it later and I'll say, 'No. It's not awkward. It's okay.'

"Pero yung feeling na andaming nagpu-push talaga. We don't wanna feel awkward.

"Pero minsan pag nandun na yung sobrang dami na talaga nagtatanong, every year, lalo na pag lumampas na kayo ng 10 years, yung struggle na how to answer it...

Continue reading below ↓

"Pero I don't want to get married just because ganun yung feeling," lahad ni Aubrey.

Sabi pa niya sa tiwala niya sa relasyon nila ni Troy kahit noong di pa sila engaged, "I know it's us. We know we'll be together."

Aubrey Miles, Troy Montero

HOT STORIES

WHEN THEY REALIZED THEY WANNA GET MARRIED

Hanggang sa dumating na lang daw ang tamang panahon na handa na silang mag-level up at maging legal na mag-asawa.

Continue reading below ↓

"Before pandemic pala, 2019. We feel na we're free. Nobody's asking. Siguro napagod na sila magtanong.

"That time, nasabi ko, 'One day, next year, let's see.' Parang nag-open up ako sa kanya.

"Eto rin pini-feel niya ako pero di pa ako ready. Now I'm ready."

April 2020 sana ang original wedding date nila sa Batanes, at plano nilang imbitahin ay 12 katao na malapit sa puso nila.

Na-book na raw nila ang accommodations nang biglang magkaroon ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic simula noong March 2020.

Na-postpone daw iyon nang na-postpone hanggang sa nai-refund na lang nila ang bookings.

READ: Aubrey Miles, Troy Montero plan to get married after 17 years of being together

Hindi raw sila officially engaged noon.

Kuwento ni Aubrey, "Actually, yung sinabi ko sa kanya before, sa tagal naman natin, 17 years na tayo, wag na tayo mag-engagement, proposal.

"I'm okay with kasal. I think that's the most important part. That's the most legal way to do it.

Continue reading below ↓

"Pero nag-iba. Iba rin pala pag na-engage ka. It's a different vibe."

Maurie, Aubrey, Rocket, Troy, and Hunter in Boracay

HOW TROY PROPOSED TO AUBREY

Nasa plano ng couple na magbakasyon ng halos isang buwan sa Boracay kasama ng mga anak na sina Hunter at Rocket.

Kasama rin nila ang anak ni Aubrey na si Maurie, na itinuturing ni Troy na sarili rin niyang anak.

Continue reading below ↓

Si Maurie ay anak ni Aubrey mula sa dating aktor na si JP Obligacion, na unang nakarelasyon ng aktres bago si Troy.

Dala ni Troy ang engagement ring para kay Aubrey, at doon siya sa Boracay nagplano kung paano mag-propose.

Nahanap ni Troy ang perfect spot sa isang lagoon, kunsaan malapit sa tinatakbuhan niya para sa early morning jog niya habang naroon sila sa Boracay.

Dinala raw niya roon si Aubrey minsan, at nakita niyang bagay iyon na proposal spot dahil sa ganda ng lugar.

Sabi ni Troy, "I think this is a week later, I asked her, 'Hey, let's go for a morning walk.' At first, we were saying, let's bring the kids.' We will do this glass kayaking thing.

"The kids, I know they're not gonna want to go because it's so early. She said, 'Guys, were gonna go to the inn. Let's go to the glass kayak...'

Continue reading below ↓

"And then I said, 'Okay, sige, they don't wanna go, it's okay. Let them stay. It's just us na lang.'"

Tamang-tama dahil gusto rin daw ni Troy na solo lang sila ni Aubrey sa kanyang proposal.

Hindi naman daw nahalata ni Aubrey ang plano niya dahil mukhang magpi-picture taking lang sila sa tulong ng mga staff na inalalayan sila para sa glass kayaking activity.

READ: Aubrey Miles, Troy Montero engaged after 18 years of being together

Ayon kay Aubrey, hindi niya natugunan agad ang tanong ni Troy sa kanya nung naglabas na ito ng engagement ring.

"Actually, ang setup, siyempre kayak, nasa likod ko siya nakaupo. Nung sinabi niya, 'Come here [on my end of the boat] let's take a photo together...'

"Biglang may kinuha siya, 'I have something for you.' Sabi ko, 'Ano yun?' Pagbukas niya ng box, alam mo na siyempre.

"Pag-open niya, sabi ko, 'Ahhh!' 'Tapos sabi niya, 'Oh, do you like it?' Sabi ko, 'Yes, I like it! It's big!'

Continue reading below ↓

"'Tapos yun na, sinabi niya, 'Will you be my forever?' Tapos sabi ko, 'Thank you.'

"Di ako nag-yes muna. Siguro nag-thank you ako dahil binigyan niya ako ng regalo.

"Thank you ako nang thank you, tinititigan ko yung ring," natatawang lahad ni Aubrey sa PEP.ph.

Aubrey Miles, Troy Montero

Dagdag ni Troy, laugh trip daw ang blooper na bago siya mag-propose ay nalagyan ng kaunting tubig ang loob ng kayak at nabasa ang kanyang shorts.

Continue reading below ↓

Nag-aalala raw siya na baka malaglag ang ring kaya nataranta siya nang kaunti.

Sabi naman ni Aubrey, "May photo kami tinry [try] ko tumayo. Malalaglag talaga kami.

"Nagulat din ako sa setup. May isang boat inaabangan kami. Buti na lang may mga tao [na umalalay].

"Even though, di naman malalalim, but baka mamaya mahulog kami or yung ring."

Nasorpresa raw talaga si Aubrey na nag-propose sa kanya si Troy dahil wala iyon sa usapan.

Alam daw niya na effort para kay Troy na masorpresa siya dahil siya raw ang tipo na mabubuko niya ito kapag may pakulo dahil lahat ng bagay ay inaalam niya.

"Di na ako nag-expect. The last time na nagsukat kami ng ring was before pandemic.

"Nagsukat kami three times lang for the wedding band. Siguro di naman ako tumaba so nagkasya," ani Aubrey.

Sabi pa niya kay Troy sa effort nito, "Aww, nice... Good one."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"The way our relationship started, we're just gonna figure it out and do it our way, without pressure from outside, from family, or whoever. One day we just started talking about it," says Troy Montero. To which, Aubrey adds, "Never ko siya binigyan ng any signs or pressure na, 'I wanna get married."
PHOTO/S: @milesaubrey / @troymontero Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results